Chapter 20 - He's Mad

32.5K 433 8
                                    

Happy KathNiel Day everyone!

Thank you sa mga nag-add ng story ko sa Reading List nila. At sa mga patuloy na nagvo-vote. Special mention kay chinchang at xxAnnaCarlynxx! Salamat ng marami sa support!

Dedicated to one of my favorite Watty authors... Excited na ako sa update ng FFY Book 2! ^_^

Sana magustuhan niyo ang update na 'to...

======================================================

CHAPTER 20

KATH’S POV

Galit yata talaga sa’kin si DJ. Nandito na kami sa tent ni doc, pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako kinakausap. Naman kasi, hindi ko talaga sinasadya. Ayoko lang namang masaktan si Chacha. Napamali yata ang tapak ko pagsalo ko sa kanya kanina kaya masakit ang paa ko ngayon.

Nang makita ni yaya na buhat-buhat ako ni DJ, agad siyang lumapit sa’kin. “Chandy! Ano na namang nangyari sa’yo?”

“Hay, naku manang. Ewan ko ba rito sa alaga niyo. Tigas ng ulo,” si DJ. Kita niyo na? Galit talaga. Huhu. Nanatili na lang akong walang imik.

Binaba niya ako sa isang upuan at tinawag ang doktor. Naiiyak talaga ako sa sakit. Sana naman hindi ganun ka seryoso ang injury ko. Lagot ako sa kanila ‘pag nagkataon. Siguradong sangkatutak na sermon na naman ang matatanggap ko.

“O, Chandria, napa’no ka?” tanong ni doc pagkakita sa’kin. Medyo close na rin kami nito. Siya kasi ang family doctor namin.

“Naaksidente po ako kanina nang naglalaro kami ng mga bata, doc. Masakit po yung kaliwang paa ko,” paliwanag ko naman.

“Clumsy ka pa rin kahit kailan. Haha. Ilang beses ka na bang dinala sa’kin noon?”

Nang-asar pa. “Doc naman.”

“Joke lang. Akin na nga. Tingnan natin kung buo pa ‘yang paa mo,” nagbibiro pa rin niyang sabi. Ngumiti na lang ako.

Tumabi naman sa’kin si DJ habang ine-examine ni doc ang paa ko. Binabali-baligtad niya yun, para matingnan lahat ng anggolo. Subukan ko rin daw na igalaw-galaw yung paa ko.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon