Here's the update! Enjoy...
==========================================================
CHAPTER 8
KATH’S POV
Monday. Maaga akong nagising dahil ihahatid ko pa sila mama sa airport bago pumasok ng opisina. Nasa Venice pa kasi ang starting port kaya kailangan pa nilang bumiyahe papunta doon bago makasakay sa cruise ship.
Nang makarating kami sa airport panay naman ang bilin nila mommy sa akin at kay yaya. Every week daw ay susubukan nilang tumawag. Depende kung merong reception sa laot or everytime na dadaong sila sa isang port. Sinabi ko namang ‘wag na silang masyadong mag-alala at i-enjoy na lang ang bakasyon.
Bale maiiwan sa bahay si Yaya Rose at dalawa pang katulong, pati na rin ang driver nila mommy na si Kuya Bert. Kaya hindi rin naman ako palaging mag-iisa. Kaya nga lang, may sarili silang quarters na hindi sa main house. Ibig sabihin, palagi na namang tahimik ang bahay.
Pagkatapos nilang magkapag check-in ay umalis na rin ako papuntang opisina. First day ko at ayaw kong ma late kahit na medyo inaantok pa ako. Sasabak na rin agad ako sa unang board meeting.
Lahat ng mga big bosses at department heads ang kasama. Parang weekly report lang from every department. Kahapon, na-review ko na ang mga nagawa at gagawin pa ng IT department. Marami kasing naiwan na trabaho ang nag-resign na department head kaya ine-expect ko na magiging busy ako sa mga susunod na araw.
Nagda-drive pa rin ako ng tumawag si Julia. Nilagay ko sa loudspeaker ng sasakyan ang phone.
PHONE CONVO
Julia: Hi bes! Good morning!
Me: Good morning din bes! Napatawag ka?
Julia: Sabi kasi ni Sir Daniel sabihan daw kita na pumunta sa office niya today pagkadating mo sa opisina.
Me: Ha? Bakit naman daw?
Julia: Siya kasi yung naatasang mag-orient sa’yo at mag-tour sa buong company. Siya na rin magpapakilala sa’yo sa mga miyembro ng department mo.

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...