Chapter 16 - Flowers and Sweet Nothings

31.7K 470 8
                                    

Dedicated to Jamlovesmusic074! Thanks sa mga votes.. I appreciate it! Sobra! :*

KV muna tayo guys... Ayoko pa ng conflict.. Love, love, love... Here's the next chapter.. Sana magustuhan niyo!

==================================================================

CHAPTER 16

KATH’S POV

Nagising ako sa maingay na pag-ring ng cellphone ko. Sino naman ang tatawag ng ganito kaaga? Malamang si Julia. Kinapa ko ang side table ko hanggang sa mahagip yun ng kamay ko.

“Bes, tumawag ka na lang ulit mamaya. Babalik muna ako sa dream land,” antok kong sabi. Ibababa ko na sana ang tawag nang makarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya. Teka, hindi boses ni Julia ‘to.

PHONE CONVO

?: Siguro, ako ang napapanaginipan mo no?

Me: DJ?!

DJ: Good morning, beautiful!

Me: Che! An aga-aga, nambobola. DJ naman eh, inaantok pa ‘ko.

DJ: Ano’ng maaga? For your information, magandang binibini, 7 am na po. Hindi ba’t 8:30 ang pasok mo?

Me: 7 na?! Weh?! 7:02 pa lang sa relo ko.

DJ: Haha. Bumangon ka na. Bawal ma late sabi ng boss mo.

Me: Hay. Opo, opo. Babangon na.

DJ: Mamaya ka na matulog ulit. Don’t worry, babalik at babalik ako sa panaginip mo.

Me: Ang kapaaaal! Ewan ko sa’yo!

DJ: Pikon! O, bangon na. ‘Wag kalimutang mag breakfast ha. Masama ang nagpapalipas ng gutom.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon