Dedicated to rheyanmae05.. Maraming salamat! ^_^
Nagulat ako dahil maraming lumabas na readers nung previous chapter... Hmmm... Bakit kaya? Hihihi.. Sana po patuloy niyong suportahan ang story na ito.. Kahit hindi siya kagandahan... Maraming salamat!
Eto na po ang susunod na chapter.. Pasensiya na kung boring.. Happy New Year!
Enjoy!
=================================================
CHAPTER 40
DJ'S POV
Mababaliw na yata ako. Halos isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Kath. Gusto ko man siyang puntahan, pinigilan ko ang sarili ko. Baka mas lalo pa siyang magalit sa akin. Pagbibigyan ko muna ang pakiusap niyang 'wag muna akong magpapakita sa kanya. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang lumapit sa akin. Pero punyemas, ang hirap pala!
Nasa condo ako ngayon at hinihintay si Diego. Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil gusto kong mapag-isa at makapag-isip. Nalulungkot ako masyado, at ayaw kong makita nila na ganito ako, lalo na si ate. Magtatanong pa ang mga yun at wala ako sa mood magkwento.
Hindi ko alam kung okay lang ba siya, kung kumakain ba siya at nakakatulog ng maayos. Ang kunwelo ko na lang, hindi na ako masyadong nag-aalala tungkol sa safety niya dahil pumapayag pa rin siyang magpahatid at sundo sa driver ko. Muntik na nga raw siyang tumanggi, pero mabuti na lang nagawan ng paraan ni manong. Siya na rin ang nagsisilbing mata ko sa mga ginagawa ni Kath sa araw-araw. Ang alam ko, kasama niya si Julia ngayon, kaya hindi siya nagpahatid pauwi.
Pati nga si Julia, hindi ko na rin masyadong nakakausap. Medyo awkward pa sa pagitan namin ngayon, dahil na nga sa nangyari. Professional lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi kami nag-uusap kung hindi tungkol sa trabaho.
Ang sabi ni Diego, alam na raw ni Julia lahat. Maghintay na lang daw ako dahil ginagawan na nila ng paraan. Ayaw ko man na madamay pa silang dalawa sa away namin ni Kath, ay tinutulan ni Diegs lahat ng protesta ko, kaya hinayaan ko na lang siya.
Haaaay. Kailan pa kaya matatapos lahat ng 'to? Nami-miss ko na si Kath. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita at hindi naririnig ang boses niya. I miss her smile and her laugh. I miss her, period.
Isa pa sa mga iniisip ko ay kung sino ang nagpadala ng mga pictures sa kanya. Napag-usapan na rin namin ni Diego, and we both agreed that it was all part of someone's plan. Malinaw na sinet-up ako. Pero nino?
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...