Lumipas ang tatlong buwan. Aral, trabaho at bahay at kung minsan kapag may time nakakapag libot kaming lima sa mall. Masaya si lola tuwing dinadala ko sila sa bahay dahil sobrang ingay at takaw nila. Ako na lang ang nahihiya kay lola pero lagi niyang sinasabi na ganon daw talaga ang mga kaibigan. Maingay, matakaw at walang hiya kaya napatawa ako dahil sa sinabi ni lola.
"Maraming salamat sa pag aalaga niyo sa apo ko dahil sa inyo naging masaya siya ulit" nang humupa ang asaran at tawanan namin nilapitan kami ni lola kaya nanahimik kami at nakikinig sa sasabihin niya.
"Alam kong alam niyo kung paano kahirap makipag usap at lumapit sa apo ko. Kaya masaya ako dahil dumating kayo sa buhay niya" ngumiti naman sa amin si lola pero nakikita ko sa mata niya ang luha, kaya umiwas ako ng tingin.
"Walang ano man po lola. Masaya din kami dahil naging kaibigan namin si Lyca, kahit minsan may pagka maldita pero iyon ang dahilan kung bakit minahal namin siya. Dahil alam po namin na malambot ang puso niya pag dating sa inyo" naka ngiting saad ni Jenica
"Hindi man siya nag sasabi ng mahal niya kaming kaibigan niya, pero alam po namin na mahal niya kami at importante kami sa kaniya" sabay akbay sa akin ni Jannice.
"Sure kayo?" Tanong ko sa kanila na nagpa tawa ng malakas kay Khyle at Benedict.
"Iyan pa lola 'yung joke niyang minsan masakit. Hindi namin alam kung totoo ba o hindi" tumawa naman si lola kaya natawa na din ako dahil nakita kong masaya na talaga ngayon si lola at hindi ko na nakikita ang luha sa mata niya.
Linggo ngayon at hindi ako papasok sa trabaho dahil death anniversary nila mama at papa. Alas singko pa lang gising na kami ni lola dahil mag sisimba muna kami tapos diresto na sa simenteryo. Sinabihan ko na rin sina Benedict na hindi ako makakasama sa kanila at pupunta na lang sila sa amin pagka uwi namin galing sementeryo.
"Bitawanan mo na ang mga bagay na tapos na. Let go of the past so God can open the door to your future. Kung mananatili ka diyan sa nakaraan mo hindi mo makikita ang mas magandang kinabukasan na hinanda sa iyo ng Panginoon. Baka ikaw na lang ang nagpapahirap diyan sa sarili mo, dahil hindi mo pa pinatawad ang sarili mo. Learn to forgive yourself too."
Paulit ulit na bumabalik ang sermon ni father sa akin, let go and forgive. Ito na siguro ang hinihintay ko I should let go those painful memory of the past so I can start again. Kahit na ang mga nakasakit sa akin noon kailangan ko silang patawarin, alam natin lahat na hindi madaling magpatawad pero paano kung iyon na lang ang natatanging paraan para makausad ka?
Forgive easy to say but hard to do.
Tahimik kami ni lola habang papunta sa puntod nila mama at papa. Buwan buwan akong dumadalaw dito pero si lola pag anibersayo lang nila limang buwan simula ng naging kaibigan ko sila Jenica, sila lagi ang kasama ko. Ngayon lang sila hindi naka punta dahil kailangan sila sa restaurant dahil may importanteng okasyon.
Nag sindi na si lola ng kandila ganon din ang ginawa ko at tahimik na naka upo habang nanalangin.
"Dalaga na ang anak niyo at masasabi kong mabait at masunurin siyang bata. Masaya ako dahil may kaibigan na siya at binuksan na niya ang sarili niya sa ibang tao. Huwag kayong mag alala nasa mabuting kaibigan siya dahil lagi niyang dinadala sa bahay at nakikita kong mabubuti talaga sila" tumingin naman si lola sa akin na may luha sa mata niya at hinahaplos ang buhok ko.
"Hindi na lang ako ang nagmamahal at nag aalaga sa kaniya ngayon. Sa wakas may masasandalan na siya at may pupunas na sa luha niya pag ayaw niyang ipakita sa akin." Pinunasan naman ni lola ang luha niya at ganon din ang ginawa ko
"Salamat dahil pinalaki niyo siyang maging matatag sa ano mang pag subok" sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat ni lola at naka tingin sa pangalan nila mama at papa.
"Salamat po sa lahat ng tinuro niyo sa akin. Eleven years since you left me at ngayon ko lang natanggap ng buo na wala na talaga kayo at iniwan niyo ako dito. Maraming maraming salamat po sa pagmamahal na hindi ko malilimutan at babaunin ko kahit saan ako mag punta. Salamat sa sayang binigay niyo po sa akin, salamat sa mga yakap at halik na kailanaman hindi ko na mararamdaman. Salamat sa mga alaala po at ngayon ko lang sasabihin ang salitang paalam. Paalam po mama papa" tumingala ako at tinaas ang mga kamay ko sabay ngiti sa mga ulap na para bang nakikita ko ang mga magulang ko doon.
"Salamat din" naibaba ko ang kamay ko at napabaling sa aming likod dahil sa nag salita.
Nakita ko si Benedict na may hawak na bulaklak at sa likod niya ang tatlo na may hawak na lobo at cake. Ngumiti silang apat sa akin si lola naman ay niyakap ako at binati niyang happy birthday. Oo nga pala araw ng kaarawan ko ang araw din na pagkamatay ng magulang ko.
"Happy birthday Lyca. Happy birthday happy birthday happy birthday, Lyca" unti unting lumapit sa akin si Benedict na may ngiti sa labi at heto na naman ang puso ko na ang bilis ng tibok lalo na kapag ngumingiti si Benedict ng ganiyan sa akin.
"Happy birthday, babe" binigay niya sa akin ang bulaklak at sumunod naman si Jenica na may dalang cake
"Make a wish"
Pumikit naman ako at humiling na sana maging maayos na ang lahat at nagpasalamat din ako sa itaas dahil sa araw na ito.
Pag mulat ko tumingin ako sa kanila na may ngiti sa labi at isa isa ko silang niyakap at nagpa salamat na naalala nila, dahil ako nakalimutan ko na. Simula nang nawala mga magulang ko hindi ko na pinagdiwang ang birthday ko dahil ang alam ko kapag March 12 ay death anniversary nila at hindi ang birthday ko.
Yumakap ulit sa akin si Benedict kaya natahimik ang mga kasama namin.
"Simula ngayon gusto ko kapag birthday mo ang maalala mo ay masaya, ito. Ito ang gusto kong maalala mo para hindi mo makalimutan kung saan ang araw na ito ay ang araw kung saan nahulog na ako ng tuluyan sa iyo"

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
LosoweNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...