Ito ang huling araw na bakasyon namin, kaya maaga kaming nagising para masilayan ang ganda ng pag sikat ng araw.
Sana sa pagsisimula ng umagang ito ay ang pag sisimula din ng bagong kabanata ng buhay ko, na kung saan wala siya.
Tumingin naman ako kay Jannice na kasalukuyang masayang nakikipag kwentuhan kay Shariah at Jenica. Siguro nga ganon talaga. Ang pag ngiti na lang ang magagawa para pagtakpan ang mga sugat na nakapaloob sa atin. Pag ngiti na lang ang magagawa para mapigilan ang luhang gustong kumawala. Baka marahil sa pamamagitan ng pag ngiti, makumbinsi natin ang ating mga sarili na okay na tayo.
"Anong ibig sabihin nito?" Base sa mukha ni Jenica ay inaasar niya si Zach sabay pakita ng cellphone niya.
"Photos" maikling sagot niya, bumaling naman ang tatlo sa akin dahil hindi ko makuha kung anong sinasabi nila, kaya lumapit ako kay Jenica para mag tanong.
"Anong photos?" Hindi na siya nag salita at binigay na lang niya ang cellphone niya sa akin.
Nasa facebook app iyon at nag scroll ako, hangga sa nakita ko ang post ni Zach. Ako ang nasa picture, naka ngiti at alam ko ito 'yung araw na inaasar kami nila Jannice dahil halos dalawang oras kami nagkasama.
'Ngiting hindi ko pagsasaawang titigan.'
Iyon ang nakasulat at sa ilalim non ay ang tatlong stolen shots ko. Tinignan ko ang comment box at halos lahat ng mga naging kaklase namin sa college ang nag comment at mga kasama namin sa trabaho, at ang tatlong baliw na babaeng kasama ko naki comment din sila.
Shariah Manugue: Naniniwala na ako sa forever, mag mula nang nakilala kita.
Jannice Catacutan: Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling.
Jenica Catacutan: Can you feel the love tonight?
Napangiti naman ako dahil sa kabaliwan ng tatlong ito, song lyrics naman ang mga comment nila. Akala mo naman magaling talaga silang kumanta sa personal.
"Ayiee! Kinikilig si Lyly" pang aasar pa nila kaya tinitigan ko sila ng masama.
"Sus pakipot kapa. Tara na nga maiwan na natin 'yang dalawang iyan." Tumayo na silang tatlo at lumusong na sila sa dagat.
"I'm sorry" panimula ni Zach, kaya tumingin ako sa kaniya na nagtataka.
"About those pictures, sana pala tinanong muna kita kung okay lang sa iyo." Nakatitig siya sa mata ko habang seryosong binanggit iyon. Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang titig na binibigay niya sa akin.
"Pero gusto ko lang malaman mo na may isang taong humahanga sa mga ngiti mo, Lyca. Alam ko ang mga pinagdaanan mo, wala man ako sa simula pero gusto kong malaman mo na hindi ako magsasawang humiling sa Kaniya na maging masaya ka ulit. Kaya kapag nakikita ko ang mga ngiti mo at naririnig ang tawa mo, malaking pasasalamat ko na iyon sa Kaniya."
Sa lahat ng mga nangyari sa akin, alam kong nawalan na akong tiwala sa Kaniya. Tinanong ko kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin, bakit lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan? Bakit hindi sapat ang pagmamahal na binibigay ko para lang mapanatili sila sa tabi ko?
Sometimes I asking Him, kung naririnig ba niya ang mga panalangin at pagsusumamo ko? And then I realized, masyado kong minamadali ang lahat. Masyado kong ibunuhos ang lahat ng atensiyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin, to the point na nakalimutan ko na ang sarili ko.
Hindi ko akalain na sa takot kong mawala sila sa buhay ko, hindi ko napapansin na unti-unti ko ng nawawala ang sarili ko na umabot pa sa puntong hindi ko na mahanap ang sarili ko. Then you will start to question your existence.
"Thank you for everything, Zach. Hindi ko alam kung sapat ba ang salitang salamat para sa lahat ng mga ginawa mo at ginawa niyo sa akin. Kahit may kaniya kaniya tayong problema hindi niyo pa rin ako iniwan." This time inangat ko na ang ulo ko para salubungin ang titig niya.
Kung tutuusin hindi mahirap mahalin si Zach. Maraming nagkakagusto sa kaniya plus point na lang ang istura niya. Pero ewan ko bakit hindi ko maturuan ang puso ko na mahalin siya, kung pwede lang na utusan ang puso ko na siya na lang mahalin ginawa ko na. Pero hindi e, siya pa rin ang tinitibok nito. At sa tuwing iniisip ko na siya lang ang mamahalin ko, natatakot ako para sa sarili ko. Dahil alam kong hindi ko mapagbibigyan ang sarili kong sumaya at hindi ko mapagbibigyan ang taong gustong mag mahal sa akin.
