Chapter 45 - Jeopardy

24.6K 291 15
                                    

CHAPTER 45

KATH'S POV

Katatapos lang ng office hours at naghahanda na ako para umuwi. I'm looking forward to seeing DJ. Hindi pa kasi kami nagkikita ngayong araw. Driver niya ang sumundo sa akin kaninang umaga at hindi rin siya sumabay sa aming mag-lunch. That's twice today.

Nang tanungin ko si Julia ay sinabi niyang medyo busy daw ang boss niya ngayon dahil may inaayos na problema sa kumpanya. Hindi na ako nag-usisa pa at sinubukan na lang siyang intindihin.

Natapos na akong magligpit ay hindi pa rin siya dumadating. Pupuntahan ko na sana siya sa opisina niya para sunduin nang biglang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko agad nang makitang siya ang tumatawag.

PHONE CONVO

Me: Hello, babe? Where are you?

DJ: Babe, sorry. That's why I called. Si manong muna maghahatid sa'yo ngayon pauwi ha. May kailangan lang akong kausaping importante. Sorry talaga, it can't be helped.

Me: A-ah... Ganun ba? Sige, okay lang. Uwi na lang ako.

DJ: Pero, don't worry. Dadaan ako mamaya sa bahay niyo. I need to see you. Nami-miss na kita.

Me: Ako rin. Is everything okay? You sound so tired.

DJ: Hindi, okay lang ako. Don't worry about me. Basta, kita tayo mamaya ha.

Me: Okay. Ingat ka.

DJ: I will. I'll see you later. Bye. I love you.

Me: Love you too. Bye.

END OF CONVO

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon