Chapter 43 NEW

1 0 0
                                    

Maraming kaso na akong nahawakan at halos lahat ng iyon ay na ipanalo ko, pero bakit iyong sarili kong laban hindi ko magawang manalo? Bakit kahit ilang beses kong subukan lumaban, pero sa huli, talo ako?

Bumitaw na ako sa yakap ko sa kaniya at sinulyapan ulit siya bago tumalikod. Humakbang na ako papalayo sa kaniya, papalayo sa taong tinuring kong tahanan. Papalayo sa taong tinuruan ulit ako kung paano mag tiwala. Papalayo sa taong muling nag bukas ng puso ko para sa ibang tao. Ito na siguro ang pinaka mabagal kong hakbang sa buong buhay ko.

Tumingala ako at ngumiti sa kawalan. Sabi ko kapag nakita ko ulit siya at nakitang masaya, papalayain ko na siya. Ngayon sa kaniya na mismo nanggaling na masaya na siya, bakit hindi ko pa rin kaya? Bakit hindi pa rin ako makabitaw? Bakit hindi ko kayang maging masaya?.

"Lyca" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Wala na talaga." Kumapit ako sa damit niya na parang doon ako kumukuha ng lakas ngayon.

"Shh. I'm here, Lyca. I will never leave you."

Naka balik na kami sa hotel na tinutuluyan namin at nag kulong ako doon, mamayang hapon pa naman ang byahe namin pauwi. Ayaw akong iwan ni Zach, pero gusto kong mapag isa, gusto kong ibuhos lahat ng sakit na ito na walang nakakakita.

Funny isn't it? My old self. Hindi ko gustong makita nilang mahina ako, kung pwede lang bumalik sa nakaraan, gagawin ko. Gusto kong bumalik sa dating ako, na kahit nasasaktan mas pipiliin ko na lang baliwalain. Pero nangyari na ang mga dapat mangyari.

Bakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit wala sa una? Bakit wala sa gitna?

Kung nasa una ang pagsisisi, edi sana maiwasan natin ang mangyayari sa hinaharap at mapipigilan natin ito. Pero hindi e, laging sa huli. Doon mo marerealize  ang mga pagkakamali mo ang mali mong desisyon. Pero siguro nga kaya laging sa huli para matuto tayo at para maging wais tayo sa susunod.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto kaya humiga ako at binalot ang sarili ko sa kumot. Naramdaman ko ang pag upo nila sa kama at ramdam ko rin ang titig nila sa akin.

"Couz" sabay haplos niya sa balikat ko, sa isang haplos lang ng pinsan ko gusto kong umiyak ulit. Gusto kong sabihin na hindi ako okay, hindi pa ako nakalimot sa kaniya. Gusto kong sabihin na ang sakit sakit, hindi ko kaya. Hindi ako masaya.

"Lyca" ang mag pinsan naman ngayon. Narinig ko ang hikbi nila kaya pumikit ako ng mariin. I know they don't want to see me like this, pero anong magagawa ko?

"Lagi kaming narito para makinig sa iyo, Lyca." Unti unti kong inalis ang kumot bago umupo at hinarap silang apat.

"I-I saw him" nag punas ako ng luha bago magpatuloy.

"Ikakasal na daw siya hahaha." Para na akong baliw na habang umiiyak ay tumatawa ako.

"Masaya na rin siya, tangina diba?! Paano 'yun? Paano niya nagawang sumaya na wala ako? Habang ako? Dalawang taon akong nag kunwaring masaya. Baka marahil kapag nag kunwari akong masaya, baka magka totoo diba?" Pero alam kong mali ako, dahil pwede naman akong sumaya ng hindi nag kukunwari diba? Pero mas pinili ko pa rin mag panggap.

"Sa ilang gabing naka tingala ako sa mga bituin humihiling ako na sana sumaya siya, kahit lahat kayo naniwalang wala na siya. Akala ko hindi nila naririnig ang mga hiling ko. Not until I saw him. Hiniling ko ang kasiyahan niya, pero alam niyo anong na realize ko? Natupad 'yung wish kong sumaya siya, pero hindi ako ang dahilan."

God hear all my wishes and he grant it already, to wish his happiness and love that he deserve. Hindi ang pagmamahal ko ang magpapasaya sa kaniya.

Painful isn't it? But all we can do is to accept everything. Accept what's already done, at iyong paghihintay ko sa kaniya? Matagal na dapat na tapos ito, pero hindi ako makalaya kase hindi nakikita ng mismong dalawang mata ko kung masaya na ba talaga siya. And now that he's already happy without me, unti untiin kong tatanggapin. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap ang lahat, but I'm sure it takes time to finally heal from all of this.


**

"Where are you now?" Ngumiti naman ako dahil sobrang miss ko na sila.

"Almost there" ngiti ko kahit hindi naman niya ako nakikita dahil magka usap lang kami sa cellphone.

"Faster. They'll excited to see you" mas lalo kong binilisan ang lakad ko habang hila hila ang maleta ko.

Nakita ko na siya sa labas ng airport habang naka sandal siya sa kotse niya. Halos lahat ng mga babae ay tumitingin sa banda niya at hindi man lang niya binibigyan ng mga pansin ito. Naka simpleng white v neck shirt at black pants and white rubber shoes lang naman siya, pero agaw pansin pa rin siya. Umiling naman ako at lumapit na sa kaniya.

"Hey" tumingin naman siya sa akin at sinuri niya ako mula ulo hangga paa bago nag taas ng kilay at umiling. Sungit talaga.

"Your dress is too short, Lyca Mae" hindi pa rin nag babago.

"I'm comfortable wearing this kind of outfit, Zach" kinuha na niya ang bagahe ko at nilagay sa likod ng kotse niya bago ako nilapitan at hinalikan sa noo.

"I don't like it" hinawakan ko naman ang mukha niya at ngumiti sa kaniya pero nanatili pa rin naka taas ang kilay niya.

"Bat ang sungit mo? Hello kadarating ko lang" doon pa lang siya ngumiti at umiling na lang bago pag buksan ng pinto.

"I miss you, Lyca"

"I miss you too, Zach" lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng isang mababaw na halik.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon