Chapter 49 - Second Thoughts

25.4K 347 28
                                    

Dedicated sa aking pinakamakulit na reader na laging humihingi ng update.. Hahaha.. Labyu Kate! :))

Sorry po kung natagalan.. Bedridden kasi ako buong linggo... #OAMuch

Enjoy!

========================================

CHAPTER 49

KATH'S POV

"Hello, babe? Nasa'n ka?"

"Babe, I'm sorry. Hindi kita mapupuntahan ngayon. Something urgent came up. May kailangan lang akong ayusin," sagot ni DJ mula sa kabilang linya.

Hindi ko napigilang manlumo. "Ah, ganun ba? S-sige mag-ingat ka na lang."

"Sorry talaga. But I promise I'll make it up to you."

Limang araw mo nang sinasabi 'yan.

 

"O-okay lang. S-sige na, baka busy ka," sabi ko na lang bago pa ako maiyak at marinig niya.

"Bye. Alagaan mo si baby ha. Mag-iingat kayo," nagmamadaling sabi niya.

"Bye. I love y-"

Pero naputol na ang tawag bago ko pa man matapos ang gusto kong sabihin. Huminga ako ng malalim at pilit na pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

Bawal ma-stress, Chandria. Makakasama sa baby.

 

Bumaba ang kamay ko sa tiyan ko at bahagyang hinaplos iyon. "Hay anak. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa tatay mo. Pero 'wag kang mag-alala. Kahit na ano pang mangyari, sisiguraduhin kong lalaki kang masaya at busog sa pagmamahal."

Bahagya namang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos. Ang hirap naman kasi. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari kay DJ. Halos isang linggo na rin kaming ganito. Madalas sa telepono na lang kami nag-uusap. Parati kasi siyang busy nitong mga nakaraang araw.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon