Chapter 17 HEART BEAT

5 0 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Benedict sa likod ng school habang kumakain, simula kaninang umaga hindi na siya umalis sa tabi ko na para bang konti galaw ko lang mapapahamak ako. Natatawa na lang ako dahil sa mga kinikilos niya, at kanina pa kami inaasar ng mga kaklase ko kaya nahihiya na rin ako.

"Oo dito, dito sila madalas mag kasama" narinig kong sinabi ng isang pamilyar na boses ng babae habang papalapit sila kung saan kami naka upo.

"Hi" bungad sa amin nila Jenica at Jannice kasama nila si Khyle

"Hello upo kayo" sumunod naman sila at binigyan sila ng pagkain

"So totoo nga?" Tanong ni Jenica habang tumitingin sa amin dalawa ni Benedict

"Ang alin?" Tanong ko

Tumingin sila kay Benedict habang may ngisi sa kanilang mukha na parang ng aasar din sila.

"Kayo na?" Sabay na tanong nila Jannice at Jenica. Umiling naman ako at napatawa dahil sa mga pinag sasabi nilang lahat. Umayos naman ako ng upo at tumigil sa pag tawa sabay baling sa kanilang lahat.

"Mag kaibigan lang kami. Iyon lang wala ng iba" tumingin naman silang tatlo sa katabi ko at ngumiti na lang sila

"So kaibigan mo na rin kami?" Tumango na ulit ako sa tanong nila, napasigaw naman si Jenica sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Salamat at sa wakas matatawag na kitang kaibigan, kinikilig ako finally"

Sisimulan ko ng buksan ulit ang sarili ko sa iba at sumugal ulit. I hope that this friendship will last longer.

Pag labas ko sa room namin nakita ko sila Jenica na nag hihintay sa akin, na pagka sunduan namin na sabay kaming pupunta sa trabaho.

"My gosh! I really really hate calculus. Itong subject ang sisira sa buhay ko!" Pag mamaktol ng dalawang mag pinsan kaming dalawa naman ni Khyle ay tinatawan lang namin ang sinasabi nila.

"Buti pa ikaw Khyle easy easy ka lang kanina. Tangina talaga! Wala man akong naisagot kahit isa, number one pa lang nahihilo na ako" nakasimangot na si Jannice habang nag lalakad kami at napapatingin na sa amin ang mga ibang tao dahil sa ingay ng dalawa

"I told you don't say bad words" sermon ni Khyle na lalong nagpasimangot kay Jannice.

Papaliko na sana kami papalabas ng gate, kaya lang malayo pa lang kita ko ng masama ang tingin ni Shariah sa akin.

"Stay. Away. Benedict" may diin sa bawat salitang binitawan ni Shariah at hindi ko maintindihan bakit gusto niyang layuan ko siya. I'm starting to build a friendship here and yet here's my cousin who destroying it immediately.

"Bakit?" Matapang na tanong ko, tumahimik naman ang mga kasama ko at mga kasama niya. Ngumiti naman siya ng peke at lumapit pa sa akin.

"Wala kang karapatan sumaya pagka tapos ng lahat ng ginawa mo! Wala kang karapatan bumuo ng kaibigan, dahil lahat ng mga malalapit sayo napapahamak dahil sayo! " Mag sasalita na sana ako pero may humarang sa gitna namin at hindi lang kami ang natahimik pati na rin ang mga estudyanteng nanunuod sa amin.

"Stop it! Ako ang kusang lumapit sa kaniya I choose to be with her. So stop talking nonsense here! Please! Stop acting like a kid, Shariah" hinawakan niya ang kamay ko at umalis kami doon, tumingin ulit ako kung saan si Shariah at nakita ko sa mata niya ang lungkot, sakit at galit.

"Hahatid ko na kayo sa trabaho niyo" sabay harap ni Benedict sa akin kaya napalingon ako sa kaniya at nakikita kong galit pa rin siya sa nangyari kanina.

Kinalas ko naman ang kamay ko at tumingin siya doon kaya imbis na tanggalin niya din mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak. Tumingin naman ako sa kaniya habang siya naka tingin pa rin sa kamay namin magka hawak. I want to let go, but I'm scared and I don't know why my heart is beating so fast na parang siya lang nakikita ko ngayon siya naman ang kamay namin magkahawak.

"Lyca" sigaw ni Jenica kaya na tauhan kaming pareho at tumingin sa kanilang tatlo. Damn! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog ng puso ko. This is my first time to feel this kind of emotion. Iyong tipong kinakabahan ka hindi dahil sa may nangyaring masama, kung hindi dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Ha-hatid ko na kayo" nagka tinginan kami ni Benedict pero sabay din kaming umiwas.

Bago ako pumasok sa front seat huminga muna ako ng malalim at narinig ko rin na ganon ang ginawa niya dahil pinag buksan niya ako ng pinto. Pag pasok niya tumingin na ako sa labas, dahil hindi ko alam anong sasabihin ko pagka tapos kong maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sorry Lyca! Pero impakta talaga ang pinsan mo! Nakakainis sumakit na nga ang ulo ko sa calculus, lalo pang sumakit dahil sa pinsan mo!" Halata talagang inis si Jannice sa nang yari kanina, sino naman hindi? Kahit ako nainis ako kanina pero buti na lang humarang si Benedict kung hindi baka anong masabi ko sa kaniya. At natatakot ako baka makarating kay lola ang bangayan namin, at ano pa ang mangyari sa kaniya.

"Hayaan niyo na" mahinang bulong ko. Hindi naman sa natatakot akong labanan si Shariah ang sa akin lang hanggat kaya kong iwasan, iiwasan ko para hindi na lumaki ang awayan namin.

"Anong hayaan? Pagka tapos kang ipahiya sa harap ng mga tao at iyan lang ang sasabihin mo? Hayaan!? Pasalamat siya dumating si Benedict baka ako ang aaway sa kaniya"

" Oo nga! E ano naman kung gusto ka namin maging kaibigan? Ginusto namin ito kaya wag siyang makialam" huminga naman ako ng malalim bago humarap sa dalawang mag pinsan.

"Si lola ang inaalala ko. Dahil nakita niya kaming lumaki ni Shariah magka sundo sa lahat, at itong awayan namin ito ayaw kong ipaalam kay lola baka anong mangyari sa kaniya. I understand Shariah that's why I let her talk like that. Pero lalaban din ako kapag masyado na akong dehado pero sa ngayon..." Iniwas kong ang tingin sa kanila at umayos ng pagkaka upo "iintindihin ko muna siya"

"Pero-" hindi na naituloy ang sasabihin ni Jenica dahil nag salita si Benedict.

"Nandito lang ako, Lyca hindi kita iiwan... Kami" tumingin ako sa kaniya at nakita kong may ngiti sa labi niya kaya huminga ulit ako ng malalim dahil sa sayang nararamdaman.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon