Chapter 16 PROTECT

7 0 0
                                    

Sa tingin ng iba parang nag iinarte ako dahil kaibigan lang naman ang hinihingi niya tapos hindi ko pa ma pag bigyan, pero sana maintindihan niya na takot pa ako. Alam kong hindi niya alam ang nakaraan ko at natatakot ako kapag nalaman niya iiwas siya o maawa lang siya sa akin.

"Apo" aalis na sana ako para pumasok sa klase kaya lang parang may importanteng sasabihin si lola.

"Ikaw na lang ang nagpapa hirap sa buhay mo apo. Alam kong nasasaktan at sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari noon, pero hindi na maibabalik pa ang mga nangyari. Ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin kung ano man ang tapos na para mag simula ka ulit. " Lola's right I should move on, but how?

"Alam kong takot ka rin mag tiwala sa iba pero sana mahanap mo diyan sa puso mo na buksan ulit ito para sa ibang tao. Buksan mo ang isip at puso mo, iba-iba ang katangian ng bawat isa apo"

Patungo na ako ngayon sa room namin at tahimik sa paligid dahil maaga pa naman. May mga estudyante na rin sa bawat silid pero tahimik pa rin.

Habang nag lalakad iniisip ko ang mga sinabi ni lola, kailangan ko bang mag tiwala muli? Noon dahil sa labis na tiwalang binigay ko may nangyari hindi maganda.

Kailangan ko na bang kalimutan ang mga nangyari noon? Pero kung kakalimutan ko hindi ko ma poprotektahan ang sarili ko.

"Ouch"

"Sorry miss" nag angat ako ng tingin at nakitang kong si Benedict ang naka banggaan ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya at tinulungan niya akong tumayo.

"Ben-"

"Sorry, excuse me" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya na parang nag mamadali. Tumingin naman ako sa likod niyang papalayo sa akin, at hindi ko alam bakit nasaktan ako sa ginawa niya.

Tumuloy na lang ako sa classroom namin at tatlo pa lang kami dito, nagtataka ako kung bakit ang aga niya ngayon usually pumapasok siya halos kasabay ng aming first subject.

Kaya dali dali akong tumayo at pumunta sa likod ng school, nagbabakasakaling nandoon siya. Papalapit na sana ako kaya lang naririnig kong may kasama siya, sumilip ako at nakita kong si Shariah ang kausap niya at parang nag tatalo sila.

Napapikit ako dahil naririnig kong umiiyak si Shariah habang pinapatahan siya ni Benedict. Sumilip ulit ako at nakita kong magka yakap na silang dalawa, napatingin sa banda ko si Benedict kaya umatras ulit ako at tumakbo papalayo sa kanila.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagod, pag upo ko ay siyang pag dating ni Benedict papalapit siya sa akin kaya tumayo ako para pumunta sa cr.

Humarang siya sa dinaraan ko kaya tumingin ako sa kaniya ng seryoso ganoon din siya sa akin.

"Lyca" umiwas ako ng tingin sa kaniya pero hinawakan niya ang baba ko para tumingin ulit sa kaniya.

"I'm sorry" inalis ko ang hawak niya at ngumiti ng pilit

"For what?" Siya naman ang umiwas ng tingin at huminga ng malalim.

"Is it true?" Takang tumingin naman ako sa kaniya, kaya umubo siya ng konti bago tumingin ulit sa akin.

Hinila niya ako sa sulok ng room namin at nakikita kong nahihirapan siya sa sasabihin niya sa akin.

"That you almost got raped?" Napatitig naman ako sa mukha niya at hindi makapaniwalang alam niya. Ito ba ang pinag usapan nila Shariah kanina? At bakit kailangan sabihin ni Shariah iyon? Ang pilit kong binabaon naungkat na naman at ang masakit pa dito ang taong  tinuturing kong kapatid ang nag sabi sa taong handa ko ng pagka tiwalaan muli.

Tumulo ang luha ko kaya dali dali ko itong pinunasan at tatalikod na sana, kaya lang hinawakan niya ang braso ko sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"I'm sorry babe. Shh tahan na" yumakap ako pabalik dahil natatakot akong wala na akong makapitan para pag kuhanan ng lakas ngayon.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry" paulit ulit niya binabanggit kumalas naman ako at pipupunasan ang mga luha, tumulong siya sa pag punas kaya napatitig ako sa mukha niya.

Ang kulay tsokolate niya mata, makapal na kilay na bumabagay sa malalim niyang mga mata. Matangos na ilong at ang perpekto niya panga na bumabagay sa hugis ng mukha niya. Moreno siya at matangkad matured na ang katawan niya para sa isang senior high school.

That's why I can't blame those girls who admired him, lalo na kapag ngumingiti siya lumilitaw ang dalawang dimples niya.


"Sa ayaw at sa gusto mo kaibigan na kita. I will protect you no matter what."



Pumikit ako at unti unting tumango sa kaniya, for the second time I will open my heart and mind to Benedict. And I will give myself a break from everything. Those pain, tears, hatred, broken promises... From now on I will set them free so I can start again.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon