Chapter 44 HOME

1 0 0
                                        

Noong araw na nagka usap kami ni Benedict ay iyon din ang araw na tinanggap kong talo na talaga ako at wala na talagang pag asa. Nag desisyon akong umalis muna sa bansa, I just want to forget him. Dahil hindi ko kayang maisip na nasa malapit lang siya, at kayang kaya ko siyang puntahan. Baka mabali lang ang pangako ko sa sarili ko na mag sisimula ulit ako. Magsisimula ang buhay ko na hindi ko na siya kasama, bagong buhay na sarili ko muna ang iisipin ko.

Sinuportahan ako ng mga kaibigan ko at si tita. Kahit pinipigilan ako ni tita noong una, pinaliwanag ni Shariah kay tita ang dahilan ko hangga sa pinakawalan niya ako.

Sa Singapore ako nag simulang muli. Noong una hirap na hirap ako dahil una sa lahat wala akong kakilala hangga sa na sanay ako. Gumawa ako ng paraan para hindi ko siya maisip nag hanap ng trabaho. Hindi ko alam bakit na punta ako sa pag momodelo, isipin mo abogada ako sa Pilipinas pero pag dating ko dito Model na ako. Siguro nga ganito talaga, minsan nag iiba ang direksiyon ng ating buhay. Pero mag tiwala ka lang sa Kaniya, soon 'yung mga prayers mo matutupad din.

Sabi nga nila 'When you get what you want, that's God's direction. When you don't get what you want, that's God's protection.'

This words is powerful.

"Welcome back" nagulat naman ako dahil pag bukas ko ng pinto ng condo ni Zach ay sumigaw sila at may pa confetti pa sila.

"Thank you" isa isa ko silang niyakap at napa ngiti naman ako dahil malaki na ang tiyan ni Shariah. It's almost three years since I left, marami ng nag bago. May pamilya na rin si Jenica at Jannice. Masaya ako para sa mga kaibigan ko.

"Namiss ka namin, gaga ka. Kung hindi pa sinabi ni Zach na uuwi ka hindi namin malalaman. Kaya pala hindi ka nakikipag communicate ng isang linggo sa amin." Hinampas naman ako sa braso ni Jannice at hinila naman ni Jenica ang buhok ko.

"Sadista pa rin kayong dalawa no! Ano umuwi lang ako dito para saktan niyong dalawa? What a friend." tumawa naman sila at niyakap nila ulit ako.

Pumunta na kami sa kusina para doon ituloy ang kwentuhan at kamustahan namin. Tinignan ko sila isa isa, at sobrang saya ng pakiramdam ko dahil kahit may sarili na silang buhay nagawa pa rin nila akong i surprise.

Ngayon ko lang napagtanto na tama ang desisyon kong umalis muna para hanapin ang sarili ko at natutunan kong mahalin ang sarili ko, dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya... Nakalimutan ko ang sarili ko.

Ilang buwan din akong umiiyak gabi-gabi dahil sobrang miss ko na siya at hindi ko tanggap na magpapakasal na siya, at hindi ako iyon. Gabi-gabi iniisip ko kung saan ako nagkulang. Kung hindi ba sapat ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanila, para iwan ako.

Doon mas na appreciate ko ang gabi kaysa sa araw, dahil sa tuwing maliwanag na haharap ka naman ako sa maraming tao at kailangan mo na naman mag panggap na maayos ka. Pero sa pag sapit ng dilim, doon sumasagi sa isip ko na malungkot pala ako na hindi pala maayos.

But that was my greatest battle that I'd over come.

Isang taon na ako noon sa Singapore at nabigla na lang ako dahil isang araw pag bukas ko ng pintuan na tinutuluyan ko ay bumungad sa akin si Zach.

"It's nice to see you again, my love." Binalot niya ako ng mainit na yakap at sa isang taon na nanatili ako dito, feeling ko may kakampi na ulit ako. Umiyak ako sa bisig niya at pinapatahan niya ako, pero mas lalo lang akong umiyak kaya narinig ko ang tawa niya.

