"Sigurado ka bang kaya mo ang trabaho sa gabi, apo? Kahit hindi kana mag trabaho kaya pa naman ni lola" pagkauwi ko binalita ko kaagad kay lola na may trabaho na ako. Hindi ko sasabihin sakaniya na kinausap ako ni Shariah tungkol dito, dahil ayaw kong magalit si lola at alam kong ako rin ang aawayin ng pinsan ko.
"La, maaga naman po ang labas ko 6pm-12am lang naman po ang pasok ko sa trabaho. Kaya ko naman po ang sarili ko kaya don't worry, be happy" sabay yakap ko kay lola, huminga naman siya ng malalim bago niyakap akong pabalik.
"Nag lalambing kana apo e, ano pang magagawa ko? Basta mag iingat ka doon, bago ka lang diyan at bata kapa. Protektahan mo ang sarili mo, dahil sa bandang huli sarili mo na lang ang kakampi mo. "
Pagka tapos ng klase namin mag hapon, dumaretso na ako sa restaurant na pagta trabauhan ko kahit na isang oras pa bago ako mag simula. May mga kasama din akong nag hihintay dito dalawang babae at tatlong lalaki.
"Hi miss, bago ka lang dito? Kailan ka nag apply?" Tanong ng isang babaeng kulay pula ang buhok at pula rin ang lipstick habang papalapit sa akin.
"I'm Jannice and this is Jenica, my cousin slash enemy" sabay lahad nila ng kamay sa harapan ko. Ngumiti naman ako ng kaunti bago tinanggap ang mga kamay nila.
"Lyca"
"Kailan ka nag apply dito?" tanong ni Jannice at sabay upo nila sa tabi ko.
"Kahapon" maikling sagot ko sa kanila
"Ano ba yan! Ang boring mong kausap girl, huwag kang mahiya sa amin kami rin naman ang makakasama mo sa trabaho" sabay ngiti ni Jenica sa akin.
" Hindi ko alam paano maki tungo sa iba. Sorry" sabay yuko ko at kurot sa mga daliri ko para maiwasan ang kaba. This is what you get and feel when you don't have friend.
Umakbay naman silang pareho sa akin at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Alam ko, lagi ka namin nakikita sa school. You are popular not because you have a beautiful face or you're intelligent, but because we all clueless about your identity" napatingin naman ako sa kanila dahil nagulat akong sinabi niyang popular ako sa school namin.
"Lagi kang umiiwas sa mga tao, simula nang nag high school tayo at hanggang ngayong senior high na tayo. Kaya nagulat kami ng pinsan ko na mag tatrabaho ka dito, and we all know na hindi ka nakikihalubilo." Huminga naman akong malalim at iniwas ang tingin ko sa kanila.
" Sometimes its okay to be alone, not because you want it, but because you need it. Para sa huli kung masasaktan ka man wala kang ibang sisisihin kung hindi ang sarili mo. At paano ako makikisama kung sa simula palang, ayaw na nila sa akin? Noon pa man tinanggap ko na sa sarili ko na baka ayaw nila talaga sa akin at hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa iba. My grandma is okay with me. "
Hindi naman sa takot ako sa mga tao, takot lang akong makihalubilo sakanila. Paano kung katulad nang bata pa ako, itataboy din nila ako?
Isang oras na ako sa trabaho ko bilang isang waitress at halos lahat ng mga customer namin ay mga estudyanteng palabas at papasok pa lang sa school nila.
"Hey! Lyca ikaw na lang doon sa mga bagong dating. Salamat" sabay alis ni Jenica na parang naiinis sa mga bagong dating.
Papalapit palang ako sa table nila, nakikita ko na kung sino ang mga naka upo dito.
"Oww! Shariah your cousin is here" sabay tawa ng kasamahan niya.
"Hi there cuz! You look good wearing those uniform" at naki sabay siya sa tawanan ng mga kaibigan niya.
" What's your order, Ma'am?" Sabay baling ko sa unang babaeng naka pansin sa akin.
"So mean" nakita ko naman na nagalit si Shariah dahil hindi ko pinansin ang mga sinabi nila.
"Don't mind her, Nicole. Ganiyan talaga ang mga ugali ng mga walang magulang, kaya hindi siya napalaki ng maayos" hindi ko alam bakit ganoon na lang ang galit sa akin ni Shariah para magawa at masabi niya ito sa maraming tao.
I'm just controlling myself to talk back. They're customer and I'm just a waitress here to serve them.
"That's the real mean, girl"
Nakatayo parin ako sa harapan nila kahit gusto ko na lang umalis, pero inaalala ko pa rin si lola. Si lola na matanda na at patuloy na sinusuportahan pa rin ako. Si lola na nandiyaan noong mga panahong nag iisa ako.
"All your order will be serve in 3 minutes. Thank you and enjoy staying here." Naka ngiting pagpa paalam ko pa sa kanila.
Pag talikod ko nakita ko si Benedict na nakatitig sa akin kasama ang mga kaibigan niya. Yumuko ako habang naglalakad para makuha na ang order nila Shariah.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...