Isang taon na kami ni Benedict so far maayos naman kung may awayan man, inaayos din namin dahil lagi kaming pinag sasabihan ni lola na wag kaming matulog na magka away. Dahil kapag hinayaan namin ang awayan namin masasanay na lang kami na laging ganon.
First year college na kami at iisang school kami nag aaral nila Benedict at ang mag pinsan. Si Khyle nag aral siya kung saan nag kakilala mga magulang niya, pinag awayan nila Jannice iyon dahil ayaw sundan ni Khyle mga magulang niya pero si Jannice pinipilit niya na sundan na lang ito para hindi na madagdagan ang galit ng mga magulang niya sa kaniya.
Natatandaan ko pa noon kung paano umiiyak si Jannice sa amin dahil hindi siya tanggap ng mga pamilya ni Khyle, dahil kahit nagta trabaho si Khyle ay may kaya naman sila sa buhay ang sa kaniya lang gusto niyang maranasan kung ano ba ang buhay sa labas ng pamilya niyang mataas ang tingin sa sarili nila.
Limang buwan kami noon ni Benedict sinabi niya sa akin ang lahat, simula sa umpisa hangga kung paano nalaman ni Shariah na mag kapatid sila sa ama.
Masaya ako kay Shariah dahil sa wakas mararamdaman na niya ang pag mamahal ng isang tunay na ama. Kung sa relasyon naman namin dalawa, ganon pa rin hindi niya ako kinakausap at hinayaan ko na lang siya.
"Malapit na ang birthday ko babe and I want you to meet my parents"
"But-"
"No buts, babe. Sinabi ko na sa kanila na ipapakilala na kita ngayon. Matagal ka na nilang gustong makita at naubusan na ako ng palusot. Please this time babe no excuses, I understand you but please understand me this time."
Ano nga ba ang nag pipigil sa akin? Dahil ba alam kong daddy din ni Shariah ang daddy niya? Natatakot? Para saan naman? Alam kong nasasaktan si Benedict dahil kapag may salo salo sa bahay nila mabilis akong tumatanggi.
"O-okay" ngumiti naman siya sa akin at yumakap.
"Excuse me" bumitaw kami sa yakapan at hinarap ko ang nag salita at si Camille.
Galing sa New York si Camille at umuwi lang siya noong graduation namin, masasabi kong mabait siya at sinusuportahan ang relationship namin ni Benedict. Pinakilala ko na rin siya kay lola at nalaman ko na malapit ang puso niya dahil pinalaki rin siya ng kaniyang lola na namayapa na.
"Sorry sa istorbo, Lyca. Pero ito kasing lalaking ito tumakas na naman para sa group reporting" sabay hila niya sa tenga ni Benedict kaya tumawa ako at hinayaan ko siya sa ginagawa niya
"A-aray ano ka ba! Hangga ngayon sadista ka pa rin" binitawan siya ni Camille at tumakbo papalayo kay Benedict
"Bilisan mo kung hindi tatanggalin kita sa groupings" inayos naman ni Benedict ang suot niya at dali dali siyang sumunod kay Camille at inakbayan niya ito noong nahuli niya. Napawi naman ang ngiti ko dahil hindi man siya nag paalam sa akin hangga sa nawala na sila sa paningin ko.
"Masakit ba, couz?" Hindi ko siya pinansin at aalis na sana pero hinila niya ang kamay ko para maharap ko siya.
"I told you stay away" nandito na naman tayo sa usapan na pinapalayo niya ako kay Benedict at hindi ko siya maintindihan.
"Sabihin mo nga sa akin kung bakit ko siya lalayuan,Shariah? Dahi hinding hindi ko siya lalayuan dahil lang sinabi mong layuan ko siya. Mahal ko siya at mahal niya ako so what's the point?" Umiling naman siya sa akin at tumalikod na.
Mahal ko si Benedict at kahit anong sabihin niya hindi ko siya iiwan. Bakit ko iiwan ang taong mahal ko at nag bibigay ng saya sa akin? Hindi ko alam kung nagiging protected lang siya dahil mag kapatid sila or may iba pang rason.
"Lyca" si Zach naging kaibigan ko siya simula nang first day of school year, bagong lipat siya at ako ang nilapitan niya. Tinulungan ko siya dahil alam kong hirap pa siya noon makihalubilo parang ako dati. Minsan na namin napag awayan ni Benedict ang pagiging malapit ko sa kaniya.
"Sino 'yung kausap mo kanina?" Tanong ni Benedict nang pumunta siya sa room namin para sunduin ako.
"Si Zach bagong lipat kaya tinulungan ko siya" Nakita ko naman ang pag taas ng kilay niya kaya nag taas din ako ng kilay
"Bakit?"
"Wala naman" inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo kaya tinampal ko siya baka makita kami ng mga prof at sabihin na PDA kami. Tumawa lang siya sa sinabi ko at inalis ang braso niya sa balikat ko pero nilagay niya sa bewang ko.
"Ang payat mo pa rin, babe. Hindi naman kita hinayaan magutom at lagi naman kitang binibili ng vitamins, bakit ganyan pa rin katawan mo?"
Yes! Simula nang naging kami lagi niya akong binibili ng pag kain at may kasamang vitamins ilang beses ko na siyang pinigilan pero mapilit siya, pero tuwing hinahawakan niya ako sa bewang lagi siyang nag rereklamo kung bakit payat pa rin daw ako.
"Ako na lang kayang kainin mo baka sakaling tumaba ka, babe" humarap naman ako sa kaniya at tinignan ng masama, tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko siya habang tumatawa
"Kidding a side, babe. But hmm? Pwede rin" tumakbo na siya dahil alam niyang sasabunutan ko siya, hahabol sana ako kaya lang may tumawag sa akin at pag harap ko si Zach.
"Pwede bang makuha ang number mo, Lyca?"
"Bakit mo gustong makuha ang number ng girlfriend ko?" Sabay hawak ng kamay niya sa bewang ko.
"Para sana kung sakaling may itatanong ako, pre" humarap naman siya sa akin at ngumiti naramdaman ko naman ang pag higpit ng hawak ni Benedict sa akin. Alam kong nag seselos na ito at konting kalabit na lang sasabog na siya sa selos.
"Pwedeng pag nag kikita na lang tayo doon mo na lang itanong sa akin? Hindi rin kasi ako maka kapag reply sayo, hindi kasi ako nag loload e" sabay kamot ko sa ulo ko, tumango naman siya at umalis sa harapan namin.
"Tsss if I know! Lalaki ako at alam ko kung may gusto siya sa iyo o wala at sa nakikita ko alam kong gusto ka non, kaya layuan mo siya dahil nag seselos ako"
Masama na kung masama pero sinunod ko ang gusto ni Benedict dahil na rin sa pagmamahal ko sa kaniya kaya ginawa ko iyon. Ayaw kong pag awayan namin ang isang bagay kaya hanggat maaari kung kaya kong umiwas ay iiwas ako.
"Lyca" ngayon na lang ulit lumapit sa akin si Zach after four months na pag iwas ko sa kaniya.
"Zach" hindi ko alam kung paano ako umakto sa harapan niya pagka tapos ng ginawa ko noon.
"Tara na hanap ka na ng mga grupo natin"
"Sige mauna ka na" pag tanggi ko, dahil baka makarating pa kay Benedict ito.
"I understand that you have a boyfriend and I respect your relationship with him, pero sana huwag mong ilayo ang sarili mo sa mga tao dahil lang nag seselos ang boyfriend mo. Sana hindi dumating ang araw na mag sisisi ka na hinayaan mong umikot ang mundo mo dahil sa isang tao"
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
De TodoNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...