Chapter 3 - Lunch... Date?

38.4K 566 17
                                    

CHAPTER 3 - Lunch... date?

KATH'S POV

Lumabas na ako ng restroom pagkatapos kong mag muni-muni. Agad akong pumunta sa HR Office para i-process ang mga papeles na kailangang pirmahan. Nagtagal din ako ng halos isa't kalahating oras dun. Paglabas ko nakaramdam na ko ng gutom kaya nagpasya na akong babain si Julia.

Sumakay na ako ng elevator pababang 7th floor. Umupo ako sa sofa na nasa reception area at tinext si Julia.

To: Pretty Bes

Bes, nandito na ‘ko. Wait kita.

From: Pretty Bes

Teka lang bes. Palabas na kami.

Kami? Sino naman kayang kasama niya? Don't tell me...

Tama nga hinala ko. Lumabas si Julia kasunod si Daniel at Diego. Agad naman siyang lumapit sa 'kin at nag beso.

"Bes, kanina ka pa? Sorry ha," si Julia.

"Hindi naman bes. Kararating ko lang din. Natagalan ako sa HR eh," sagot ko naman.

"Nga pala bes. Okay lang ba kung sumabay na rin tayo kila Sir Daniel? Nagyaya kasi si Diego," mahina niyang sabi.

"Ha? Eh... Ano.. Okay lang ba na kasama ako sa inyo? Parang nakakahiya yata."

"Ano ka ba? Si Sir Daniel nga nagsabing yayain kita. Tsaka ba't ka mahihiya? Technically, empleyado ka na rin dito ngayon at mga boss mo na sila."

"Kaya nga eh. Boss. Okay lang ba talaga 'yun?"

"Sus! 'Wag ka nga! Ganun talaga kami rito. Halika na at naghihintay na sila," sabi niya sabay hila sa'kin ng malakas.

Napilitan naman akong sumama. Sa totoo lang naiilang talaga akong kasama si Daniel. Walang alam si Julia tungkol sa koneksyon ni Daniel sa 'kin. He's my deepest secret. Kahit mga magulang ko, walang alam tungkol dito. Nakalapit na kami sa dalawang lalake na pawang nakangiti.

"Hi, Kath!," bati sa 'kin ni Diego? Ay, Kath? Close na kami agad? Haha. Bayaan na Chandria. "Congrats nga pala ha! Welcome to the company!"

"Salamat. Okay lang ba talagang sumabay ako sa inyo?," tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Para makapag bonding na rin tayo."

Bonding daw? Friends na kami? Masyado naman yatang FC 'tong si Diego. Joke lang. Saya nga eh. Feeling ko magkakasundo kami nito.

"Tara na. Gutom na 'ko," biglang yaya ni Daniel.

Hindi ko naman mapigilang sulyapan siya. Nginitian niya naman ako ng pagka ganda-ganda. Napayuko ako dahil naramdaman ko namang namumula ako. Whoooo. Deep breaths, Chandria.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon