Chapter 22 KISS

3 0 0
                                    

Pagka labas nila sinundan ko sila at nakita ko si Benedict at Shariah na nag uusap habang nasa harapan sila ng kotse niya. Nag tago ako dito sa pader para marinig kung ano man ang pag uusapan nila para na rin maliwanagan ako.

"How's your relationship with my cousin?" Tanong ni Shariah, nakatalikod sa akin si Benedict habang naka harap sa akin si Shariah.

"Don't start" banta ni Benedict na nagpa tawa sa pinsan ko.

"Okay I hope you-" hindi na naituloy ang sasabihin ni Shariah dahil dumating na si tita at ang daddy ni Benedict.

"You two you may go now. Benedict hatid mo na ang kapatid mo. Ako na lang ang bahala sa mama mo Shariah may pag uusapan pa kami"

Tama ba ang narinig ko? Kapatid? Mag kapatid sila?

"Okay dad. Take care of my mom" humalik na si Shariah sa daddy ni Benedict or should I say daddy nila. Binuksan na ni Benedict ang kotse niya at umalis na sila, pero ako heto at naka tulala pa rin sa mga nalaman ko. Kaya ba hindi na niya ako inaaway dahil nakilala na niya ang papa niya? Ngumiti naman ako dahil masaya ako para sa pinsan ko, kahit hindi niya malaman ito masaya ako para sa kaniya.

Bumalik ako sa loob na nakatulala pa rin sinalubong ako ng mag pinsan at si Khyle na tinatanong kung ano ba ang nangyari. Hindi na lang ako nag salita kaya hinayaan na nila ako hangga sa umuwi kami.

Ito ba ang dahilan kaya hindi masabi ni Benedict sa akin? Dahil mag kapatid silang dalawa ng pinsan ko? Maiintindihan ko naman ang lahat, pero mas gusto ko pa rin na siya ang mag sabi sa akin ayaw kong sabihin na may alam na ako tungkol sa kanilang dalawa.

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil hindi ako pinatulog ng mga iniisip ko. Pag pasok ko ay nakita kong naka upo na si Benedict sa tabi ng upuan ko at dali dali ko siyang nilapitan.

"Hey" gising ko sa kaniya, gumalaw naman siya pero hindi siya tuluyan nagising.

"Benedict" kalabit ko sa kaniya, pero wala pa rin. Lumapit naman ako sa kaniyang tenga para bulungan siya.

"Resorts World Manila" napatawa naman ako dahil hinawakan niya ang tenga niya dahil siguro na kiliti siya sa bulong ko.

Lumapit naman ulit ako para bulungan siya, pero nag angat siya ng ulo sabay hawak sa mukha ko at hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan. Ako naman ang napahinto dahil sa ginawa niya.

"I'm totally awake, babe" sabay ngisi niya sa akin kaya ang ginagawa ko hinampas ko siya at sinabunutan

"My first kiss! First kiss ko 'yun" pero siya tawa pa rin ng tawa. Hinuli niya ang mga kamay ko at naka ngising hinarap niya ako.

"I know and I will not sorry for stealing your first kiss, hmm" sabay taas baba ng kaniyang kilay.

Biglaan niya akong niyakap kaya natigil ako sa sasabihin ko sana sa kaniya.

"I missed you, babe" binaon niya ang mukha niya sa leeg ko kaya hinayaan ko siya, alam kong may problema si Benedict at hahayaan ko siya kung kailan siya handang sabihin sa akin ito.

"I missed you too, babe" humiwalay naman siya ng yakap sa akin at nanlalaki ang mata niya na para bang nagulat siya sa narinig niya.

"You called me babe? Right, babe?" Parang batang tanong niya, tumango naman ako at yumakap ulit siya.

"So tayo na?" Tanong niya habang nakayakap pa rin. Yumakap naman ako ng pabalik at pinikit ang mata sabay tango.

"Yes babe, tayo na" sumigaw naman siya at tumayo sabay suntok sa ere.

"You are the only one who will makes me happy like this, Ly." Yumakap ulit siya this time iyong mahigpit na yakap.





"Absent ka muna sa trabaho mo, lets celebrate this day dahil sinagot mo na ako" kanina pa iya ako pinipilit na lumiban muna sa trabaho ko, alam kong pamilya niya ang may ari sa restaurant pero hindi niya alam na alam ko na at ayaw kong maging abusado dahil lang may alam ako.

"Bukas na lang, maraming customer ngayong kasi friday ngayon alam mo naman diba kapag friday halos lahat ng estudyante doon pumupunta"

"Ako na ang bahala sa manager mo na mag explain kung bakit ka aabsent ngayon, please babe." Paano ko ba malulusutan itong lalaking makulit na ito. Huminga naman ako ng malalim at tumango sa kaniya.

"I promise you will never regret it, babe" humalik siya sa pisngi ko kaya tinignan ko siya ng masama, pero nag peace sign lang siya sa akin.

Habang naka sakay sa kotse niya, magka hawak ang aming kamay habang nag mamaneho siya at hindi matanggal ang ngiti sa labi niya.

"I'm the happiest man alive,babe. Dahil sa wakas ang babaeng mahal ko ay sa akin na ngayon" tumawa naman ako sa kabaliwan niya

"Tumigil ka nga diyan at mag focus ka na lang sa pag mamaneho mo. Pag tayo nabunggo dito papatayin kita" banta ko na nag patawa sa kaniya.

"Seriously babe mahirap bang aminin na kinikilig ka? Papatayin mo ba ako? Sa pag mamahal mo? I'm willing to die just for you, babe" tumahimik na lang ako dahil parang sasabog ang puso ko sa mga sinasabi ni Benedict.

"We're here" umaayos naman ako ng upo at hindi ko namalayan naka tulog ako sabay tingin sa labas, nalaglag naman ang panga ko dahil nandito kami ngayon sa tabing dagat at may naka handang mesa at may mga lights sa paligid. Tumingin naman ako kay Benedict na naka ngiti ngayon.

"Lets go" pinag buksan niya ako ng pinto at inalalayan habang papalapit kami kung saan may naka handa.

"Sana magustuhan mo" ngumiti naman ako at yumakap. Sana sa pamamagitan man lang ng yakap ko maramdaman niya kung gaano ako ka thankful at kasaya sa effort na ginawa niya.

"Thank you so much, babe. I love it"

Pinang hila niya ako ng upuan bago siya umupo sa harapan ko, may naka handa ng pag kain sa harapan namin at sa gilid namin may gitara at speaker.

"Sorry dahil masyado akong masaya ngayon araw na ito, but don't worry babe. Nag paalam na ako kay lola kanina pa" alam ko ang galawan ni Benedict, mas inuuna niyang mag paalam kay lola kaysa ipaalam sa akin ang gagawin niya. He respect my lola so much at iyon ang gustong gusto ko sa kaniya.

"Its okay and thank you, dahil lagi mong iniisip so lola"

Tumayo naman siya at kinuha ang gitara sa gilid kinuha niya ang upuan at itinabi sa akin.

"Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you"

Sa pangalawang pagkakataon narinig ko na naman ang boses niya at ang mata niyang kulay brown na nakatitig sa akin. Damn! I'm so in love with this guy.

"But if you ever find yourself

Tired of all the games you play

When the world seems so unfair

You can count on me to stay

Just take some time to lend an ear

To this ordinary song"

Binitawan niya ang gitara at tumayo siya habang inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Nilagay ko naman ang kamay ko doon at itinayo niya ako

"I treasure this moment, babe and I will never ever forget this feeling. Thank you for the chance that you gave to me, thank you for trusting me even though its hard for you to give it. Thank you for the love, babe" tumitig kami sa isa't isa habang naka ngiti, dahil kahit sa ngiti lang alam namin kung gaano namin ka mahal ang isa't isa. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako, itong halik na hindi ko pag sasawaan.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon