Chapter 3 I'M SORRY

10 0 0
                                    

Ang hirap ipagsiksikan ang sarili mo sa mundong hindi para sa iyo. Kapag may groupings kami sa school ibibigay ko lang ang part ko then tapos na, kung kakausapin man nila ako sandali lang. Kahit sa mga teacher namin madalang lang ako makipag usap, pakiramdam ko ayaw nila sa katulad kong ulila na.

"Hmm miss, ikaw na lang ang gumawa dito hindi kasi alam ng isa nating ka grupo kaya ikaw na lang. " At kahit pangalan ko, hindi nila alam. Tumango na lang ako at umalis na siya.

Nasa pinaka dulo ako ng classroom namin umuupo at dito mas malinaw sa akin kung gaano kalayo ang buhay ko sa buhay nila. Ano kayang pakiramdam ng may kaibigan? Ano kaya feeling na may pinag sasabihan ka ng problema mo?

Pagka tapos ng pang umaga naming klase bumili na ako ng pagkain ko at papunta sa likod ng school. Dito mas tahimik at wala akong naririnig na tawanan at kwentuhan na kahit kailan hindi ko na experience.

"Bakit kasi sumama kapa kay lola, Lyca? May isa kapa naman lola iyong mama ng papa mo, bakit hindi kana lang doon sumama? Pinapahirapan mo lang si lola. Hindi kaba na aawa, matanda na si lola pero siya ang gumagastos sa lahat ng gastusin mo" isang araw na pumunta  ang pinsan ko na si Shariah sa bahay ni lola.

"Huwag kang mag-alala mag hahanap ako ng trabaho ko, ayaw ko rin naman mahirapan si lola" inirapan niya ako at naglakad na siya papunta sa pintuan para umalis, pero humarap muna siya sa akin at tinitigan niya ako ng masama.

"Hindi ko alam bakit kinuha kapa ni lola, alam kong ulila kana. Pero sana maintindihan mo na concern ako kay lola kaya nasasabi ko ito sa iyo. You are matured enough Lyca para mag desisyon na tumayo kana para sa sarili mo. "

Concern. Pero bakit sa akin hindi siya nag aalala? Alam naman niyang ulila ako, pero bakit ganon? Bakit nasasaktan pa rin ako, kahit na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganito ang pinaparamdam nila sa akin na wala akong halaga.

Tumingala naman ako para pigilan ang mga luha ko, hindi ito ang tamang lugar para ipakita kung gaano ako kahina. Nagpa tuloy na lang ako sa pagkain habang iniisip kung saan ako makakahanap ng trabaho.

"Can I sit here?" Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pag salita ng kung sino.

"I-I'm sorry, nagulat ba kita?" Umiling na lang ako at nagpa tuloy sa pagkain, kahit naiilang ako gusto ko pa rin ubusin ang pagkain ko.

"Classmate tayo, remember?" Napa tingin naman ako sa lalaking nakangiti ngayon sa harapan ko at inaalala kung kaklase ko ba talaga siya o malakas lang ang amats nito at ako ang napag tripan.

"I knew it, hindi mo maalala. Minsan lang ako pumapasok, pero simula Monday hanggang ngayon wala pa akong absent" proud na pagkaka sabi niya, umirap naman ako dahil sa kayabangan niya. I don't want to be judgemental pero ito ang unang may kumausap sa akin na hindi projects ang dahilan.

"Natatandaan kita noon, dahil unang pasok mo pa lang sa room tahimik kana at lagi kang nag iisa. What's wrong? You know I'm ready to listen if you have a problem. But I will respect your privacy if you don't want to share it" nakangiti pa rin siya habang nag sasalita, kumalabog naman ang dibdib ko dahil sa sayang nararamdaman na may taong gustong marinig ang problema ko.

Inalis ko naman kung ano ang mga iniisip ko, what if pag nalaman niyang ulila na ako baka layuan rin niya ako tulad ng mga bata noon sa amin. And I don't want to experience the rejection over and over again. I'm tired to feel that kind of pain.

"I'm Benedict Manugue. What's your name?" Nakalahad ang kamay niya para sa isang shake hands.

"I'm Lyca Mae Gania. Ulila na ako, my parents died when I was 10 years old because of the car accident. Now leave me alone! " Sabay kuha ko sa kamay niya nakalahad at tumalikod na ako sa kaniya para umalis.

"Sa-sandali lang Lyca. I'm sorry" sabay hawak niya sa balikat ko at yumuko siya na parang nakokonsensiya? O naaawa?

"Its okay. Don't say sorry" at tuluyan na akong umalis sa harapan niya.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon