Chapter 21 CONFUSED

1 0 0
                                    

Isang buwan ng nanliligaw si Benedict sa akin, ganon pa rin ang samahan namin. Walang nag bago, pero ramdam kong mahal niya ako hindi bilang isang kaibigan kung hindi bilang isang babae.

Sa mga kaibigan namin ayos lang sa kanila, dahil sa wakas daw umamin na si Benedict at tinawag pa nila akong manhid. Dahil ako na lang daw ang hindi nakakaramdam na may pag tingin sa akin si Benedict, halos lahat daw ng mga kaklase ko at nakakakita sa amin ramdam nila iyon ako na lang ang hindi. Syempre ayaw kong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan kaya ganon.

"Ayusin mong panliligaw kay Lyca, baka hindi rin niya maramdaman" pagka banggit ni Jenica tumawa siya ng malakas kaya sumimangot si Benedict, umiwas naman ako ng tingin. Damn! Ang gwapo niya.

Si lola naman, ayos lang sa kaniya. Dahil bago pa gawin ni Benedict ang pag haharana sa akin sa school ay nag paalam na siya kay lola.

"Sa totoo lang ayaw ko pang may nanliligaw sa apo ko, gusto ko mag focus siya sa pag aaral bago ang pakikipag boyfriend. Pero dahil kilala kita at alam kong aalagaan at mamahalin mo si Lyca, hahayaan kita. Tiwala ako sa iyo, Benedict. Pero wag niyong pabayaan ang pag aaral niyo."


Malapit na kaming matapos sa senior high, kaya ang dami namin ginagawa sa school plus ang trabaho pa namin. Ilang beses na namin pinag uusapan ni lola ito na tumigil na ako sa trabaho, pero pinipilit ko na kaya ko. Habang break time namin sa trabaho ay nag rereview ako para sa exams namin bukas, kahit halos alam ko na lahat ito dahil nag advance reading ako nang isang araw pero ayaw ko pa rin maging kampante kaya inaaral ko ulit lahat.

May nag lagay ng kape sa mesa ko kaya tumingin ako sa nag bigay at si Benedict na naka ngiti ang sumalubong sa akin. Umupo siya sa tabi ko at tinabi mga ibang kalat ko sa mesa.

"Mag aaral din ako dito, babe" kinuha niya ang mga notes niya at sinimulan mag basa ako naman naka tingin lang sa kaniya, dahil ngayon lang siya nagpa kita kaninang umaga hindi siya pumasok at hindi ko alam ang rason. Ilang beses ko siyang tinatawagan at text pero hindi siya sumasagot, sinabi lang nila Jenica na baka importante ang ginagawa niya.

Tumingin naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag babasa. Huminga naman siya ng malalim at kinuha ang kamay kong naka hawak sa notes, pero hindi ko siya binalingan.

"I'm sorry" hindi ko pa rin siya pinansin at nangingilid na ang luha ko, napapansin ko lately na masyado na akong nagiging emotional pag dating sa kaniya.

"Family problem, babe. I'm sorry dahil hindi ako na kapag reply o sagot lang sa mga tawag mo" tumango naman ako at binitawan ang hawak ko bago humarap sa kaniya.

"Ano bang nangyari?" Umiwas naman siya ng tingin. Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa pamilya niya pero lagi siyang umiiwas. Ito ang unang beses na hindi siya pumasok dahil sa problema niya at hindi ako sanay na ganito kami.

"How's your day?" Pag iiba niya sa usapan, naka iwas pa rin ang tingin niya sa akin. Parang kahit nandito siya sa tabi ko pero ang layo layo ng iniisip niya. Gusto kong mag tanong pero alam kong hindi niya pa rin sasabihin, hindi ba niya ako pinagkaka tiwalaan? Parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa mga iniisip ko.

"A-ayos lang. Sige balik na ako sa trabaho" dali dali kong sinikop ang mga gamit ko at tinalikuran siya, pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry" tumango naman ako kahit naka talikod pa rin sa kaniya, binawi ko ang kamay ko at pumasok na sa loob.

Pag pasok ko ay ang pag pasok din ni Shariah, kasama si tita. Tumingin sila sa akin pero hindi nila ako pinansin at pumasok na sila ng tuluyan na parang hindi nila ako kilala. Gusto ko man mag mano kay tita, pero ramdam kong galit pa rin siya sa akin at hindi ko alam kung kailan nila ako mapapatawad sa lahat ng nangyari.

Ako na ang lumapit sa kanila para makuha ang order nila, dahil ayaw ng mag pinsan na lumapit dahil hangga ngayon na iinis pa rin sila kay Shariah.

"Good evening. What's your order, ma'am?" Nag angat sila ng tingin at nakita ko naman ang pag taas ng kilay ni Shariah pero hindi niya ako pinansin, si tita ang humarap at nag sabi ng order nila.

Naninibago ako sa trato nila sa akin, mas okay na sa akin na tinatarayan ako ni Shariah dahil kahit paano kinakausap niya ako, pero ngayon? Na halos hindi niya ako matignan at kausapin.

Kanina ko pa napapansin si tita na tingin ng tingin sa labas at sa relo niya na parang may hinihintay pa sila, gusto ko man silang lapitan pero ayaw ko ng gulo. Siguro mas okay na ito para wala ng away at hindi na mahirapan pa si lola.

May pumasok na lalaki na sa tingin ko ay nasa 50 years old na siya pero makikita mo pa rin na malakas pa siya dahil sa kakisigan niya. Tumayo naman si tita at kumaway dito, ngumiti naman ang lalaki at lumapit doon kasabay nito ay nag mano si Shariah at niyakap si tita.

"A-anong ginagawa ni sir dito?" Si Jannice na nasa tabi ko na pala at pinapanood din ang nangyayari.

"Huh?" Naguguluhan tanong ko

"Siya" sabay turo niya kila Shariah "siya ang may ari nitong restaurant na ito, na daddy ni Benedict" parang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko at sa mga iniisip ko ngayon.

"Ma-may ari? Daddy? " Si Jannice naman ngayon ang humarap sa akin na naguguluhan.

"Hindi mo pa rin alam? " Naguguluhan pa rin siya, umiling naman ako sa kaniya.

"Si Benedict na lang ang tanungin mo, sorry" hahabulin ko sana siya pero nahagip ko si Benedict na papasok at papalapit sa mesa nila Shariah. Nang nakalapit na siya ay nag mano siya kay tita at sa daddy niya, umupo naman siya sa tabi ng daddy niya na ngayon ay kaharap niya si Shariah.

Gusto kong lumapit at tanungin sila kung ano bang nangyayari pero nag ugat na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, at hindi ko alam kung gusto ko ba talagang malaman ang lahat o mananahimik na lang.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon