Chapter 29 - Car Chases

27K 434 13
                                    

Alam niyo, nasa-sad ako kasi parang ang bagal umakyat ng reads nito.. :'(

Dedicated po to JLandee. Salamat sa pag-fan!

Anyhoo! Here's the update para sa mga nag-aabang! Hello nga pala sa inyong dalawa na parati kong ka tweet.. (kaway, kaway!)

Hope I don't dissapoint you with this update. Enjoy!

===================================================

CHAPTER 29

ENRIQUE’S POV

Nagmadali akong pumunta kila Chandy pagkatanggap ko ng tawag niya. I can just imagine how she must feel right now. Alam kong masakit pa rin para sa kanya tuwing naaalala ang mga nangyari noon. Si Ria. Ang nakaraang pilit niyang tinakasan.

Kahit na matagal na panahon nang nakaraan, hindi pa rin nakakalimutan ni Chandy ang mga ginawa sa kanyang pang-aapi noon. Sabi nga nila, mas matagal maghilom ang mga emotional scars kesa sa mga pisikal na sugat. Whatever they did to Chandy before, yun ang dahilan kung bakit napakababa ng kumpiyansa niya sa sarili, at kung bakit takot siyang magkamali.

But lately, I’ve noticed na parang nagbago siya. Mas naging masayahin, palangiti, at palabiro. Sa tuwing magkakausap kami sa phone, bakas sa boses niya ang kasiyahan. At alam kong isang tao lang ang dahilan kung bakit. Nakakalungkot isiping hindi ako ang taong ‘yon.

Naabutan ko siyang katatapos lang kumain. Napatayo siya at agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Are you okay?" tanong ko.

“I’m not sure,” malungkot na sabi naman niya.

Hinila ko siya papunta sa garden nila. Kahit tanghaling tapat, hindi naman mainit. Mukha pa yatang aambon. "Now, tell me everything. What happened?"

Nagsimula siyang magkuwento. Lahat ng nangyari kagabi, pati na rin ang mga pinagsasabi ng Ria na ‘yun. Damn that woman! Ano’ng karapatan niyang pagsabihan si Kath ng ganun?

Nasasaktan ako para sa kanya. Sensitive pa naman siya sa mga ganitong bagay. Madali siyang masaktan sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Ayoko talaga siyang nakikitang ganito. Nalulungkot at umiiyak. Pero kahit na ano ang sabihin ko, parang hindi pa rin siya kumbinsido.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" tanong ko nang mapansing hinayaan niya lang na mag-ring ang phone niya. Sino kaya itong tumatawag?

Umiling siya. "Hindi niya pa alam ang tungkol dito. Hindi ko rin alam kung pa'no ko sasabihin sa kanya."

So, siya pala.

"Don't you think he should know? After all, b-boyfriend mo siya, 'di ba?"

"I'm going to tell him. Hindi ko lang alam kung kailan," sagot niya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.

"Basta, takaw. Pag-isipan mo ang sinabi ko. Don't worry. She can't hurt you. Not when I'm around," I assured her.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon