Chapter 10 - She's Sick

38.3K 599 19
                                    

Dedicated sa kanya kasi minarathon niya ang 9 chapters.. Salamat sa mga votes!

Kahit hindi umabot ng 5 votes, what the heck, here's the update!!!


Enjoy....

==========================================================

CHAPTER 10

KATH'S POV

Pagmulat ko ng mga mata ko, hindi ko alam kung nasaan ako. Pero ang alam ko, nakahiga ako sa isang malambot na kama. Puti ang kisame, pati na rin ang mga dingding. Naramdaman ko ring merong nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko naman kung sino.

"D-d-daniel?!"

"Thank God! You're awake."

"A-a-anong nangyari? Where am I?"

"You don't remember? You fainted. Nasa infirmary ka ng kumpanya."

Sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako. "Huwag ka munang masyadong gumalaw," sabi niya. Humiga na lang ako ulit.

"How did I get here? Huli kong naaalala, nasa opisina ako."

"Naabutan kita sa sahig. Mabuti na lang sa opisina mo agad ako nagpunta pagkarating namin," paliwanag niya. "Kath naman. Bakit ba hindi ka kumain? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala? God! Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita kitang nakabulagta sa sahig," galit niyang sabi at binaon ang mukha sa kanang kamay. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

Nakonsensiya naman ako. Naabala ko pa tuloy siya. Kung bakit ba naman kasi ang tanga ko. Pagkain na nga lang, nakalimutan ko pa.

"I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya," sabi ko ang gave his hand a squeeze. Inangat naman niya ang ulo niya at tiningnan ako ang mariin. "Please don't be mad at me. Sorry na talaga."

Napabuntong-hininga naman siya. "Hindi ako galit. Nag-alala lang talaga ako sa'yo. Please naman. Wag mo nang ulitin, pwede? Papatayin mo ako sa kaba."

Napangiti naman ako. Haaay. Ang sweet talaga niya. If only we could be more.

"Susubukan ko talaga. Promise. Thank you. Kung hindi ka dumating baka napano na 'ko. Salamat na rin sa concern. Bati na tayo, ha?"

He smiled that beautiful smile I love. "Oo na. Hindi kita matiis, pasalamat ka."

"Ako, hindi kita bati!" biglang sabi ni Julia mula sa pinto.


You're dead meat, Chandria. Ayaw na ayaw kasi ni Julia na nagpapalipas ako ng gutom. Hindi lang ito ang unang beses na nahimatay ako dahil dun.

"Goodluck. Mukhang sa kanya ka mahihirapan. Kanina pa galit 'yan," bulong ni Daniel at binitawan na ang kamay ko. Lumipat siya ng puwesto at sumandal sa paanan ng kama ko habang naka-cross arms. Pinanood lang niya nang lumapit si Julia sa'kin at binatukan ako.

"Aray naman, bes! Sakit kaya nun!"

"Ngayon masakit? Eh, nung hindi ka kumain, naisip mo bang baka magkasakit ka? Ewan ko ba sa'yo Kathryn Chandria! Hindi ka na nagtanda. Ilang beses ka nang pinagsabihang huwag magpalipas ng gutom. Hindi ba nga nagkasakit ka na nung nakaraan dahil dito? Tapos ngayon, eto na naman. Nakuuuuu! Makukutusan talaga kitang babae ka!" litanya niya. O, 'di ba parang nanay ko lang?

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon