Chapter 38 GOODBYE

3 0 0
                                    

The hardest part of having them in our lives  is finally saying, goodbye. But saying goodbye is not the end of everything. Goodbye means, to start again. May tao man kailangan mawala, may alaala man kailangan kalimutan at may puso man na masasaktan. Pero sa huli parte yan ng ating buhay, may aalis man pero may babalik. At iyon ang sarili mo. Kailangan mong bumalik sa buhay na wala na siya, na hindi na siya parte ng buhay mo. Parte na lang siya ng nakaraan mo at hindi na ang kasalukuyan mo.

Wala man kaming proper closure ni Benedict, siguro sapat na ang dalawang taon para matanggap na wala na talaga siya. Hindi ko na kailangan mag aksaya ng ilang taon paghihintay ko sa kaniya, na hindi ko na kailangan sirain ang ilang taon pa na buhay ko para lang isipan na buhay pa siya. I'll buried my feelings this time, sa pagtatapos ng araw na ito magsisimula akong babangon para sa sarili ko at para na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.


"O saan kayo nag punta? Kanina pa namin kayo hinahanap, akala na namin tinangay mo na ang pinsan ko. Malilintikan ka sa akin, Zach" kunwaring galit si Shariah at hinila niya ako sa tabi niya.

"What happened?" Tanong niya at nakikinig din ang mag pinsan habang nasa harapan namin sila.

"Wala. Nag usap lang kami" nakita ko naman ang nakakaloko nilang ngiti kaya isa isa ko silang tinitigan ng masama.

"Usap lang ba talaga? Bakit umabot kayo ng gabi? Sa pagkakaalam ko, dalawang oras kayong nawala." Ngising tanong ni Jannice na tinanguan naman ng dalawa.

"Ewan ko sa inyo! Bahala kayo kung anong isipin niyo, masyadong madudumi ang isip niyo" inis na sabi ko pero tumawa lang sila ng malakas, hangga sa naramdaman ko na umupo si Zach sa tabi ko na mas lalo nila akong inasar.

"Stop talking nonsense, we're just talking. That's it" tumango na lang ang tatlo kahit alam kong hindi sila kumbinsado sa sinabi ni Zach.

Tumayo na kami para makapunta sa kwarto at mag bihis. Napag kasunduan namin na mag inuman kami sa labas at mag set ng bonfire doon.

"Lyca?" Tawag ni Shariah sa akin at pag harap ko bigla niya akong niyakap.

"Masaya ako dahil ngayon lang ulit kita nakitang masaya. Noon kahit ngumiti ka alam namin na napipilitan ka lang. Saksi ako sa lahat ng mga hirap na pinagdaanan mo simula ng bata pa lang tayo. And I'm sorry dahil naging malupit ako sa iyo noon. Napuno ng galit ang puso ko sayo noon, na dapat ako ang sandalan mo dahil mag bestfriend tayo at mag pinsan mas pinili kitang itulak papalayo. I'm sorry from everything, couz. And I promise this time na hinding hindi kita iiwan. Sasamahan kita sa lahat ng laban mo and I'm willing to wipe your tears na hindi mo na kailangan itago ang luha mo at sakit diyan sa puso mo. Nandito lang ako, always remember that." Yumakap naman ako sa kaniya habang pinupunasan ang luha ko.

"Thank you, Shariah. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka o wala kayo sa tabi ko. Maraming salamat dahil hindi niyo ako iniwan. At 'yung mga nangyari noon, let's forget it. Tapos na iyon, ang mahalaga ay okay na tayo. Ito lang ang hinihintay ko, Shariah. Ang magkaayos tayo at bumalik kung ano man ang samahan na nasira noon. Masaya ako, masayang masaya. "

Kahit na nagkaayos na kami, hindi namin binalikan noon ang mga nangyari sa pagitan namin. Sabi ko sapat na ang maging maayos ang samahan namin, pero iba pa rin ang pakiramdam na humingi siya ng tawad at marinig ang mga salitang hindi niya ako iiwan sa taong bata pa lang kami, kami na ang magkakampi sa lahat ng bagay.

"Group hug" natawa naman kaming mag pinsan nang yumakap sa amin si Jannice at Jenica, habang si Zach ay nakatayo lang at naka ngiting nakatingin sa amin.

"Hoy lalaki! Group hug nga, ang KJ nito!" Hinila siya si Jenica at yumakap na din sa amin.

"Gusto niya kasing yakapin si Lyca lang. Kayo talaga hindi niyo makuha iyon no, tara na nga iwan na natin sila mauna na tayo sa labas." Lumabas na silang tatlo at kami na lang dalawa ang natira. Magkakasama kaming lima sa iisang kwarto. Gusto daw nila walang hihiwalay, gusto sana ni Zach na humiwalay ng kwarto dahil pangit tignan kasi lalaki siya. Pero sinabi namin na may tiwala kami sa kaniya. Inasar pa nga siya ni Jenica na bakla daw si Zach kasi ayaw maki share sa amin, kaya ang ending heto kasama namin siya.

