Chapter 36 QUESTIONS

8 0 0
                                        

They say you only need to accept everything so you can move on. But the big question is, how? Paano mo matatanggap na wala na talaga? Na iniwan ka na ng taong mahal mo? Kailan ba darating sa buhay mo na tanggap mo na ang lahat? Lahat ng sakit, iyak at ang paglisan niya.

In another life, Benedict. I will find you at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng puso kong ito. But for now, I know this is the only thing I can do is to set you free. Pinapalaya na kita sa puso kong dalawang taon na umasa na sana buhay kapa. Pinapalaya na kita sa mga ala alang binuo natin na magkasama. Pinapalaya na kita, hindi dahil sa napagod ako. Pinapalaya na kita dahil iyon ang mas nakakabuti sa akin.

I wish I could just accept all of this, pero sa ngayon ang palayain ka ang nakikita kong solusyon sa lahat. Marahil kapag natanggap ko na ito at sa tuwing sasagi ka sa isipan ko, hindi ang sakit ng mga nangyari ang bibisita sa alaala ko. Kung hindi ang saya at ginhawa na pinalaya kita at ang sarili ko.

"How are you now, couz?" Nang araw na nagising ako mula sa pagkakaaksidente ko, bumisita sina tita at Shariah. I didn't expected that they will come that day, because I know we're still not okay. They still hate me. Yeah but maybe time heals all the wounds, may mga hindi man magandang nangyari sa nakaraan pero darating pa rin sa punto na mag hihilom lahat ng sakit, poot sa puso natin. Pinatunayan iyon nila tita at Shariah nang dumalaw sila sa akin, kinamusta na parang hindi sila nagalit sa akin. Iyon ang nagpaiyak sa akin.

"Wh-what's wrong, hija?" Hinawakan ni tita ang balikat ko at natataranta siyang bumaling sa mga kaibigan ko at sa anak niya.

"Tumawag kayo ng doctor, bilis" akmang tatalikod si Shariah pero hinawakan ko ang kamay niya.

"I-I'm okay" umupo naman si tita sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

"I'm very sorry, Lyca" umiyak siya sa harapan ko habang paulit ulit na binabanggit ang salitang patawad. Nakita kong lumabas ang mga kaibigan ko kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa loob.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko kay Shariah. Nag iyakan kaming dalawa sa balikat ng isa't isa. Ito ang matagal ko ng hinihintay, ang maging maayos ulit ang relasyon namin dalawa at ni tita.

Ito marahil ang sinasabi ng mga magulang ko at ni lola, na hindi pa tapos ang lahat. At nagpapasalamat ako sa may taas na binigyan niya ulit ako ng pangalawang buhay, upang maayos ang mga nasirang relasyon.

"It's okay tita, Shariah. Matagal ko na po kayong napatawad sa lahat at naiintindihan ko po kung nagalit kayo sa akin." Kahit na halos isuka nila ako bilang pamilya nila noon, mahal ko pa rin sila.

"Patawarin niyo rin ako tita, sa lahat lahat. Sa pagkawala ng mga magulang ko at ni lola-" humawak si tita sa balikat ko at umiling siya.

"Stop blaming yourself. Stop blaming each other. Walang may gusto sa lahat ng nangyari, at nag sisisi ako sa lahat ng mga sinabi ko sa iyo. Na imbis na intindihin kita at damayan pero sinumbatan kita. Hindi ko inisip na nasasaktan ka rin sa pagkawala nila, hindi ko lang matanggap noon na nawala ang kaisa-isa kong kapatid. Alam mo naman kung gaano kami kalapit ng mama mo, hindi ba? Kaya patawad, Lyca. I'm sorry for all the pain." They're partners in crime, my mom and tita. That's why I really understand her, 'yung galit at pagkamuhi niya sa akin. Tinanggap ko iyon, dahil naiintindihan ko. Ang pag iwas ni Shariah sa akin noon, naiintindihan ko. Naiintindihan ko ang lahat. Pero hindi ko maiwasan masaktan.

"Na-naiintindihan ko po. Pero masakit lang po sa akin, tita. That I'd trying to understand others,but why they didn't understand me? Nasasaktan din po ako, pero wala akong mapagsabihan. Dahil lahat ng tao na kahit kayo po ay galit sa akin. Hi-hindi niyo po ba naisip na mas nasasaktan ako? Dahil magulang ko sila, ako 'yung iniwan. Bakit sa akin ang sisi ng mga tao? But in the end, all I can do is to understand" gusto ko lang sabihin ito, hindi dahil gusto ko silang sumbatan. Gusto ko lang malaman nilang nasasaktan ako at pagkatapos nito. Papalayain ko na ang sakit na naidulot ng nakaraan.






"I'm okay. Ano nga ang tanong mo?" Nagkatitigan kami ni Shariah at ako ang unang umiwas. Bakit hindi ko napansin noong una palang na magkapareho sila ng mata ni Benedict. At ngayon nasa harapan ko ang pinsan ko, parang nakikita ko siya sa pamamagitan ng pag titig ko sa kulay brown niyang mata.

"You want a vacation? Just me, you and your friends. What do you think?" I know they want to help me to forget him. And I'm thankful with that, I appreciated their efforts.

"Sure"


"This is gonna be fun and exciting. Hello beaches" sabay tawa na malakas ni Jenica, parang dalawang meaning ang ibig sabihin niya sa 'hello beaches'. Umiling naman ako sa kaniya at nilagay ang earphone para makinig na lang music.

"What the-"

Hindi pa man ako naka kapag relax ay may kumuha ng isa sa earphone at sumandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Easy couz. I just want to relax by listening to your playlist" inalis ko naman ang pagkakasandal niya sa akin.

"Get your own, couz. And where's your fiancee? Para hindi ako ang ginugulo mo." Tumawa lang siya at bumalik sa pagkakasandal sa akin kaya hinayaan ko na.

"Maraming siyang kailangan tapusin sa trabaho. Remember last week lang siya nag proposed, tapos one month siyang nag leave para sa preparation niya sa proposal niya sa akin." Ngumiti naman ako, masaya ako para sa pinsan ko. Masaya akong nahanap na niya ang magpapasaya sa kaniya at makakasama niya sa pag tanda.

"I'm happy for you, couz" umayos siya ng upo at humarap sa akin.

"Don't make me cry here, couz. And stop talking about my engagement, but thank you."

Kung nandito kaya siya? Magiging kami ba hanggang sa huli? Iyong mga pangarap namin para sa amin dalawa, matutupad ba?

Ngumiti naman ako ng mapait. Siguro hanggang dito na lang talaga ang sa amin. Mga tanong na wala ng kasagutan, mga tanong na mananatili na lang hanggang tanong. Na kahit gustuhin mo man ng sagot, wala ka ng makukuha. Dahil ang taong gusto mong makasagot sa katanungan mo ay, lumisan na siya. Iniwan na niya ako ng walang paalam. Masakit, pero kailangan tanggapin. Masakit, pero kailangan ng kalimutan.

A LIFE OF REGRETMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon