CHAPTER 36
KATH'S POV
Sa sumunod na mga linggo pagkatapos kong lumabas ng ospital ay naging mas mahigpit sa pagbabantay sa'kin ang mga tao sa paligid ko. Sila mama, papa at yaya, minu-minutong nagtatanong kung okay lang ang pakiramdam ko kapag nasa bahay ako. Sina Julia, Diego at DJ naman, ganun din sa opisina. Kung minsan, nakikisali rin sina Ate Becca at Kuya Tyler.
Na-aapreciate ko man lahat ng efforts nila, kung minsan hindi ko rin maiwasang mainis. Feeling ko kasi ang OA. Lalo na 'tong si DJ.
Ngayong balik trabaho na ako, araw-araw niya akong sinusundo mula sa bahay sa umaga at hinahatid ako pauwi pagkatapos ng trabaho. Kung hindi maiiwasang may importante siyang meeting, ang driver niya ang naghahatid sa'kin. Hindi ko na nga nagagamit ang kotse ko eh. Nakatambay na lang siya sa garage namin. Haaaay.
Kapag lumalabas naman kaming dalawa, para siyang bodyguard ko. Mas paranoid pa nga sa akin. Pero masaya rin naman ako dahil parati na kaming magkasama ngayon. Ginagawan niya talaga ng paraan para siya mismo ang sumama sa'kin sa mga lakad ko.
Iniisip ko na lang na para naman sa kapakanan kong lahat ito. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang lalakeng nanambang sa'kin. The police ruled it out as a simple case of attempted robbery. Wala naman kasi silang makitang motibo para paghinalaan ang mga competitors namin sa negosyo at wala rin naman akong kaaway.
Tinikom ko na rin ang bibig ko tungkol sa mga bulaklak na natanggap ko nung nakaraan. Ayaw kong isiping may koneksiyon iyon sa nangyari sa akin. Tinatakot ko lang ang sarilin ko 'pag ganun.
Hindi man gusto ni DJ ang naging resulta ng imbestigasyon ay wala siyang magawa. Kaya nga 24/7 siyang nakabantay sa'kin. Pwera ngayon. Iiwan kasi niya ako. Aalis na siya....
For three days papuntang Cebu. Hahaha. Kinabahan ba kayo? Ako rin eh, nung una niyang sinabi sa'kin. Putek kasi, ang drama niya. Akala ko naman kung saan siya pupunta at matagal siyang makakabalik.
May business conference kasi doon at siya ang napiling ipadala ng kumpanya. Umangal pa nga ang loko at nagreklamo sa papa niya. Tuloy, napagalitan. Sila Ate Becca at Kuya Tyler kasi busy din sa pag-aasikaso ng isang deal na kailangang i-close ng kumpanya with a large foreign company kaya hindi nila maiwan ang trabaho.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...