If running away from them means forgetting those pain that I caused, then I will accept it. Tumakbo ako ng tumakbo kahit sobrang nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pagod.
Kung ang pag lagyo ko na lang ang tanging paraan para mag hilom kaming lahat sa nakaraan, tatanggapin ko.
Ma, Pa. Bakit niyo po kasi ako iniwan.? Bakit hindi niyo na lang ako sinama, ang daya daya niyo iniwan niyo akong mag isa dito.
Gustong gusto ko na kayong makasama, miss na miss ko na po kayo. Mama? Papa? Bakit? Bakit hindi na lang ako? Miss ko na ang yakap at halik niyo at mga pangangaral niyo sa ak-...
Isang malakas na busina ng kotse ang narinig ko sa kaliwa na paparating sa akin. Kaya imbis na tumabi ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang umiiyak. If this is my last breath, I will accept it and I'm willing to go, just to be with my parents.
Pero bago pa mangyari ang lahat isang kamay ang humila sa akin para hindi ako tuluyang mawala.
"ANONG SA TINGIN MO ANG GINAWAGAWA MO, LYCA? " galit na tanong ni Benedict sabay hawak sa mukha pero ako nakatulala lang sa harapan niya.
"Paano kung wala ako doon? Anong mangyayari sayo? Huh!?" Galit pa rin na tanong niya
"Hinayaan mo na lang sana ako. Hinayaan mo na lang ako mawa-"
"NO! H'wag na h'wag mong sasabihin 'yan!"
"NO! YOU DON'T UNDERSTAND ME" pagpupumiglas ko sa hawak niya pero lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya.
"I-I understand you,babe" umiling ako at humagulgol sa harapan niya.
"No! No one understand my pain! You don't understand me, Benedict. Da-dahil kahit sarili ko hindi ko maintindihan" kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko pa rin maintindihan bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.
"Awa lang ang nararamdaman mo sa akin. Dahil simula nang nawala ang mga magulang ko, lahat ng mga taong naka paligid sa akin ganon ang tingin nila sa akin. Ulilang bata"
Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinahaplos ang buhok ko, kaya mas lalo akong umiyak.
"Just cry babe. I will always here. I will never leave you, Lyca"
"Tinakwil na ako ng mga pamilya ko" pumikit ako at na alala na naman ang mukha ni lola at kung paano niya binitawan ang braso ko pagka tapos ang katagang binitawan ni tita.
"Ayaw na nila akong makita. Ayaw na nila sa akin, bakit ganon? Nawalan din naman ako at nasaktan. Bakit sa akin lahat sinisisi ang mga nangyari? Hi-hindi ko naman ginusto ang lahat ng iyon e."
Kung maibabalik ko lang ang lahat, makikinig ako sa mga magulang ko. Kung hindi ako nag tiwala hindi mangyayari ito ngayon. At kung puwede lang ako na lang, ako na lang sana ang nawala.
"Kung ako na lang kaya ang nawala? Ang namatay? Baka hindi sila nasasaktan ng ganito, kung ako na lang siguro madali lang sila mag hihilom" ilang beses ko ng hiniling sa Diyos na sana ako na lang, ako na lang nawala.
"Ako na lang dapat. Ako na lang sana, hindi na ang mga magulang ko. BAKIT!? BAKIT!?" Sinabunutan ko na ang sarili ko,dahil parang mababaliw ako sa sakit.
"Shhh. Huwag mong hilingin ang bagay na iyan Lyca. Hindi mo ba naisip na baka nangyari ang lahat ng ito dahil may plano Siya sa iyo? Na may rason kung bakit mas pinili Niyang ikaw ang maiwan dito. Look babe, mag focus ka sa present mo. Kung hindi ka nila mapatawad ngayon, kahit sarili mo muna ang patawarin mo." Napa tingin naman ako sa taong hindi ko inaasahan na makakasaksi kung gaano ako kahina, at sa taong nag bukas para mag tiwala ulit ako sa iba.
"Patawarin mo ang sarili mo, para mag hilom ka. Hindi mo kontrolado ang lahat ng mga bagay na nangyari, pero nasa sa'yo kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan. Learn to forgive and forget, babe" ngumiti naman siya sa akin at niyakap niya akong muli.
"Natatakot ako. Paano kung ayaw na ni lola sa akin? Masasaktan ako ng husto pag si lola ayaw na niya rin sa akin. Ayos lang kung hindi pa ako napapatawad nila tita, pero kung pati si lola? Ika mamamatay ko iyon."
Dahil simula noon si lola na ang nag alaga sa akin, siya ang tumayong nanay at tatay ko. Kaya kung galit din siya sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko .
"Sinabi ba niyang ayaw niya sa'yo?" Umiling naman ako
"Hindi naman pala, kaya tara puntahan mo na ang lola mo at kausapin" hinila niya ako pero binitawan ko ang kamay niya.
"Bakit?" Umiling ako at ngumiti sa kaniya
"Salamat. Pero ako na lang haharap sa lola ko" lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi ng mabilisan, natawa naman ako dahil pag tingin ko sa kaniya nanlalaki ang mata niya habang hinahawakan ang pisngi kung saan ko siya hinalikan.
"LYCA" sigaw niya pero nakalayo na ako habang tumatawa sa reaction niya.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
Ngẫu nhiênNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...