"Let's go, Lyca. Baka ano naman isipin ng tatlong iyon" tumawa na lang ako tumango sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siya.

"Ayieeee" sigaw nilang tatlo dahil nakita nilang magkahawak ang kamay namin.

Humupa na rin ang asaran at nag simula na kaming mag inuman at mag kwentuhan tungkol sa buhay namin. Si Shariah ay isang model at naisalba niya ang kanilang business sa tulong na rin ng Daddy niya. Si Jannice naman ay isang Teacher at habang si Jenica ay Nurse. Si Zach ay isa na siyang Attorney, sobrang saya niya noong ibinalita niya sa akin na abogado na siya. Habang ako? Isa na rin sa lumalaban para sa patas na hustisya dito sa ating bansa. Ang mga magulang ko ang naging inspirasyon ko sa laban kong ito para makamtam ang pangarap ko.

Ang hustisyang nararapat sa mga magulang ko? Nakamtam ko na rin, dahil bumalik ako sa lugar kung saan ako lumaki at sa lugar kung saan nangyari ang trahedyang halos bumago ng buhay ko.

Hindi madali para sa akin na makita ulit sila. Ang sakit lang na malaman na tama ang hinala ng mga tao na may kinalaman ang dating gobernador sa pagkawala ng mga magulang ko.



"Matagal na kitang gustong makita. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga pagkakamali ko at pagkakasala sa iyo. Aaminin kong ako ang may pakana sa nangyari sa magulang mo. Pero ginawa ko iyon dahil magulang ako at dahil mahal ko ang anak ko, hindi ko lang matanggap na isang bata ang sisira sa kinabukasan ng anak ko at pamilya ko." Halos gusto ko siyang lapitan at saktan pero mahigpit ang hawak ni Shariah sa balikat ko. Kaya tumayo na lang ako at dinuro ko siya, wala na akong pakialam kung mag mukha akong walang respeto sa kaniya. Nag uumapaw ang galit ko sa kaniya noon pa, at ngayon nakita ko siya ulit hindi ko na alam kung hanggang saan na ang galit ko sa kaniya.

"ANONG KLASENG TAO KA!? Para sabihin na ginawa mo iyon para sa anak mo? Hindi ka man lang ba na konsensiya sa ginawa mo? AKO! Ako ang pinagsamantalahan ng walang kwenta mong anak! Tapos anong ginawa mo? Pinatay mo ang magulang ko dahil sa makasarili ka! Hindi pagmamahal sa anak mo ang nag udyok para gawin mo ang bagay na iyon! Sarili mo! Sarili mo ang iniisip mo, dahil ano? Dahil masisira ka sa mga tao? Huh? Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Kulang pa iyan, dahil buhay ang kinuha mo sa akin!" Yumuko lang siya at umiiyak ang asawa niya kasama si Aaron na nakatitig sa akin.

Pagkatapos ng paglilitis at nakasuhan na nga siya tumayo na ako at nagpasalamat kay Zach dahil siya ang tumayong abogado ko para sa laban na ito.

"Wait, Ly." Hinawakan ni Aaron ang balikat ko at pagharap ko isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kaniya.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan at matawag tawag sa pangalan ko! Nandidiri ako sayo! Nagsisisi akong binigay ko ang tiwala ko sa iyo! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin noon? At nagawa niyo pang patayin ang mga magulang ko? Paano kayo nakakatulog ng mahimbing sa gabi? Habang ako? Walang tigil sa pag luha, hindi ko alam saan ako nagkulang! I'm blaming myself from everything! Pero mali pala ako, maling maling ako! Dahil kayo dapat ang sisihin ko! Kahit ilang beses kong sabihin sa utak ko na patawarin ko kayo, pero hindi ko magawa! Dahil masakit pa rin! Hindi ko pa kayang magpatawad! Hindi ko pa kayang ibigay ang kapatawaran ko sa inyo, dahil walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin at ginawa ng ama mo sa mga magulang ko!" Yumuko siya sa harapan ko at pilit na hinawakan ang kamay ko, pero pumagitna sa amin si Zach at galit na galit na nakatingin kay Aaron.

"A-anong gagawin ko para mapatawad mo ako, Lyca?" Tumawa naman ako at parang masisiraan na akong bait dito sa lalaking kaharap ko.

"Anong gagawin mo? WALA! Dahil inuulit ko, walang kapatawaran ang ginawa niyo! Kahit ilang beses kapang humingi ng tawad sa akin, hindi ko matatanggap iyon. Kahit makulong man ang Daddy mo, hindi ko kayo mapapatawad. Naiintindihan mo!?" Umalis na kaming tuluyan doon, may luha man sa aking mga mata. May galak naman sa aking puso dahil sa wakas nabigyan ko na ng hustisya ang mga magulang ko.


Goodbye for those painful memories.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon