Chapter 42 - After the Storm

26.6K 322 12
                                    

Bago ko ibigay ang susunod na kabanata, pwede pong humingi ng pabor? Paki-basa naman ang aking ginawang one-shot.. KathNiel din po siya... Click on the external link... Please and thank you! :))

Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa kwentong ito.. 8 chapters left (I think).. Basta malapit na siyang matapos...

PM me for dedics... Labyu ol!

Enjoy...

==========================================

CHAPTER 42

KATH'S POV

"Good morning, ma!" masiglang bati ko at hinalikan sa pisngi si mama. Siya namang pagpasok ni papa sa dining room kaya niyakap ko rin siya at binati.

"Well, you're in a good mood," puna ni papa.

"Masaya lang po ako, pa," simpleng sagot ko. Nagkabati na kasi kami ni DJ kaya pakiramdam ko, all is right in the world again.

"Hmmm... I wonder why?" sabi naman ni mama sabay ng isang nanunudyong tingin.

"Mama naman. Kailangan ba ng dahilan para maging masaya? Basta, I'm happy. Period," sagot ko naman at umupo na. Nagsalin na rin ako ng pagkain sa plato.

Umiling-iling na natawa na lang siya. "I don't know. Nitong mga nakaraang araw kasi parang ang tamlay mo. Tapos ngayon, biglang ganyan ka. May nangyari bang hindi namin alam?"

Napatigil ako at mabilis na nag-isip ng palusot. "W-wala, wala po. Masyadong busy lang po kasi sa opisina these past week, kaya lagi akong pagod."

"Oh, okay. Sabi mo eh. Speaking of work, baka naman masyado mo nang pinapagod ang sarili mo, anak. Ayaw mo pa rin bang magtrabaho para sa kumpanya natin?"

"Alam niyo ma, napag-isipan ko na rin 'yan. Patatapusin ko na lang po siguro ang kontrata ko sa kumpanya nila DJ pagkatapos magre-resign na po ako. Para masimulan ko na rin ang training ko sa kumpanya natin. Maikli na lang naman pong panahon."

"That's good news, anak. It's nice to hear that you're finally taking interest in our company," sabi ni papa.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon