Dahil hindi ako makatulog kahit masama ang pakiramdam ko at dahil mahal ko kayo, tinapos ko na lang ang chapter na 'to! Bukas pa sana ang update eh. Yeyeyeyeyey!
Happy 5K to me! Maraming salamat po sa inyong lahat. I hope you keep supporting this story. :*
Dedicated to kvuc28. Thank you so much sa support.
Hope you like this update!
=============================================================
CHAPTER 26
KATH’S POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Buset! Ang sakit pa rin. Huhuhu.
Nakatulog din pala si DJ. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakasandal ang ulo niya sa headboard ng kama ko. Hindi kaya magka-stiff neck siya nito? Aaaaaaw. Kawawa naman ang baby ko.
Dahan-dahan akong bumangon at pinagmasdan ang mukha niya. Ang pogi talaga! Lalo na ‘pag ganitong tulog siya. Ang cute! Parang baby. Nakaka-in love lalo. Hihihi.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinadaan ko ang hintuturo ko sa kilay niya, sa eyelashes niya, sa matangos niyang ilong. When I reached his lips, nagulat ako ng bigla niyang hinalikan ang daliri ko.
“Matunaw naman ako niyan, babe,” sabi niya habang nakapikit pa rin, pero nakangiti.
“Gwapo mo kasi, babe,” sagot ko naman at patuloy siyang tinitigan. Bigla namang bumukas ang mga mata niya.
“Nagmana ka na sa’kin. Marunong ka nang mambola ngayon.”
Natawa na lang ako.
“How are you feeling?” tanong niya at hinawi ang buhok na naligaw sa mukha ko. Then he tucked it behind my ear.
“Better,” nakangiti kong sagot at bumalik ng higa. Nahihilo pa rin kasi ako. Baka mahalata niya.
“Mabuti naman. Gusto mong kumain?”
“Wala akong gana eh.”
“Kath…” nagbabanta niyang sabi.
Gulp! Baka mag-away na naman kami nito.
“Sige na nga. Kakain na. Pero pwede bang favor?”
“Ano ‘yun?”
“Pabili ka naman kay manong ng ice cream, o. Cookies and Cream. Tapos manggang hilaw.”
Nagtatakang napatingin siya sa’kin. “Kath, umamin ka nga.”
“Huh?”
“Naglilihi ka ba?” seryoso ang mukhang tanong niya.
Ay tanga! May nabubuntis ba sa halik sa noo at pisngi? Binatukan ko nga. Napa-aray naman siya.

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...