Naluluha ako dahil sa mga katagang binitawan ni lola. Siya lang ang nakaka alam kung bakit ganito ako makitungo sa iba marahil naninibago siya na may nakakausap na akong iba.
Yumakap naman ako kay lola at nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil kahit naging malupit sa akin ang tadhana meron pa rin isang taong nakakaintindi at tanggap kung ano man ako.
"Excuse me po" bumitaw ako kay lola para harapin ang nag salita at si Benedict na naka ngiti ang tumambad sa akin.
Nag mano siya kay lola habang naka ngiti si lola naman nag tataka kung sino ang kaharap niya, kahit ako nag tataka kung anong ginagawa niya dito.
"Benedict po" pakilala niya at sabay baling sa akin habang tinataas baba ang kilay niya, kaya umiwas akong ng tingin dahil ang cute niyang tignan sa ginagawa niya.
"Hello apo. Ako naman ang lola ni Lyca" bumaling din si lola sa akin na parang nang aasar kaya sinamangutan ko siya.
"Hatid ko na po kayo" umiling agad ako kay Benedict dahil nakakahiya.
" Hindi na kaya naman namin ni lola. Malapit lang dito ang bahay namin, salamat" tumingin naman siya sa akin ng seryoso kaya iniwas ko ulit ang tingin ko.
"Iniiwasan mo ba ako, Lyca?" Humakbang siya ng papalapit sa akin kaya ang ginawa ko lumapit pa ako kay lola.
Huminga naman siya ng malalim at pumikit pag mulat niya may lungkot na sa mga mata niya, kaya yumuko ako dahil sa guilt na nararamdaman ko.
"Iniiwasan mo nga ako" ngumiti siya ng pilit at bumaling kay lola na nag tataka sa amin.
"Hatid ko na po kayo. Delikado na po sa daan" wala sa sariling tumango si lola kay Benedict, kaya pumunta na siya sa sasakyan niya.
Pinag buksan niya ng pintuan si lola sa likod susunod na sana ako kaya lang sinarado niya at binuksan ang front seat. Huminga naman ako ng malalim at pumasok ng walang kibo, minuto lang naman ang byahe kaya okay na dito umupo.
Tahimik habang pauwi kami at alam kong nararamdaman na ni lola kung gaano ka awkward ngayon, tamad siyang nagmamaneho.
"Okay lang ba kayo mga apo?" Ayaw kong sagutin ang tanong ni lola, dahil alam ko at alam niya kung gaano kahirap sa akin ngayon ang ganito.
"I guess, la" sagot ni Benedict tumahimik na si lola dahil sa sagot niya. Malapit na rin kami sa bahay ni lola kaya mas binagalan pa niya.
Lumabas na ako sa kotse niya para pag buksan si lola. Humarap naman ako sa kaniya para sana magpa salamat pero na unahan niya ako sa pagsasalita.
"Can we talk?" Huminga naman ako ng malalim at tumingin kay lola.
"Sige pasok lang ako, pag titimpla ko kayo ng gatas. Umiinom kaba ng gatas apo?" Tanong niya kay Benedict na tinanguan niya lang.
"May problema ba?" Nakikita ko na naman ang mga malulungkot niyang mata "may nagawa ba ako? May nasabi ba akong mali?" Humakbang siya ng papalapit sa akin aatras na sana ako kaya lang hinawakan niya ang baywang ko.
Kinakabahan ako dahil sa lapit naming dalawa kaya humawak ako sa dibdib niya para magka distansiya kami ng konti. Dinungaw niya ang kamay kong nasa dibdib niya at pumikit ng mariin bago ako binitawan.
"Walang problema, wala kang nasabing mali at nagawa... A-ako ang may problema, sarili ko ang problema ko. Kaya I'm sorry kung hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mong pagka-kaibigan" tumalikod na ako sa kaniya kaya lang hinawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ulit ako sa kaniya.
"Sabihin mo naman sa akin kung anong problema mo, para matulungan kita" umiling ako sa kaniya at konti na lang iiyak ulit ako sa harapan niya.
"Ito ang mahirap kahit na sino walang makakatulong sa akin, kahit na sarili ko hindi ko matulungan. Mahirap. Ang hirap hirap hirap hirap na... Pero kakayanin ko. Hindi ko kayang ibigay sa iyo ang salitang kaibigan dahil wala ng natira sa akin, ubos na ako Benedict ubos na ubos na ang pagka tao ko" tumalikod na ako at tuluyan ng pumasok sa bahay.
"Oh apo na saan si Benedict?" Hindi ko na kinausap si lola at pumasok na sa kwarto ko. Pagka sarado ko sa pintuan doon bumuhos ang mga luha ko.
Gusto ko buo ulit ako kapag nakipag kaibigan ulit ako sa iba. Dahil ibang takot ang naranasan ko noon, ang mag tiwala pero sa huli...

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
AcakNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...