Tama nga si Zach na may mga nakatira dito, tulad lang ng mga probinsiya. Simple pero kita mo ang saya sa mga mukha ng mga taong nakatira dito.
May mga batang nag hahabulan, mga tatay na nangingisda at mga asawa nila na nag hihintay sa pag dating ng kanilang mga asawa. Napangiti naman ako dahil ang simple ng buhay nila, at ang gaan ng mga ngiti nila.
May batang babae na tumatakbo papalapit sa amin at kung titignan ay parang dalawa o tatlong taon pa lang ito, malawak ang ngiting pinapakita niya sa amin.
"Magandang umaga po" ngiting bati niya sa amin nang nakarating na siya sa harapan namin. Umupo naman ako para mag level ang tingin namin at hinaplos ang buhok niya.
"Magandang umaga rin sa iyo" nakita ko naman ang gulat sa mata niya at hinawakan ang kamay kong hinahaplos ang buhok niya.
"Ang ganda niyo po at ang bango pa." Inamoy niya ang kamay ko kaya tumawa ako at kinurot ang dalawang pisngi niya.
"Mas maganda ka." Bumaling naman ang bata sa katabi ko at ngumiti siya kay Zach.
"Ilang taon kana, baby?" Umupo rin si Zach at hinawakan ang kamay ng bata. Pinakita niya ang tatlo niyang daliri, bago humarap sa akin.
"Ako po si Callista, ka-kayo po ano pong pangalan niyo?" Ang ganda ng pangalan niya.
"Ako si Ate Lyca at ito naman si Kuya Zach." Pumalakpak siya at hinawakan ang mga kamay namin at hinihila papunta pa sa mga batang kalaro niya.
"May mga bago akong kaibigan." Pagmamalaki niya sa mga limang batang kalaro niya.
"Si Ate Lyca at Kuya Zach." Pagpapakilala pa niya sa amin, kumaway naman kami sa mga bata at ganoon din ang ginawa nila.
"Heto po si Andy, Jamaica, Mary, Potpot at si Gina. Mga kaibigan ko po sila." Umupo ako sa harapan nila para hindi sila mahirapan, kung titignan pinakabata si Callista sa kanila.
"Puwede rin po namin kayong maging kaibigan?" Nahihiyang tanong ni Potpot, pitong taon na siya at pinakamatanda sa kanila. Tumango naman ang mga ibang bata sa sinabi niya.
"Oo naman." Masayang turan ko sa kanila, lumapit naman sila sa amin at nag group hug kami. Nagkatitigan kami ni Zach at sa nakikita ko masaya rin siya.
"Taga saan po kayo, Ate, Kuya?" Sumilong kami dahil gusto daw nilang makipag kwentuhan sa amin.
"Manila pa kami." Si Zach na ang sumagot habang inaayos ang buhok kong tinatangay ng hangin.
"Talaga po? Sabi po ng Papa ko maganda doon. Kaya lang ayaw na niya pong pumunta doon e." Si Callista habang may lungkot sa mukha niya, dinala ko naman siya sa kandungan ko at inayos ang buhok niya.
"Siguro mas gusto ng Papa mo dito, kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko dito. Dahil mas tahimik at sariwa ang hangin. " Tumango naman ang mga batang nasa harapan ko.
Sa totoo lang ilang beses ko ng pinangarap na tumira sa tabing dagat, siguro dahil kapag may surprise noon si Benedict lagi sa tabing dagat niya ginagawa. Aaminin ko man kahit gusto ko na siyang palayain, ang mga alaala namin ang mahirap bitiwan.
"Pero sa nakikita ko sa mga mata ni Papa, Ate. Malungkot siya sa tuwing binabanggit niya na ayaw na niyang bumalik doon." Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya at napansin iyon ni Zach kaya tumingin ako sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ko alam Ate kung ano bang pumipigil kay Papa, kahit si Nanay hindi niya maintindihan. Alam kong bata pa lang ako Ate, pero alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko." Bata man siya pero matured na ang pag iisip niya.
"Anak kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Halos hindi na ako maka hinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa boses na nanggaling sa likuran namin.
I-I't can't be, right? Humigpit ang hawak ni Zach sa kamay ko, gusto kong umiyak. Gusto kong bumaling sa likuran namin para makumpirma kung totoo nga ba ang hinala ko.
"Papa" umalis sa kandungan ko si Callista at tumakbo sa tinatawag niyang Papa.
Nagbabadya na ang mga luha sa mata ko pero pinipigilan ko ito dahil may mga bata pa sa harapan namin.
"May bago po kaming kaibigan Papa. Tara po ipapakilala kita sa kanila, mababait po sila." Narinig ko yapak nilang papalapit sa amin, gustuhin ko man tumakbo pero tila napako na ako sa kinauupuan ko ngayon.
"Lyca" mahinang bulong ni Zach, pero hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko.
"Ate Lyca, Kuya Zach." Tawag sa amin ni Callista.
"Ly-Lyca?" Tuluyan na akong tumayo kahit halos hindi ko na maramdaman ang paa ko dahil sa pamamanhid nito.
Humarap ako sa kaniya at sinalubong ang titig niya, nakita ko ang gulat sa mukha niya at bumaling sa katabi ko at sa anak niya.
Anak niya.
Damn! Ang sakit, tangina! Kailan ba matatapos itong pag hihirap kong ito?
Pero lalo akong nasaktan pagkatapos kong suriin ang kabuuan niya. Putol ang kaliwa niyang braso.
"Ate Lyca, Kuya Zach, heto po si Papa ko." Hindi pa rin ako makapinawala at nanatiling nakatitig ako sa kaliwang braso niya.
"Umuwi na tayo, anak." Tumalikod na siya sa amin at hinila na niya si Callista. Doon lang ako na tauhan.
Hinabol ko sila at hinawakan ang braso niya para pigilan sila sa pag alis.
"Sa-sandali lang." Halos manginig ako dahil sa lamig na tingin na binibigay niya sa akin.
"Can we talk?" Nag lakas na ako ng loob na sabihin ito. Marami akong gustong itanong, dahil naguguluhan ako.
"Ate?" Nanatili pa rin ang tingin ko kay Benedict. Please ito lang ang hinihiling ko, ang makausap siya para maliwanagan ako sa lahat ng nangyayari.
"No!" Matigas na sagot niya, umiling naman ako.
"P-please. I-I need your explanation. I-I want to know, Benedict..." Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at tumingin sa kawalan.
"Para saan pa?" Mahinang bulong niya, nakita ko naman na umalis si Callista sa harapan namin at nag lakad siya papunta sa mga kalaro niya.
"Our closure" nanghihinang sagot ko sa kaniya.
Tinitigan naman niya ako at gusto kong humagulgol sa harapan niya. I miss him so much. Ang tagal kong nangulila sa kaniya at ilang beses kong hiniling na sana matitigan ulit ang ganda ng kulay brown niyang mga mata. I want to hug him at gusto kong magmakaawa ngayon sa kaniya. Pero hindi na pwede, hindi na pwede mangyari ang mga pangarap at pangako namin noon sa isa't isa. Dahil alam kong sa pagkikita naming ito, tapos na ang lahat lahat sa amin.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
De TodoNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...