Pero naniniwala akong makakaahon ako sa pagkakalubog ko kay Benedict. Alam kong makakalimutan ko din siya. At sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya hindi na titibok ng mabilis ang puso kong ito, sa ngayon alam ko na itong puso kong ito ang minamahal pa rin at kinikilala niya ay si Benedict.
"Maging masaya ka lang, Lyca" lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang noo ko.
Hinawakan niya ang kamay ko para tulungan makatayo dahil napag desisyon namin na maglakad lakad ulit sa tabing dagat. Sinabi niya na sa bandang kaliwa naman kami pumunta dahil may mga nakatira daw doon at gusto niyang makita ang pamumuhay ng mga tao doon.
"Pag balik natin for sure mang aasar na naman 'yung tatlo." Inis na sinabi ko, tumawa naman siya ng mahina kaya bumaling ako sa kaniya.
"Huwag mo na kasi silang pansinin. Kaya gusto gusto ka nilang inaasar kasi ang dali mong mapikon." Umakbay siya sa akin at inilapit pa niya ako sa kaniya.
"I'm sorry. Ang daming tumitingin sa iyo e. Next time ayaw ko na sa dagat kapag kasama kita, baka mapaaway lang ako." Ako naman ngayong ang tumawa at siniko ko siya sa tiyan niya.
"Sino bang may sabi na makipag away ka? At hanggang tingin lang naman sila, hindi ko naman hahayaan na bastusin nila ako." Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako, seryoso ang mukha niya at umiigting ang panga niya kaya hinawakan ko ang mukha niya pero umiwas siya.
"Stop it, Lyca! Ayaw ko lang na tinitignan ka nila, dahil lalaki ako at sa paraan ng pagtitig nila sayo ay hindi ko nagugustuhan! Believe me, Lyca halos masira ko ang mukha nong lalaking nambastos sayo noong nag aaral pa tayo kung hindi mo lang ako pinigilan!"
Yes I remember that, naglalaro kami noon ng volleyball kaming girls at 'yung mga boys ay nanunuod lang, nabigla na lang kami dahil sumigaw ang mga tao doon. Pag tingin ko si Zach na hawak hawak ang kwelyo ng kaklase namin at may dugo na sa ilong niya. Kaya tumakbo ako palapit doon para awatin si Zach, dahil walang gustong umawat.
"Ayusin mo ang buhay mo, Adrian! Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo sa oras na bastusin mo ulit si Lyca!" Susuntukin na niya sana ulit si Adrian pero hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin at hinila ako paalis doon.
"I told you, Lyca! Don't play that sport! Ang iksi ng suot mo!" Naiintindihan ko naman siya kung anong punto niya, pero hindi ko naman kasalanan kung maiksi ang uniform para sa mga volleyball player.
"Hello! Hindi ko naman kasalanan na ganito ang uniform namin! At kung ayaw mo akong nakikitang nag susuot ng ganito, edi sana hindi ka na lang nanuod!" Huminga naman siya ng malalim bago ako tinitigan.
"At ano? Hahayaan kong mabastos ka ng gagong iyon? Kung hindi ka lang dumating baka comatose na ang gagong iyon!" Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.
"At ano? Hahayaan kitang maging kriminal? Paano kung hindi kita agad napigilan? Saan ang bagsak mo? Sa kulungan? Isipin mo law student ka, tapos magkakarecord ka?" Umiling naman siya at hinawakan ang braso ko.
"Okay I'm sorry. Pero hindi ko hahayaan na mabastos ka. Kinukuhanan ng picture ang legs mo, Lyca! Hindi ako mananahimik sa isang sulok kung alam kong binabastos ang taong importante sa akin." Tumango naman ako at yumakap sa kaniya.
"I'm sorry and thank you. Pero huwag mo ng ulitin iyon,pwede naman na isumbong mo na lang siya at sila na lang ang bahala kung anong parusa niya." Yumakap din siya sa akin at naramdaman ko ang pag iling niya.
"Like what I said. Hindi ako mananahimik lang sa isang tabi, Lyca. Lalo na at ikaw ang involve doon, magkamatayan man pero ipagtatanggol kita. " Ngumiti naman ako sa kaniya at bumitaw sa yakap.
"Hinding hindi ko hahayaan na masaktan ka. Hanggat nandito ako walang mambabastos sayo at walang makakalapit sa iyo. I will protect you no matter what, kahit kapalit nito ang buhay ko."

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
AléatoireNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...