Chapter 19 DONE

7 0 0
                                    

Parang tumigil ang oras at ang paligid dahil sa sinabi ni Benedict. Parang ako at siya na lang ang nakikita ko sa mga oras na ito, parang ang puso ko na lang ang naririnig kong sumisigaw na masaya ako dahil sa sinabi niya.

Si Benedict? May gusto sa akin?

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at humarap sa akin ng seryoso.

"I-I don't know where it all started, but I'm sure I'm falling for you. Noong nakita kitang ngumiti sa unang pagkakataon simula non pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang masilayan iyon. Noong unang beses kong narinig ang halakhak mo gusto ko iyon lagi ang naririnig ko dahil hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing tumatawa ka." Ngumiti naman siya at umiwas ng tingin namumula din ang mga tenga niya dahil na rin siguro sa hiya.

"Okay lang kung hindi mo pa kayang tanggapin ang nararamdaman ko sa iyo. I can wait until you are ready. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko kayang kontrolin kung ano man ang nararamdaman ko sayo, dahil sa ngayon ang tanging hangad ko lang ay ang makita kita laging masaya. I want to change your tears into smile. I want to be with you when you're feeling scared. I want to change your pain into laughter. And lasty I want to show how much I care and love you, Ly" nagulat naman ako dahil binanggit niya ang 'Ly' dahil huli kong narinig ang palayaw ko noong nabubuhay pa ang mga magulang ko.

"Di-did you call me Ly?" Nauutal kong tanong, ngumiti naman siya tumango kaya napahinga ako ng malalim bago yumuko.

"A-ayaw mo ba?"

I don't know? Dahil simula ng nawala mga magulang ko ayaw kong naririnig o tinatawag ako sa pangalan kong iyon. Dahil naalala ko ang mga magulang ko na ginawa ang lahat para lang maparusahan ang lumapastangan sa akin, pero sa huli... Nawala sila ng tuluyan sa akin.

Nag angat ako ng tingin at tinitigan ang taong nag bukas ulit sa aking puso na muling mag tiwala at sumaya. Ang taong tumulong sa akin kapag nakakaramdam ako ng takot at pangungulila sa mama at papa ko. Ang taong isa sa naging dahilan kung bakit unti unting bumabalik kung ano ako noon. Ang taong muling naniwala na kakayanin ko ang lahat basta't nandiyan siya o sila.

"Ayos lang" pagka banggit ko ng ayos lang gumitna sa amin si Jenica at ngumiti ng malaki sa akin

"So kami Lyca, pwede rin? Alam mo naman kaibigan mo kami" habang sinasabi niya ito pinaglalaruan niya ang mga kamay niya sa harapan ko. Kaya tumawa ako at sinabi kong 'oo'



Kasama ko pa ang mga kaibigan ko pag uwi sa bahay ni lola at tinuloy ang selebrasyon dito. Hindi namin pinag usapan kung ano man ang mga sinabi ni Benedict kanina, pero sa tinginan palang ng dalawang mag pinsan alam kong iyon ang pinag uusapan nila at titingin sila sa amin dalawa ni Benedict na naka ngisi. Hinayaan ko lang namin sila dahil kung mag sasalita ako sasabihin nilang masyado akong defensive.


Habang nag tatawanan kami dito sa sala kasama si lola marahas na bumukas ang pintuan kaya natigil kami at napa tingin doon.

"Ow my dear cousin is celebrating her birthday with this loser" Shariah with her friends.

"Shariah apo. Tuloy kayo ng mga kaibigan mo, masaya ako na naalala mo ang kaarawan ng pinsan mo. Upo kayo pag hahanda ko kayo"

"Ofcourse lola! Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito" sarcastic ang pagkakasabi ni Shariah, tumingin naman siya sa akin at tumaas ang kilay niya.

"At ikaw ang mag asikaso sa amin, ikaw ang may birthday dito. Huwag mong papagurin si lola, Lyca" umigting naman ang panga ko dahil ayaw kong mag away kami sa harapan ni lola.

"Ano ka ba, ayos lang-"

"Sige po. Ako na lang" pumunta ako kung saan ang mga pag kain at isa isa kong nilagyan ng mga handa ang plato nila.

"You still have the guts to celebrate, after all you've done huh! " Hindi na ako nagulat na sinundan ako ni Shariah. I know her, hindi niya palalampasin ang araw na ito kung saan sisisihin niya ako sa nangyari noon.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang may dahilan kung bakit naulila ka ngayon! Kung hindi lang matigas ang ulo mo at nakinig ka noon sana-"

"Pwede ba tama na, Shariah! Sa araw araw na pinamumukha mo sa akin ang mga nangyari, hindi ko makakalimutan iyon. Oo na! Matigas ang ulo kung sana nga nakinig ako hindi mangyayari iyon! Sa tingin mo ba hindi ko sinisi ang sarili ko? Sa tingin mo ba hindi ko inisip na sumunod na lang sa mga magulang ko dahil sa nangyari? Dahil ni isa sa inyo walang dumamay noon sa akin! Ikaw! Ikaw ang dinamayan nila kahit ako ang nawalan! " Pinunanasan ko ang luha ko at tumingin sa kaniya.

"Awang awa sila sa akin, pero at the same time sinisisi nila ako sa pangyayaring hindi ko ginusto! I envy you that time because you have friends who always there for you. Samantalang ako? Si lola nandiyan siya, oo! Pero hindi ko kayang ipakita sa kaniyang nasasaktan ako dahil iniisip ko na ako ang dahilan kung bakit nawalan siya ng isang anak. Ako ang dahilan! Ako lahat! Sa akin lahat ng sisi! Pero walang nag tanong kung okay pa ba ako, kung kaya ko pa ba! Walang nandiyan na mag sasabi na kaya kong lampasan lahat ng ito" humikbi na ako sa harapan niya at nakita kong nag punas din siya ng luha.


"Pero kahit sinabi ko kay lola na hayaan na niya lang akong mag isa, hindi niya ginawa. Dahil doon kahit papaano naging masaya ako at ngayon na may mga taong handa akong mahalin kahit ano pa man ang nakaraan ko, sila ang lakas ko. Sila ang kaligayahan ko, Shariah. Sila ang nag bukas ulit sa puso ko na mag tiwala muli at pwede pa akong sumaya. Ngayon ko lang natanggap na wala na sila mama at papa ko, kaya wag mo naman ipagkait ang kasiyahan ko ngayon"

Hindi ko alam kung matatapos pa ba itong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko sila sinisisi dahil wala sila nang kailangan ko ng karamay. But I want to know why? Why is it my fault? I'm just a kid that time, who trusted a wrong person. Pero sa huli may mga bagay na walang kasagutan, all I need to do is to accept what is done.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon