Dedicated to yrah04. Thanks for all the votes and comments!
Salamat po sa lahat ng nag-add nito sa reading list nila at sa mga nag-fan! Enjoy reading....
=====================================================================
CHAPTER 23
KATH’S POV
Napasarap ang kuwentuhan namin ni Ate Becca at Sir Tyler. Sir pa rin ang tawag ko sa kanya kasi hindi naman kami ganun ka-close. Pero, mabait din naman siya tulad ni ate. Medyo seryoso nga lang. Panay nga ang puri nila sa pagkanta ko kanina. Ganda raw ng boses ko. Kahiya naman.
Paglingon ko sa tabi ko, wala na si DJ. Huh? Sa’n nagpunta ‘yun? Bigla na lang umaalis ng walang paalam. Nami-miss ko tuloy. Chos!
Nagpasiya akong pumunta muna ng restroom. Nagpaalam ako kina ate at tumayo na. Hindi pa ako nakakalabas nang magsitilian ang mga tao sa loob ng ballroom.
Ano’ng meron? Sabi ni Diego kanina, Parking 5 daw. Ano naman yun? Hindi ko na lang pinansin at tuloy-tuloy na sa exit.
“Huy, Mommy! I’m about to bare my heart and soul to the world here, tapos lalayasan mo lang ako?”
Teka, I know that voice. Pumihit ako paharap ng stage. Si DJ nga! Ako ba kausap niya? I looked at my left, then my right. Wala naman akong katabi. I gave him a questioning look and pointed at myself.
“Yes, you. Makining ka ha. Para sa’yo ‘to…”
Anubey! Ano na namang pakulo ito, Padilla?
“Gusto ko lang pong malaman niyong lahat, na ang babaeng ‘yan, si Kathryn Chandria Bernardo, ay mahal na mahal na mahal ko,” sabi ulit niya.
Napanganga naman ako. Oh my gulay! Shet na malagkit! Sinabi niya ba talaga ‘yun? Deeeejaaaay naman eh! Pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Pero kinikilig din naman ako, aaminin ko na.
Tumugtog na ang banda at nagsimula na siyang kumanta.
“Pag-ibig ko sayo’y totoo
Ni’ walang halong biro
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito…”
Nakatingin lang siya habang kumakanta. Napako naman ako sa kinatatayuan ko at nakinig lang sa kanya.
“Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw lamang giliw
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito…”
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...