Chapter 4 EMOTION

5 0 0
                                    

Happiness is one of my greatest dream. Anong pakiramdam na may karamay ka sa lahat ng problema mo? Anong pakiramdam na tanggap ka ng lahat, na hindi sila bumabase sa nakaraan mo. Gustong gusto kong matanggap ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero sa bandang huli... Iniintindi ko na lang na baka talaga ayaw nila sa akin.

"Apo? May program kayo ngayon sa school diba, bakit hindi kapa nakabihis? Si Shariah nag punta kahapon dito, siya ang nagsabi sa akin na may ganap nga kayo sa school. Hindi kaba pupunta?" Mariin na titig ni lola sa akin at natatakot akong makita niya sa mga mata ko ang lungkot.

"Ma-may tinatapos lang po ako la. Hindi naman importante iyon kaya okay lang na hindi ako pupunta" umiwas akong ng tingin kay lola, lalo na nang lumapit siya sa akin.

"Hirap kapa rin bang makahanap ng kaibigan mo, apo?" Hindi ko alam bakit sa simpleng tanong ni lola, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kasi, totoo. Totoong hirap akong makahanap ng kaibigan lalo na sa tulad ko na bata pa lang, pinaramdam na nila na hindi ako nababagay sa mundo nila.

"Hindi naman po, may gagawin po kasi ako para sa projects namin. Kaya hindi na lang po ako pupunta at mas gugustuhin ko pa pong mag pahinga na lang."

Akala ko aalis na si lola pero nag salita ulit siya.

"Hanga ako dahil sa lakas na loob na pinapakita mo simula nang nawala ang mga magulang mo" may lungkot sa mga mata ni lola habang sinasabi niya ito.

"Alam ko, apo. Kahit hindi mo ipakita na nasasaktan ka, alam ko sa unang tingin ko pa lang alam ko kung gaano kahirap sa iyo na itago ang tunay mong nararamdaman. Hindi ka man umiiyak, pero alam kong kapag mag isa ka na... Doon mo binubuhos lahat ng sakit mo" kinuyom ko naman ang mga palad ko, dahil sa pag iyak ni lola sa harapan ko.




"Nagsisisi akong tinuruan ko ang mama mo na huwag ipakita ang emotion niya. Dahil kapag pinangunahan ka ng emotion mo... Talo ka, at ngayon sa pangalawang pagkakataon nakikita ko kung gaano kahirap sa iyo ito. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang humingi ng tawad sa mama mo at sa iyo." Yumuko naman ako dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Lo-lola ayos lang po iyon. Kung tinuruan mong maging malakas si mama kahit na alam ko nang mga panahon ding iyon mahina siya. Ganon din po ako, pero hindi po ako nagsisisi na naging matapang ako noong mga panahon na gusto ko ng sumuko" sabay punas sa mga luha ni lola.



Pag pasok pa lang sa room namin, naririnig ko na kung gaano sila kasaya sa program last week. Yumuko na lang ako habang naglalakad papunta sa upuan ko. Nang biglang...

"Hi Lyca. Hinintay kita last week akala ko pupunta ka sa program" inangat ko naman ang tingin ko sa naka ngiting mukha ni Benedict  na humarang sa daraanan ko.

"Uh-uh?" Alam kong nakatingin nasa amin ang mga kaklase ko dahil sa biglaang pag tahimik nila.

Mas lumapit naman siya sa akin kaya napaatras ako ng kaunti dahil sa kabang nararamdaman ko na bago lang sa akin ang emosyong ito. Nakita niya ata ang kaba sa aking mukha kaya tumigil siya at napakamot sa kaniyang batok.

"Nevermind! But I'm glad you're here now, Lyca" naka ngiti pa rin siya habang naka tingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin at huminga ng malalim bago nagpasyang lumapit sa upuan ko.

"Can I sit here? Again? Beside you?" Bago pa ako makaalma umupo na siya at tumingin sa harapan na para bang walang nangyari. Tumingin din ako sa harapan, pero nakikita ko sa mga mata ng mga kaklase ko ang pagtatanong.

"Pu-puwede bang sa iba kana lang maupo? I'm not comfortable" bulong ko sakaniya pero tumawa lang siya ng mahina.

"Yes babe! I like the way you are whispering with me, feels like we have a little secret" he smiled, pero ako hindi na ako makahinga dahil sa sinabi niya. Kaya yumuko na lang ako at binalewala ang mga matang naka tingin sa amin.

"Good girl. Don't mind them" seryosong pagkakasabi niya at hindi ko alam kung gwapo ba siya pag naka ngiti o ngayong seryoso siya.

"I know I'm handsome, babe. So stop staring me, hindi mo magugustuhan kung anong puwede kong gawin sa iyo" tinitigan niya ako at bumaba ang tingin niya sa labi ko habang naka ngiti.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon