Dedicated to Skitts_1DLuver. Thank you so much sa pagma-marathon ng votes!
Eto na ang susunod... Kapit lang po... :))
==============================================
CHAPTER 44
KATH'S POV
FROM: Daddy Ko <3
Babe, can you please come to my office? Ngayon na talaga. It's urgent. Thanks! I love you.
Nagtaka ako sa pinadalang text message na ito ni DJ. Hindi naman kasi niya ugaling papuntahin ako sa opisina niya. Kadalasan, siya ang pumupunta rito kapag may kailangan siya. Ano kayang meron?
Nagpaalam na lang ako kay Dianne at bumaba papuntang opisina niya. Agad na tumayo si Julia mula sa desk niya para salubungin ako.
"Bes, ano'ng meron? May alam ka ba?" maang na tanong ko.
"Pasok ka na lang para malaman mo," ang misteryoso niyang sagot. Nagulat din ako dahil sumama siya sa'kin sa loob. Akala ko kasi kami lang ni DJ ang mag-uusap. May meeting ba? Bakit hindi naman ako informed?
Nadatnan kong nag-uusap si DJ at Diego kasama ang isa pang lalake. Bigla naman akong kinabahan nang ma-realize kung sino yun.
"Quen? Ano'ng ginagawa mo rito? DJ? Diego? Ano'ng ibig sabihin nito?" natatarantang sabi ko.
Napatingin silang tatlo sa'kin na seryosong-seryoso ang mukha. Lalong sumama ang kutob ko.
"We're threatening him," sagot ni Diego sabay turo kay Quen. "Ayaw ka pa kasing layuan."
"WHAT?" bulalas ko. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito? Para panuorin silang i-bully si Quen?
Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Gusto kong hilahin palabas si Quen at itakbo, pero sigurado akong mas lalong magagalit si DJ. Wala naman kasing dapat pagselosan sa'ming dalawa eh. DJ talaga, ang sakit sa bangs!

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...