"Sobrang miss mo ba ako?" Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang luha ko.

"Hindi ako nag punta rito para umiyak ka, pinuntahan kita dahil gusto kong makita na masaya ka dito." Seryosong saad niya habang nakatitig sa mata ko.

"M-masaya lang ako" hinawakan ko ang kamay niyang nasa mukha ko at pinapasok siya.

Nilubot niya ang tingin niya sa kabuuan ng condo bago tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba dito?" Umupo siya at tinapik ang tabi niya para maupo ako doon, sinunod ko naman siya at naka titigan kami.

"Honestly, noong una ang hirap" hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa kaniya.

"Kahit sanay akong mag isa sa bahay ni lola, iba pa rin ang doon kasi alam kong nasa malapit lang kayo. Pero ngayon mag isa na lang ako at malayo sa inyo, hindi ko maiwasan m-matakot."

Takot akong makalimutan nila ako? Takot akong mag isa? Hindi ko alam saan ako natatakot.

"Bakit?" Bulong niya at mas lumapit pa sa akin, kaya kahit naiilang ako sa lapit namin nagpa tuloy pa rin ako.

"Hindi ko din alam. Ang daming pumapasok sa isip ko, ang daming gumugulo. Hindi ako pinapatulog ng mga iniisip ko, Zach. At doon mag sisimula na akong umiyak, mag sisimula na akong matakot." Pag amin ko sa kaniya.

"Minsan dalawang araw na magkasunod hindi ako natutulog ng gabi. Hindi ako pinapatulog ng mga iniisip ko. P-paano kung iiwan niyo ako? Paano kung magiging masaya kayo, kahit wala ako? Kaya ba hindi niyo ako pinigilan kasi masaya kayo na wala ako? Iiwan niyo din ba ako?" Sunod sunod na tanong ko habang umiiyak.

"Shhh. Hindi ka namin iiwan. Tahan na nandito lang kami." Hinalikan niya ang noo ko ng paulit ulit hangga sa tumigil ako sa pag iyak.

Ang dapat isang buwan lang na stay ni Zach sa Singapore ay umabot ng tatlong buwan. Ayaw niya akong iwan dahil sa mga nalaman niya. Iyong hindi ka naman nag iisa at alam mong may kasama ka, pero nararamdaman mo pa rin na mag isa ka.

Gabi-gabi pa rin akong umiiyak kahit na nasa tabi ko lang siya at alam ko kahit hindi niya sabihin nararamdaman kong nahihirapan at nasasaktan siyang nakikita akong ganito. Kaya nilabanan ko ang mga gumugulo sa isip ko at nag simula akong ayusin ang buhay ko. Dahil nahihiya na ako sa kaniya, marami na siyang na isakripisyo sa akin... Pero puro pa sakit lang ang binibigay ko sa kaniya.

Dalawang buwan na siyang sa Singapore at nakikita niyang nag iimprove na ako doon ko nasilayan ang ginhawa at saya sa kaniya.

"I will court you, My love." Habang seryosong naka titig sa akin. Kahit alam kong aabot kami dito, nagulat pa rin ako.

"I don't need your approval. Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita." Ngumiti naman ako sa kaniya kaya ngumiti rin siyang pabalik.

Dalawang taon na ako noon sa Singapore, nang binalita ni Shariah na magpapakasal na siya. Masaya ako para sa pinsan ko dahil hindi madali ang nangyari sa buhay niya, and she deserved this. After all I wished for their happiness. Then after a month si Jannice naman ang ikinasal na kasama niyang nag tuturo. Hindi naman nagpa huli si Jenica dahil nang malapit ng matapos ang taon, nagpa kasal na din siya.

Hindi ako dumalaw sa kasal nilang tatlo. Alam kong nag tatampo sila, pero naiintindihan nila ang dahilan kung bakit hindi ako pumunta.



Ang makita sila makalipas ang tatlong taon, sobrang sayo ko ngayon nakikita ko silang masayang nagkukwentuhan at nag tatawanan. Finally I'm home.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon