Hello po! Pasensiya na kung natagalan ang update. Nagkasakit kasi ako. T_T
Anyways, dedicated to bhejaiiFANGURL! Salamat ng marami sa votes and comments mo!
Belated Happy KathNiel Day! Hope you like this update! Enjoy...
=============================================================
CHAPTER 27
DJ’S POV
Kanina ko pa napapansing parang hindi mapakali si Kath sa passenger’s seat. Kasalukuyan akong nagda-drive ngayon papunta sa restaurant kung saan kami magkikita nila mama. Gusto ko sanang sa bahay na lang kami mag-dinner pero nakiusap si Kath na sa labas na lang daw. Lalo raw kasi siyang kakabahan ‘pag sa bahay kaagad.
Hindi siya masyadong nagsasalita mula nang sinundo ko siya sa bahay nila kanina. Alam kong kinakabahan siya. Sinubukan kong pagaanin ang loob niya, pero parang hindi umuubra.
“Babe...” tawag ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa labas ng bintana.
“Baby...” ulit ko. Wala pa ring imik. “Mommy… Huy, girlfriend kong maganda!” sabi ko at kinalabit na siya.
“Ay! Ano ba ‘yan. Bakit ba?” gulat namang tanong niya.
“Kasi naman. Kanina pa kita tinatawag jan. Hindi mo ako pinapansin. Nagtatampo na ‘ko. Hmp,” sagot ko. Biniro ko na lang siya. Baka sakaling umepekto at maalis ang kaba niya.
“Haha. Ikaw talaga. Sorry na po. Marami lang iniisip.”
“Ayun. ‘Di ngumiti ka rin. Okay ka lang, babe?”
“O-oo. Yata. ‘Di ko alam,” sagot niya sabang buntong-hininga.
I took her hand and gave it a light squeeze. “Don’t worry, okay. They’ll love you. I’m sure.”
Nginitian niya ako. “Sana.”
“I’ll be with you the whole time. Kaya ‘wag ka nang masyadong mag-isip. Sige ka, papangit ka niyan.”
“Edi maganda. Hindi ka na nag-iisa. Pareho na tayong pangit!” ganting biro niya sabay tawa.
“Ah ganun? Ikaw ha. Ang hilig mong laitin ako. Humanda ka sa’kin mamaya.”
“Ano namang gagawin mo, sige nga?”
“Alam mo na ‘yun,” sagot ko sabay tingin sa kanya at tumaas-baba ang kilay.
Namula naman siya. Gusto ko namang matawa. Siguradong alam na niya ang parusa niya. Bwahahahaha.
“DJ naman eh! Manyak mo talaga!”
Tuluyan na akong natawa ng malakas. “Cute mo baby. Pero seryoso, don’t be nervous. Sila mommy lang ‘yun.”
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...