Chapter 47 - Unexpected

24.4K 318 17
                                    

Napa-update ako habang hinihintay mag 10:45... LOL! Maraming magpupuyat ngayon.. Alam na!

Dedicated to one of my favorite authors sa Watty! Kung hindi niyo pa nababasa mga gawa niya, you're missing a lot! Hehehe.. ^_^

Enjoy!

==================================================

CHAPTER 47

DJ'S POV

"Daniel, wala ka ba talagang balak sundan siya?" pang-ilang ulit na tanong ni Julia sa'kin sa araw na ito.

Tatlong araw na simula nang umalis si Kath. Hangang ngayon, kinukulit pa rin nila akong sundan ito sa Amerika.

"What's the point, Julia? She made it clear she doesn't want me anymore. Pabayaan na natin siyang maging masaya," bale-wala kong sabi.

"Pero-"

"Enough of this. Ayoko na siyang pag-usapan. Pwede bang dalhin mo na lang dito ang mga papeles na hinihingi ko? I need it now," sabi ko sa kanya. I heard her sigh as she left the room.

I banged my fist on the desk in frustration. Paulit-ulit na lang. Kinakastigo ko na ang sarili ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa dibdib tuwing maaalala ko ang ginawa niyang pag-iwan sa akin sa ere. My ego was hurt. My pride bruised. Iniwan niya ako pagkatapos may mangyari sa amin. I felt used. Na parang laruan na bigla na lang pinabayaan sa isang sulok. Pero kahit na anong gawin ko, hindi ko magawang magalit sa kanya.

Nasaktan ako, oo. But I understand why she did what she did. So typical of her. Dapat nga nung una pa lang, nahulaan ko nang ito ang gagawin niya. She was not the type to let anyone else get hurt because of her. Masyado siyang selfless.

Ngayong wala na kami, hindi na rin itinuloy ni Aria ang balak niya. Nakuha na niya ang gusto niya. Ayos na ang lahat sa kumpanya, for now. Hindi ako tuluyang makakampante hanggang nasa parehong bansa pa kami ni Aria. Baka sa susunod, kung ano na namang kalokohan ang pumasok sa isip niya. Kaya naman, nagpasiya akong lunurin na lang ang sarili sa trabaho para maghanda at para na rin makalimot.

But make no mistake. I tried to get her back. I did. Pero nabigo ako.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon