Chapter 18 - I love you...

32.6K 460 7
                                    

Dedicated to AngelicaBasiga... Salamat sa pag-marathon ng votes! I so appreciate it! :*

Hinabol ko talaga ang update. Kinilig ako sa panghaharana ni Gino kanina eh! ^_^

Enjoy reading!

=======================================================

CHAPTER 18

DJ’S POV

“Kath…” bulong ko sa kanya.

“Hmm?“

“I love you…”

Napag-isipan ko ring umamin na habang maaga pa. Sigurado na ako sa nararamdaman ko ngayon. Na-realize ko kanina habang kausap niya si Enrique na hindi ko kayang mapunta siya sa iba. Hindi ko kakayanin kung mawawala pa siya sa akin. So yes, I am in love with this woman. Truly, madly, deeply. Naks! Kanta ‘yan mga bregs.

I felt her stiffen in my arms. Hanggang ngayon kasi nakayakap pa rin ako sa kanya. Parang ayaw ko na ngang pakawalan.

“D-DJ…” nauutal na sambit niya. Mukha yatang nabigla ko siya.

“Shhh… You don’t have to say anything yet. Sinabi ko namang hindi kita mamadaliin ‘di ba? Gusto ko lang talagang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko.”

She turned and faced me. Ang dalawang braso ko ay nakapulupot pa rin sa beywang niya. Pinatong naman niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng derecho sa mga mata. Takte! Pwede bang kiligin ang lalake? O, bakla na nga ba talaga ako?

“Salamat, DJ. Sa lahat, lahat,” nakangiting sabi niya. I couldn’t help but smile back.

“Anything for you,” sagot ko at unti-unting nilapit ang mukha ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya. Then, I kissed the tip of her nose. Akala niyo naman siguro, kung ano na gagawin ko, no?

Pulang-pula naman ang mukha niya. “DJ naman eh!” pagmamaktol pa niya.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon