Chapter 9 - The Greenhouse

36.3K 588 12
                                    

Dedicated sa kanya 'coz she became a fan... Salamat po! :*

Kahit hindi umabot ng 5 votes and comments ang previous chapter, here's the next one...

Excited akong mag-update eh! Enjoy!

==========================================================

CHAPTER 9

KATH’S POV

Mag-iisang linggo na rin simula nang magsimula akong magtrabaho sa kumpanya nila Daniel. Simula nung Lunes, marami na ring nangyari. Hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sa dami ng ginagawa ko. Weekend na naman bukas. For the past days, parati na rin kaming magkasama ni Daniel.

Bakit? Dahil sa trabaho syempre. Akala niyo naman kung ano na no? Inassign kasi kami sa isang project. Hindi ako sigurado kung swerte ako o malas.

FLASHBACK

Last Monday…

 

Naghahanda na ako para sa board meeting. Katatapos lang naming mag-lunch nina Julia. Confident naman ako na mairaraos ko yun dahil napag-aralan ko na lahat ng dapat gawin.

Pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan. Lahat ng mga big bosses kasi nandun. Na-meet ko na rin naman ang mga kapatid ni Daniel pero hindi pa ang papa niya. Deep breaths. Kaya mo ‘yan, Chandria.

 

“Ma’am, pinapatawag na po kayo sa boardroom,” tawag sa’kin ni Dianne.

“Okay. Let’s go.”

Umakyat na kami sa boardroom at naabutan ko si Daniel, Julia at Diego na nandun na. Isa-isa ko naman silang binati.

“Nervous?” tanong ni Daniel.

“Konti. Pero I’m okay,” sagot ko naman.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon