Chapter 42 END

1 0 0
                                    

Dalawang taon na ang nakakalipas, hindi ako humingi ng explanation. Hindi ko tinanong kung bakit sumang ayon siya na ituloy ang relasyon nilang naudlot noon ni Camille.

Hindi ko tinanong kung anong problema niya, kung bakit binaliwala niya ako ng mga sumunod na araw. Hangga sa nagkanda leche-leche na ang buhay ko simula nang nawala si lola at kasabay nito ang pag tulak ko sa kaniya papalayo.

Noong bumalik siya at sinabi niyang mahal pa rin niya ako tinanggap ko siya, tinanggap ko siya ng buong puso. Tinanggap ko siya sa kabila ng mga tanong ko na kailanman hindi na sagot.

Ngayon kaharap ko siya ang gusto ko lang malaman kung maayos ba siya, masaya ba siya. Kung na-nakalimutan na ba niya ako?

Huminga ako ng malalim bago siya ginawaran ng isang ngiti. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin, kaya umiwas ako ng tingin dahil kinakabahan ako sa lapit namin.

"How are y-you?" Napulunok naman ako dahil sa pagkakautal ko. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya humarap sa dagat.

"Bakit hindi mo na lang  ako sumbatan kaysa sa tanungin mo ako kung kumusta na ako? Bakit hindi mo na lang ako sigawan! Murahin ng paulit-ulit, Lyca?! Na imbes na galit ang ipakita mo sa akin, bakit mas inaalala mo pa ako?"

Dahil mahal pa rin kita! Dahil umasa ako! Gusto kong sabihin iyon pero mas pinili ko na lang manahimik. I want him to talk more, I miss his voice. Sa dalawang taon kong nangulila sa kaniya, ngayon ko lang na sabi na maayos na ako.

"Bakit ganiyan ka?!" Hinarap niya ako at kita ko ang galit sa mukha niya pero kita ko sa mata niya ang lungkot at ang sakit. Napaawang ang bibig ko dahil sa halo-halong emotion na nakikita ko sa kaniya.

Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung bakit pinapahirapan ko pa ang sarili ko. Dapat matagal ko ng ginawang kalimutan ka, dapat matagal na akong tumigil sa pag asang babalikan mo pa rin ako.

"U-umasa ako, Benedict. Hinintay kita na ka-kahit sabihin ng lahat na kailangan na kitang kalimutan, hindi ko ginawa. Dahil umaasa ako sa pangako mong babalikan mo ako. Umasa ako! Hinintay kita! Nag hintay ako, Benedict!" Sigaw ko sa kaniya, kung ito ang gusto niya. Sasabihin ko lahat ng hinanakit ko! Kung bakit nangako siya na babalikan niya ako, pero hindi niya ginawa.

"Sana sinunod mo na lang ang sinabi nila na kalimutan mo na ako. OO! Nangako ako sayo. Pero paano? Nakikita mo ang braso ko? Wala na ang kaliwang braso ko! Paano kita haharapin? Paano kita babalikan? Kung may malaking parte ng pagka tao ko ang nawala sa akin? This fucking shit! This is my insecurities! Paano kita mabibigyan ng magandang buhay? Paano kita mayayakap ng buong buo sa oras na kailangan mo ng karamay? Paano ko maibibigay sa iyo ang lahat, kung sa akin may kulang? " Nag iiyakan na kaming dalawa habang magka harap. Sinubukan kong lumapit sa kaniya para punasan ang luha niya pero lumayo siya sa akin. Nag sisikip ang puso ko dahil sa pinakita niyang reaction.

"Hi-hindi ko kaya e." Mahinang bulong ko at tumigil sa pag lapit sa kaniya.

"Hindi ko kayang kalimutan ka. Mahal na mahal kita, Benedict. Hindi importante ang mga bagay na ibibigay mo sa akin, I only need you. I only need your love. Pero bakit hindi ka nagpakita? Ganon ba ka babaw ang tingin mo sa pagmamahal ko? Na hindi kita matatanggap? I will accept you, everything."

Umiling naman siya, sa pag iling niya alam kong hindi ko na mababago pa ang nakaraan. Hindi ko na mababago ang mga bagay na tapos na. Hindi ko na maibabalik pa ang mga panahon na sayang, hindi na... Kailanman.

"I'm okay now here, Lyca. Masaya na ako sa buhay kong ito at hindi ko kayang talikuran ang pamilyang tumulong sa akin, utang ko ang buhay ko sa kanila."

His words. Ang sakit na marinig sa kaniyang masaya na siya na habang ako? My life is still miserable without him.

"Hindi mo na ba ako mahal? Kahit katiting lang ng pagmamahal diyan sa puso mo, wala na ba? Huli na ba ang lahat, Benedict? Nahuli na ba ako? Kung masaya ka na sa buhay mo ngayon, pero ako hindi pa. Mahal kita at kailangan kita sa buhay ko." Humakbang na ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, humagulgol ako sa balikat niya. This is my man, this is my home. At hindi ko alam bakit pinagkakait siya sa akin ng mundo.

"Kailangan din nila ako. Two years without me, Lyca and looked at you now. Natupad mo na ang pangarap mo. Hindi mo na ako kailangan, dahil kaya mo ng tumayo sa sarili mo." Umiling naman ako at mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya, dahil sa oras na bumitaw ako alam kong wala na talaga, tapos na ang matagal nang na tapos.

"Kailangan kita. Please I love you. I love you. I love you, please be with me." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Nararamdaman kong gusto na niyang kumawala sa yakap ko, kaya pumikit ako ng mariin. Sobrang sakit hindi ko alam kung paano ko na naman sisimulan ang buhay ko.

"Lyca please. Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo." Tumango naman ako bago siya pinakawalan sa mga bisig ko. Humarap naman ako sa dagat at pinagmasdan ang mga alon. Sana kayang pawiin ng dagat ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Kaya ba si Lola, Mama at Papa. Iniwan ako dahil alam nilang kaya ko na? Kaya ba kahit ikaw iniwan  mo ako, kasi alam mong kaya ko na? Nagsisisi akong pinakita ko sa inyo na malakas ako, sana naging mahina na lang ako para hindi niyo ako iwanan. Iyon ba ang mga sagot sa lahat ng tanong ko? Kung bakit lagi akong iniiwan? Kasi kaya ko na? Kasi malakas ako? " Nag punas ako ng luha pero wala ring kwenta dahil panibagong luha na naman ang bumuhos sa akin.

"Nasasaktan din naman ako e. Iyong imbes na manatili kayo sa tabi ko pero mas pinipili niyo akong iwanan! Nakikita niyong malakas ako but deep inside I'm broken! Wasak ang buong pagkatao ko, pero mas pinili ko na lang ngumiti sa harapan niyo. I'm wearing my mask everytime na haharap ako sa mga tao! They see my smiles but why they didn't see my tears?"

Pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Siguro nga kailangan ko ng tapusin ito. Hindi ko kaagad matatanggap ang lahat ito, but I'm sure soon I will accept everything pero hindi ko alam kailan. It takes time to heal from everything.

"Ikakasal na ako." Humagulgol naman ako at tumango sa kaniya, hindi ako alam. Nakakabaliw itong sakit.

"Co-congratulations." Natahimik siya tanging hampas ng alon ang naririnig at ang hikbi ko sa pagitan namin. Hindi niya ako niyakap tulad ng ginagawa niya noon sa tuwing nasasaktan ako. Pero sino ba ako? Parte na lang ako ng nakaraan niya, nakaraan na kailangan ng kalimutan.

Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kaniya. Para sa huling pagkakataon tinitigan ko ang mukha niya.

His brown eyes, tangos ng ilong niya, makapal na kilay na nababagay sa haba ng pilikmata niya. His jawline and his red lips. Mas lalo siyang naging moreno dahil na rin siguro sa pamumuhay nila dito at ganon pa rin ang katawan niya matipuno. And for the one last time...

"C-can I hug y-you?" Tumitig siya sa mata ko bago tumango ng marahan.

Magaan na lang ang yakap ko sa kaniya hindi tulad nang kanina, dahil sa oras na humigpit ang yakap ko hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang bitawan. Hindi na siya yumakap ng pabalik and I understand.

"Thank you for all the memories, Benedict. I will treasure our memories that we'd shared. Hindi man natupad ang mga pangako natin sa isa't isa. Sana sa pangalawang buhay natin kaya na nating tuparin iyon, I will find you. Ikaw at ikaw pa rin. Just p-promise me that you will be happy. Iyon lang ang hiling ko. Salamat."

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon