Dadaan muna ako sa bahay ni lola dahil nakalimutan kong dalhin ang mga susuotin ko para sa trabaho. Pero sa malayo palang nakikita ko ng nandoon sila Shariah at tita kasama si lola na parang may pinag uusapan silang importante.
Lumapit naman ako kay lola para mag mano at halikan siya, lalapit din sana ako kay tita para mag mano kaya lang tinignan niya ako ng masama.
"LORIEN!" galit na sigaw ni lola dahil nakita niya kung paano tumingin si tita sa akin.
"Hindi ko maintindihan! Bakit mo pa kinuha ang batang 'yan! Siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng isang kapatid, tapos ano ma? Kinuha mo pa siya at pinakain at pinag aral? Sana hinayaan mo na lang siyang mag isa o hindi kaya sa mga kamag anak ng papa niya!" Umiwas naman ako ng tingin dahil sa galit na nakikita ko kay tita at Shariah.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala siyang kasalanan sa nangyari, na walang may gusto sa lahat? Bata lang siya noon anak, kaya paano mo masasabing may kasalanan siya? At kung may mas higit na nasasaktan dito... Si Lyca ang mas nasasaktan sa atin, dahil sa murang edad niya nau-"
"HINDI MAMA! Alam mo sa sarili mo na may kasalanan ang batang ito" sabay turo ni tita sa akin, susugurin na niya sana ako kaya lang pumagitna si lola sa amin.
"Kung naging masunurin ka lang sa mama mo at hindi ka lumapit doon sa lalaking iyon hindi sana mangyayari ito! Alam ng mga magulang mo kung gaano sila kinakatakutan, pero anong ginawa nila!? Ginawa pa rin nila ang lahat para lang protektahan ka kahit kapalit nito ang buhay nila!" Nahawakan ni tita ang braso ko kaya napunta ako sa harapan niya at kita kita ko ang sakit at galit sa mata niya
"Dahil sa'yo nawalan ako ng kapatid! Dahil sa'yo nawalan ng isang anak si mama! Kasalanan mo! Kasalanan mo lahat" humagulgol sa harapan ko si tita at sa buong buhay ko ngayon lang ako iiyak sa harapan ng mga tao.
Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong kasalanan, na bata lang ako noon. Pero sapat na bang dahilan na bata lang ako? Pumikit ako ng mariin dahil marahil nga na kasalanan ko ang lahat.
Unti-unti akong lumuhod sa harapan nilang tatlo habang walang tigil sa pag agos ang luha ko.
"I-I'm sorry. I'm sorry tita, lola at Shariah. Sorry sa lahat I'm sorry. Gus-gusto ko lang ipagtanggol ang sarili ko at ang paraan noon ay ang sabihin sa mga magulang ko. I almost got raped. I was 9 and he was 19 how can I protect my self? I'm just a kid that time, tita" tuluyan ko ng pinakita sa kanila kung gaano ako kahina. Kung ang pag iyak na lang ang paraan para sabihing nasasaktan din ako, hahayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko.
"Nawalan din po ako tita. Nawalan ako ng magulang at naiwala ko rin ang sarili ko tita. Habang tumatanda ako doon pumapasok lahat ng katanungan ko. Bakit kasi sila pa? Bakit hindi na lang ako? Kasi ginawa nila ang lahat para lang mapasaya't protektahan ako. Ilang beses kong tinanong ang Diyos, bakit nangyari sa akin ito? Dahil ba pasaway akong anak? I'm not good but I'm not that bad, tita." Hinawakan naman ni lola ang braso ko para itayo ako pero umiling lang ako.
"How many times do I have to question my existence? At ilang beses din akong hihingi ng tawad sa inyo para tuluyan niyo na akong mapatawad?"
"Lumayas ka dito! At h'wag na h'wag ka ng babalik, baka sakali kapag hindi na kita nakikita mabubura sa alaala ko na ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko" natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni tita at na bitawan ni lola ang braso ko dahil sa narinig niya kay tita.
Halos mapaupo ako sa sahig dahil sa masasakit na salitang narinig ko, pero buong tapang akong tumayo at tumingin sa kanilang tatlo. Si tita lang ang kaya akong tignan na may galit sa mga mata niya.
"Ganon po ba?" Hindi lang kay tita ang tanong kong ito, tanong ko ito sa kanilang tatlo pati na rin sa sarili ko.
"Ang pag-alis ko ba ang magiging dahilan para hindi ko na kayo lalong masaktan? Ang pag-alis ko ba ang magiging daan para makalimot kayo?" Wala ni isa sa kanila ang nag salita kaya tumango ako at pumikit kaya bago pa tumulo ang luha ko sa harapan nila ulit. Tumakbo na ako papalayo sa kanila, kung ang pag-layo ko ang tanging dahilan para mag hilom sila ay buong buo kong tatanggapin kahit masakit.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
AlteleNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...