Chapter 32 - A Long Weekend Part 2

28.5K 378 8
                                    

Hindi ko pa rin matanggap na natalo ng Ryan-Karen ang KathNiel at natalo ni Myrtle si Kath. Female Cutie? Eh, hindi naman siya cute eh! Argh! Nakaka-BV! Muntik pa 'kong 'di mag-update dahil sa inis.

Pasensiya na po kung pangit 'to. Medyo wala kasi ako sa mood. T_T

P.S. The following may contain some scenes not suitable for young audiences. Parental Guidance is advised. Pasintabi po sa mga minors! Mwah!

Enjoy...

=====================================================

CHAPTER 32

DJ’S POV

Hila-hila ko si Kath palabas ng cottage. Hindi na naka-react sina Julia at Diego. Pero itong kasama ko, kanina pa nagpupumiglas. Hinigpitan ko naman lalo ang hawak ko sa kanya. Aish! Naiinis ako!

“Teka nga, DJ! Tigil muna. Sa’n ba kasi tayo pupunta?”

Hindi ko siya sinagot at patuloy na naglakad.

“Isa! ‘Pag di ka huminto magagalit ako sa’yo.”

Natigil naman ako bigla sa paglalakad. Aba, natututo na siya. Pinagbabantaan na ako. Hinarap ko siya at tinitigan ng matalim.

“O, ba’t ganyan ka makatingin? Ikaw pa ngayon ang galit, eh ikaw ‘tong kinaladkad ako ng walang dahilan,” nakabusangot na sabi niya.

Walang dahilan? Aish! Kalma, DJ. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ko sa matigas na tono.

“Kasi nasa beach tayo?”

“Wag kang pilosopa, Kathryn Chandria.”

“Eeeeh. DJ naman. ‘Di ko kasalanan. Si Julia nag-impake nito. Sinuot ko lang.”

Si Julia pala! Makukutusan ko talaga ang babaeng ‘yun!

Tumaas lang ang kilay ko pagkatapos ay hinila ko siya ulit.

“DJ saglit lang! Stop!” sigaw ulit niya.

“WHAT?!” inis na sabi ko at tumigil ulit sa paglalakad.

“Ano ba kasing problema? Saan ba tayo pupunta?”

“Babalik ng hotel. Magpapalit ka.”

“DJ naman eh. Yun lang ba inuusok ng ilong mo jan? Ang OA naman.”

“Aba’t! Hindi ako OA, okay! Ayoko lang mabastos ka jan sa suot mo. Mamaya kung ano pang mangyari sa’yo.”

 “Tingnan mo nga ang suot ng iba jan. ‘Di hamak naman na mas disente ‘to noh.”

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Big mistake. Napalunok ako. Naman kasi! Kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip ko. Get a grip, DJ!

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon