Chapter 30 - Her Deepest Secret

27.1K 457 14
                                    

Here's the update! Sorry, medyo late... Sabaw kasi utak ko kahapon...

Remind ko lang po na this story is pure fiction. Gawa-gawa ko lang. Kath is 23 here, DJ is 24. Some scenes require parental guidance. Teeheee.. Labyu ol!

This one is dedicated to michellemaguigad. Thank you sa paglabas mo! :)

Comment and Vote for dedics!

Hope I don't dissapoint... Enjoy!

======================================================

CHAPTER 30

DJ'S POV

"Ay, teka. Wala akong damit panlalake rito. Check ko muna sa kwarto nila papa," sabi ni Kath nang makapasok kami sa kwarto niya.

"Wag na babe. Nakakahiya naman."

"Eh, pa'no ka? Kailangan mong magpalit. Magkakasakit ka niyan."

"Hubarin ko na lang muna 'tong damit ko tapos patuyuin natin."

"Ha? E-edi wala kang pang-itaas habang naghihintay matuyo yung damit mo."

"Okay lang. May ipagmamayabang naman eh," biro ko sabay smirk.

Namula naman agad siya. Kita mo 'to, and dumi ng isip. Haha. Nakatanggap tuloy ako ng kurot sa ilong.

"Puro kalokohan! Maghintay ka diyan. Babalik ako kaagad. Pakikuha na lang ng towel diyan sa pinakamataas na cabinet. 'Di ko abot eh."

"Yes boss!" sagot ko sabay salute.

"Magpatuyo ka ha," bilin niya sa'kin at lumabas na ng kwarto.

Tinungo ko ang cabinet niya. Giniginaw na rin talaga kasi ako. Medyo may kataasan nga ito. Nasa pinaka-top daw ang mga towels eh. I stood on tiptoe and reached up. Agad ko namang nakita ang mga tuwalya. I pulled one out. Hindi ko namalayang may nakapatong palang kahon. Bumagsak iyon sa sahig at nagkalat ang mga laman.

Nakupo. Lagot ako kay Kath nito.

Dali-dali kong pinulot ang mga nagkalat na gamit. But one thing caught my attention. A familiar looking handkerchief. I picked it up and examined it closely.

Teka, akin 'to ah.

How can I be so sure? Nakaburda kasi ang mga initials ko. DJFP. Lahat ng panyo ko meron nito.

Ngayon ko lang din napansin ang mga ibang bagay na nalaglag mula sa kahon. Pictures.

Wait, these are pictures... of me?

Ako nga nasa mga pictures na ito. Kung hindi ako nagkakamali, these were taken several years ago. College yata ako dito. May mga pictures ko habang naglalaro ng basketball, when I received an MVP award, cultural presentations sa university kasama ang banda ko.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon