I'm back! Tagal ko ring 'di nag-update. Nagsabay-sabay kasi ang trabaho. Whew!
Sino ang naiyak sa goodbye scene ng MiGi kanina? Me! T_T Pero kinilig naman ako sa kiss sa forehead! Ang tagal din nun. Wuuuushuuu! Kinilig sigurado si bebe DJ!
Anyways, dedicated to itsmenikkaa! Thank you for the beautiful message sa aking MB. Medyo late nga lang ang dedic... Hehehe... ^_^
Enjoy reading!
=============================================================
CHAPTER 25
KATH’S POV
“Ayoko,” matigas kong sabi.
“Baby naman. Please, pumayag ka na,” pakiusap ni DJ.
“Ayoko nga sabi eh. ‘Wag na muna ngayon, DJ. Masyado pang maaga.”
“That’s a lame excuse, Kath. Give me one good reason kung bakit hindi natin pwedeng gawin ‘to.”
What are we arguing about? Masyadong private para pag-uspan. Ito kasing si DJ eh. Pinipilit akong gawin ang isang bagay na hindi pa ‘ko handang gawin. Bata pa ‘ko!
Echos lang!
Ang totoo niyan, gusto niya na akong ipakilala sa mga magulang niya. Pero, ayoko pa. Bakit? Kasi natatakot ako. I’m afraid na baka hindi nila ako magustuhan. Oo nga at close na kami ng ate niya at okay din kami ng kuya niya, pero, ibang usapan pa rin ang parents niya noh.
Hindi pa rin naman ganun katagal ang relationship namin. We just celebrated our first month last week. Tapos, eto agad? Don’t get me wrong. I know that any girl would be flattered na gugustuhin agad ng boyfriend niyang ipakilala ka sa mga magulang niya, but not in my case.
I’m terrified. Scared to the bone. Isa pa, si DJ ang first boyfriend ko. Malay ko ba kung anong nangyayari ‘pag pinapakilala ka sa mga parents ng boyfriend mo. Natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari. Naiintindahan niyo naman ako ‘di ba? Sigh. I’m really not ready.
“Deej…”
“Ano, Kath? You can’t give me a good enough reason. Bakit ba ayaw mo?”
I can’t tell him I’m scared to meet his parents. He’ll think I’m weak. Or worse, baka ma-offend ko pa siya.
“Basta, ayoko. End of discussion,” sagot ko na lang.
“Aish! Hindi kita maintindihan! Bahala ka sa buhay mo!” galit niyang sabi at lumabas na ng opisina ko slamming the door behind him.
Parang gusto ko namang maiyak. Sa higit isang buwan simula ng maging kami, ito na yata ang unang beses na nag-away kami ng ganito. Usually kasi, mga petty things lang, konting tampuhan, na naayos naman kaagad. But I have a feeling that this is different.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...