CHAPTER 4 - You're beautiful
KATH'S POV
Muntik na 'ko dun kanina ah. Buti na lang niligtas ako ng clumsiness ko. Pa'no ba naman kasi, nabigla ako sa tinanong niya. Natatandaan kaya niya ako?
Malamang. Hindi naman siguro siya magtatanong kung wala siya naaalala hindi ba.
Oh, no.
Pa'no ko kaya malulusutan 'to? Ayaw ko naming sabihin sa kanya na nagkakilala kami dati. Baka mabuking ako.
Hawak pa rin niya ang siko ko habang papasok kami ng resto. Haaaaay. Pwedeng kiligin?
Nang makarating kami sa table kung nasaan sila Diego, binigyan naman ako ni Julia ng bakit-masyado-kayong-close look. Nginitian ko lang siya. Paniguradong hindi 'to titigil sa pagtatanong mamaya.
Pinaghila naman ako ni Daniel ng upuan. Nubeyen! Magtigil ka, Chandria!
Naupo naman si Daniel katabi ko. Kaharap ko si Julia at si Diego naman ang kaharap ni Daniel. Um-order na kami. Konti lang kinuha ko kasi parang wala na akong ganang kumain.
Habang kumakain kami, panay naman ang kwentuhan ng tatlo. Nagbibiruan din paminsan-minsan.
Sina Daniel at Diego naman parang hindi mga boss kung kausapin si Julia. Parang iba rin kasi ang aura ng dalawang âto pag nasa labas na ng opisina.
Ako naman ay kuntento na sa pakikinig sa kanila, pangitingiti kung minsan, at tawa na rin pag nag jo-joke sila. Hindi naman nila ako direktang tinatanong kaya quiet lang ako.
"O, Kath. Ba't ang tahimik mo jan? Okay lang naman sigurong tawagin kitang Kath noh?," biglang sabi ni Diego.
At ngayon lang siya nagpaalam ha. Haha.
"Okay lang po," sabi ko sabay ngiti ng tipid.
"Wag mo nga akong masyadong i-po jan at nakakatanda. Haha. Magkasing edad lang naman siguro tayo 'di ba?"
"Opo. Ay. Oo pala," sagot ko naman.
"Ba't ba ang tahimik mo jan? Di mo ba gusto ang pagkain?," tanong ulit niya. Ang daldal nito noh? Ibang-iba sa kaibigan niya na ngayon ay matamang nakatitig sa 'kin.
"Aaah.. Ehhh.," nauutal kong sabi. Ewan ko ba. Eto palagi yung lumalabas sa bibig ko ngayong araw na 'to.
"Ay naku, Diego. Wag mo nang pansinin yang si Kath. Ganyan talaga yan. Masyadong mahiyain sa mga bagong kakilala. Nung high school at college nga kami hindi yan masyadong palakaibigan. Pero âpag ako kasama niyan, nakuuu. Walang preno ang bibig," sagot naman ni Julia para sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...