Epilogue - Happy Ever After

30.3K 422 47
                                    

Here it is! Invitation sa external link guys! Di kasi pinayagan ni Watty ang size niya... :))

Enjoy!

===================================

EPILOGUE

DANIEL

"DJ, pinapatanong daw ni Kath kung okay ka na ba? Nag-text si Julia," tanong sa aking ng best man ko. Siyempre, sino pa, edi si Diego.

"H-ha? Okay na ako pre. Handang-handa na. Kinakabahan lang ng konti. Pero 'wag mo nang sabihin sa kanila yun," hindi naman mapakaling sagot ko.

Nandito kami ngayon sa simbahan at hinihintay ang pagdating ng bridal car. Narito na rin ang mga kapamilya namin at iba pang bisita. Ilang minuto na lang ay ganap na magiging akin na ang babaeng pinakamamahal ko.

"Tange! Hindi yung tungkol sa kasal. Nasusuka ka pa rin daw ba? Nahihilo?"

Aaaah. Yun pala. Patuloy pa rin kasi ang 'paglilihi' ko. Halos araw-araw akong nakakaramdam ng morning sickness at kung ano-ano pa. Sa tingin ko nga, tumataba na rin ako. Naks! Ang sabi naman ng doktor, maaaring hanggang sa huling trimester pa ito magpatuloy. Pero ayos lang, kesa naman si Kath.

"Ah, oo. Okay na pakiramdam ko," sagot ko. Sa ngayon. Bigla-bigla naman kasi ako kung sumpungin.

Saglit na tumipa si Diego sa keyboard ng cellphone niya at pagkatapos ay binulsa ni iyon. Muli niya akong binalingan. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, bro?"

Binatukan ko siya nang malakas. "Sira ulo ka talaga eh 'no! Nakatayo ba ako ngayon sa harap ng altar kung hindi ako sigurado?"

Natawa naman siya ng malakas, halatang inaasar lang ako. "Yun naman eh! Naninigurado lang, bro. Pero kung nagdadalawang-isip ka talaga, may oras pa para tumakbo. 'Wag kang mag-alala, I got your back!"

"Ulul! Yayain mo na rin kasing pakasal si Julia para hindi ka naiinggit jan," balik-asar ko.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon