Chapter 20 FLOWERS

4 0 0
                                    

Ilang beses ko na rin hiniling na sana ako na  lang si Shariah, dahil siguro kapag naging ako siya meron dadamay sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya noon na masaya sa mga kaibigan niya, hinihiling ko na sana meron din akong kaibigan. But I stop myself comparing to others because if I will continue it, I might get hurt in the end.

One week after my birthday busy na ulit kami sa school and work. Kaya halos sumuko na kaming tatlo nila Jenica sa trabaho, pero nandiyan sila Khyle at Benedict para palakasin ang loob namin.

Iyong sagutan namin ni Shariah noong birthday ko hindi na nasundan pa. Pag mag sasalubong kami sa hallway ako na lang ang iiwas, ganon din siya dahil kapag nakikita niya ako hindi na siya makatingin sa akin o pinagsasabihan ka tulad ng ginawa niya noon.

Sana maging okay na kami ni Shariah dahil miss ko na rin ang closeness namin noon, my cousin and also my best friend. I miss those time.

Pag pasok ko sa room namin naka tingin halos ang mga kaklase ko sa akin kaya yumuko ako habang nag lalakad patungo sa upuan ko. Kaya lang hinarangan ako ni Abigail ang president namin.

"OMG! Lyca ang haba ng hair mo girl. Sana all" sabay hawak niya sa buhok ko kaya napatingin ako sa kaniya, may narinig akong ingay sa likod ko kaya humarap ako at nakita ko si Benedict at kaibigan niya.

Si Benedict na may dalang gitara at si Michael na may dalang bulaklak na kulay purple. Umupo siya sa table's teacher habang nakatitig sa akin na may ngiti sa labi. Sinimulan na niya kalabitin ang kaniyang dalang gitara habang sumisigaw ang mga kaklase ko. Ako naman parang tumigil ang oras dahil sa titigan namin dalawa.


"There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do"

Para akong mabibingi sa sigawan ng mga kaklase ko, dahil sa ganda ng boses ni Benedict.

"You got no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you"

He asked me last time what is my favorite song and I said, If we fall in love. Ngayon kinakanta niya ito sa harapan ng maraming tao habang nakatitig sa akin na may ngiti sa labi.

"You don't have to search no more

'Cause I am someone who will love you for sure

So, if we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

If we fall in love

We can write a better song than this

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love

Anywhere with you would be a better place"


Because when I'm with him I feel safe with his arms. When I'm with him it feels like everything will be okay. He's my comfort zone. And I'm scared to take a risk, because I don't know what will happen next.

Natapos ang kanta pero hindi ang puso kong mabilis ang tibok, dahil ngayon papalapit siya sa akin mas lalong bumilis ang tibok nito kasabay ng mga kaklase namin na hindi matigil sa pag sigaw.

Kinuha niya ang bulaklak kay Michael at ngumiti sa akin sabay bigay nito sa akin.

"Your favorite color is purple, kaya binigyan kita ng bulaklak na kulay purple. Pero may mas malalim na dahilan kung bakit iyan ang pinili ko at hindi ang kulay red." Tinanggap ko naman ito at tumango sa kaniya.

"Purple or Lavender Roses. It's symbolize of love at first sight, peace and calmness. The first time I saw you, you caught my heart. I don't know why, baka dahil bago ka lang dito? Tahimik ka masyado? Dahil masyadong misteryoso ang pagka tao mo. Pero unti unti ng nabago iyon simula nang una kitang beses na nakausap.  I admired you that time na inamin mo sa akin na ulila ka na. Hindi ako naka sagot agad dahil na bigla ako sa sinabi mo, pero dahil doon mas lalo kitang gustong makilala hanggang unti unting naging interesado na ako sayo."

Yumuko siya at huminga ng malalim bago nag angat ulit at tinitigan niya ako ng seryoso.

"Sinusundan kita noon kung saan ka madalas pumunta, sa likod ng school. Doon mas nakikilala kitang na mabuti. Sa likod ng tahimik mong personality, nararamdaman kong marami kang tanong diyan sa utak mo na hindi mo mahanap ang sagot. Noong isang araw nakita kitang umiiyak habang may hawak kang litrato and I guess your parents. Gusto kitang lapitan, pero mas gusto kong ilabas mo lahat ng lungkot mo that time para naman kahit papaano gumaan ang loob mo." Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya, dahil tanda ko pa noong araw na iyon ay ang araw na birthday ni mama.


Celebrating her birthday, but without her is the most painful part of my life. Almost half of my life without her it feels like yesterday, because this pain is is still fresh in my mind and heart.

Pero ng dahil sa kaniya, sa kanila. Kinaya ko lahat ng sakit at lungkot, kinaya ko na ulit ngumiti at naramdaman ko na ang sumaya muli.

"I gave this purple roses because I want to give you a peace. Sana sa pamamagitan nito mapasaya man lang kita at mapagaan kung ano man ang nararamdaman mo, babe" halos sabunutan na ako ng president namin na nandito pa rin pala sa tabi ko, dahil sa narinig niya.

"Liligawan kita" hindi lang niya sa akin sinasabi ito pati na rin sa mga kaklase ko, dahil sinigaw niya ito.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon