Kumalat sa lugar namin ang nangyari sa mga magulang ko at naririnig ko sa mga tao na baka may kinalaman ito sa nangyari isang taon na ang nakalilipas.
Dahil kahit alam na mabait ang gobernador ayaw niyang nasisira ang pangalan niya at dahil nga sa nangyari sa anak niya, maraming nagsasabi na baka ganon nga ang nangyari. Pero ni isa walang tumistigo kung totoo ba ang mga haka-haka dahil kahit kami walang matibay na ebidensiya na nag tuturo sila nga ang may pakana ng lahat.
Pero hindi ako naniniwalang aksidente lang ang lahat, dahil alam ko meron mali. Soon I will find it on my own and I will make sure who ever did this, I will make them pay.
Kung ang mga ibang tao ang pinag uusapan na may gawa nito ay ang huling taong kinalaban ng mga magulang ko. But my own family? They said it was my fault.
"Kung hindi ka lang naging malapit doon sa Aaron na iyon, walang mangyayaring ganito. Pinag sabihan ka na namin hindi ba? Kahit ang mga magulang mo? Na huwag na huwag kang mag titiwala kahit na sino? Pero ang tigas ng ulo mo!"
Oo! Sinisisi nila ako. Si Shariah iyak ng iyak at siya ang dinadamayan ng mga tao. Ako ang nawalan, pero ako ang sinisisi. Ako ang namatayan, pero sa mga sinasabi nila parang unti unti na rin nila akong pinapatay.
Kasalanan ko nga ba ang lahat? Kasalanan ba ang mag tiwala sa iba? I don't know what to do that time but the only person who believe that it's not my fault is my only grand mother.
"Walang kasalanan ang bata sa nangyari,Lorien. Biktima din siya at sa atin lahat siya ang may karapatan masaktan dahil naiwan siyang mag isa. Kaya tigilan niyo siya, pamangkin mo ang pinag sasalitaan mo!" Galit na sigaw ni lola kay tita pero hindi nagpatalo si tita at araw araw pa rin na ako ang sinisisi sa lahat.
"Dahil sa'yo pinaranas mo ulit kung gaano ka sakit mawalan ng papa! Alam mo naman kung gaano ako nangungulila sa pag mamahal ng isang ama! Pero anong ginawa mo? Ng dahil sa'yo nawala ang tinuturing kong papa" pagka tapos ng libing ng mga magulang ko tumuloy ako sa kwarto ko at sinundan ako ni Shariah na galit pero mas nangingibabaw ang sakit.
"Maka sarili ka!" Pagka tapos nang araw na iyon hindi na kailanman bumalik ang pagiging malapit namin ni Shariah.
Pag na iisip ko ang mga panahon na masaya kami ni Shariah, ng hihinayang ako at nasasaktan pero ang magagawa ko na lang ay umiyak.
I miss those days. I miss my old self at natatakot akong ganito na lang ako, walang kaibigan. Ayaw mag tiwala sa mga tao.
"Can we be friends?" Tanong ni Benedict habang nandito kami sa likod ng school.
Tumingin naman ako sa mga mata niya at natatakot pa rin ako sa mga mangyayari sa susunod na araw.
"I-I'm sorry" iling ko at yumuko ako.
"I'm still scared and I can't be your-"
"Saan ka natatakot? Sabihin mo sa akin kung saan at bakit ayaw mo akong maging kaibigan" hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko din ito agad dahil sa kuryenteng nag lakbay galing sa kaniya papunta sa akin.
Natigilan din siya na para bang naramdaman niya rin iyon.
"You don't understand and I don't want to explain myself. I'm sorry" tumalikod na ako sa kaniya at tumakbo dahil kung ipipilit pa niya ang hinihingi niyang maging mag kaibigan kami. Natatakot akong pag bibigyan ko siya at natatakot din akong ibigay ulit ang tiwala sa iba.
Alam kong masama ang ginawa ko dahil pagka kaibigan lang naman, pero hindi naman masama na protektahan ang aking sarili.
Hangga sa matapos na ang klase namin hindi ko na nakita si Benedict na pumasok sa room namin nang araw na iyon.
Kaya pumunta na ako sa pinag tatrabauhan ko dahil kahapon hindi ako pumasok dahil nga nangyari.
"Are you okay?" Tanong ni Jenica habang sila Khyle at Jannice nakikinig lang sa amin.
"Hmmm" tango ko sa kanila alam kong napapansin nilang wala ako sa mood kaya hindi na sila nag tanong pa.
Habang pinupunasan ko ang lamesa narinig kong may mga grupo na papasok dahil sa lakas ng tawanan nila. Tumingin naman ako sa may pintuan at nag tama ang paningin namin ni Benedict, umiwas naman ako ng tingin at tinapos na ang ginagawa ko papasok na sana ako pero tinawag ako ng mga kasama niya.
"Miss ikaw na lang ang kumuha ng order namin" sabay ngiti niya sa akin tumingin naman ako sa mga iba nilang kasama at nakita kong naka tingin silang lahat sa akin kaya huminga muna ako ng malalim sasagot na sana ako
"Hindi ba tapos na ang trabaho mo" tumingin siya sa relo niya at tumingin ulit sa akin "pasado alas dose na. Sige na iba na lang ang kukuha sa order namin"
"Ang kj mo naman pare. Hindi miss ikaw na" 'yung tumawag sa akin kanina
"Lyca?" Papalapit na sa akin si Jannice habang hawak ang cellphone ko.
"Si lola mo tumawag pero sinagot ko na. Nasa labas daw siya sinusundo ka na" tumango naman ako sa kaniya at tumingin sa grupo nila Benedict.
" I'm sorry someone will be here to take your order, Sir" nakita ko naman na napa ngiti si Benedict sa sinabi ko kaya tumalikod na ako sa kanila para kunin ang mga gamit ko.
"La" tawag ko sa kaniya habang naka upo siya dito sa labas pero may mga mesa at upuan naman dito.
"Apo pinuntahan na kita dito, para makita kung maayos kaba sa trabaho mo" sabay tayo habang may ngiti sa labi niya.
" Lola naman. Matanda na po kayo dapat hindi na kayo nag pupuyat kaya ko naman po"
"Masaya ako dahil may mga nakakausap at nakakasama ka maliban sa akin. Masaya akong nakikita kang nakikisalimuha at ngumingiti sa iba, apo"
Hindi ko alam bakit sa simpleng sinabi ni lola naiiyak ako, dahil marahil siya ang mas higit na nakakakilala sa akin kaya ganito na lang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...