Chapter 24 FAMILY

6 0 0
                                        

January 26 came at kinakabahan ako dahil ito ang araw na makikilala ko mga magulang ni Benedict, nag suot lang ako ng white off shoulder dress. Alas syete ng gabi mag sisimula ang party kaya 6:30 pa lang ready na ako para kung susunduin ako ni Benedict aalis na kami kaagad.

"Be yourself apo, at alam kong mababait ang mga magulang ni Benedict dahil mabait na bata ang boyfriend mo" pag papagaan ni lola sa loob ko dahil kanina pa ako hindi mapakali.

"Mahal kita, apo" ngumiti naman ako kay lola at yumakap

"Mahal din kita, la" nag tawanan kami dahil sa bigla nalang kaming nag dramahan dito

"Para naman ikakasal ka apo, pinapaiyak mo ako" yumakap din siya pabalik, nang may narinig kaming bumisina tumayo na kami at pumunta sa labas.

Pag baba ni Benedict may dala siyang purple na bulaklak at naka ngiti itong binigay sa akin.

"You're so beautiful tonight, babe" yumakap siya sa akin at bumaling kay lola sabay yakap din nito.

"Maligayang kaarawan, apo"

"Maraming salamat po, lola" may ibinigay din itong rosas kay lola kaya tumawa si lola na parang kinikilig kaya umiling na lang ako sa kanila.

"Mag ingat kayo mga apo" yumakap ulit ako kay lola bago lumapit kay Benedict. Pinag buksan niya ako ng pintuan pero bago pumasok tumingin ulit ako kay lola na naka tingin pa rin sa amin habang naka ngiti, kumaway ako sa kaniya bago pumasok.

"Happy birthday, babe" lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi ngumiti naman siya bago pinaandar ang sasakyan.

"I'm very excited babe finally you will meet my parents and I'm sure they will like you" kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito

"Kinakabahan nga ako, babe. Alam mo naman hirap akong makihalubilo lalo na magulang mo sila, pero salamat sa pagpapalakas mo ng loob sa akin." Huminga naman ako ng malalim bago bumaling sa kaniya at hinigpitan ang hawak sa kamay namin

"Too much distraction, babe. Stop staring or I will stop this car so I can kiss you non stop" umiling naman ako sa kaniya at tinitigan pa rin siya.

"So you want my kiss, huh?" Tinigil niya ang sasakyan dahil malapit na rin kami sa kanila.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko bago siniil ng halik na mababaw, hinalikan ko siya pabalik kaya ang kamay niyang nasa pisngi ko ay nasa bewang ko na at nilapit pa niya ako sa kaniya.

"I miss kissing you, Ly" bulong niya na nagpa kiliti sa akin, hinalikan niya ang pisngi ko papunta sa panga hangga sa umabot siya sa leeg ko.

"Lets go, babe baka ano pang mangyari sa atin dito" tumawa siya at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga ko.

Nag simula na naman akong kabahan ngayon papasok na kami sa bahay nila, inilapit pa ako ni Benedict sa kaniya habang nag lalakad kami papasok. Pag pasok namin sa sala nila naririnig ko na ang ingay at tawanan ng mga kaibigan niya at nakita ko na rin sina Jenica kumaway kami sa isa't isa, ngayon papunta kami sa dining area nila dahil naroon ang pamilya niya.


"Mom, Dad" pag agaw niya ng atensiyon sa mga magulang niya at sa mga taong nandito sa loob. Isa isa ko silang tinignan at hindi na ako nagulat na nandito si Shariah with her boyfriend.

"Son" naka ngiting saad ng mommy niya habang papalapit sa amin pero ang tingin niya ay nasa akin.

"For sure this is your girlfriend, Lyca right?"
Nag lahad naman siya ng kamay kaya kaagad ko itong tinanggap at nag mano na rin ako dahil iyon ang nakasanayan ko, tumawa naman siya bago hinaplos ang balikat ko.

"Ang galing mong pumili anak, mana ka talaga sa akin" lumapit din ang daddy niya at nag mano rin sa kaniya.

"Of course, dad" sabay hila niya sa bewang ko.

"Okay let us eat now" pinag hila niya ako ng upuan bago umupo sa tabi ko, kaharap ko ngayon si Shariah na tahimik lang  naka tingin sa amin.

Nilagyan ni Benedict ng kanin ang plato ko kaya bago pa niya lagyan ng maraming kanin sinaway ko na siya kaya tumawa siya.

"So sweet" pag sasalita ni Shariah nag angat naman ako ng tingin at sarcastic siyang naka ngiti.

"Hi there couz! How are you?" Pang aasar pa niya natahimik naman ang daddy nila sabay baling sa anak niya na nag tataka. I knew it hindi nila alam ang relasyon namin dalawa at wala akong balak na sabihin iyon, pero ngayon nabanggit ni Shariah alam kong mag sisimula na silang mag tatanong.

"Couz? Mag pinsan kayo?" Bumaling ang daddy ni Benedict sa amin dalawa, tumawa naman si Shariah kaya nabitawan ko ang hawak na kutsara.

"Yes dad and her mom and my mom are siblings, that's why..." Nag sulat pa siya ng question mark sa ere na parang nang aasar.

"I didn't know that you have a cousin, hija. Akalain mo naman girlfriend pa ng kapatid mo" ngumiti naman siya kaya yumuko na lang ako, hinawakan ni Benedict ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung masaya ba ako na wala silang alam noong una o malulungkot dahil hindi man nila binanggit na magkakilala kami, it feels like I'm not important to their life but I know Benedict love me so much.

"I'm sorry tita, tito. I'm late" napa tingin naman kami sa nag salita at si Camille ang bumungad sa akin naka red dress siya doon  mas nakita ko kung gaano kaganda ang katawan niya dahil masyadong hapit ito sa kaniya. Tumingin siya kay Benedict na naka ngiti at dahan dahan nag lakad papunta sa amin.

"Happy birthday, Benedict" hinalikan niya ito sa pisngi na nagpa gulat sa akin, naramdaman kong humigpit pa ang hawak ni Benedict sa akin kaya tumingin ako sa kaniya.


Nasasaktan ako sa pinapakitang reaction ni Benedict sa akin, umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagpa tuloy sa pag kain. Sabi niya family lang ang makakasama namin sa dinner, bakit nandito si Camille? I know childhood friend sila pero bakit hindi niya sinabi sa akin na darating siya at may pag halik sa pisngi na magaganap?


"Okay I know excited na kayong mag party sa labas kaya sige na puntahan niyo na mga kaibigan niyo" bumaling ang mommy ni Benedict sa akin at hinaplos ulit ang balikat ko.



"I'm sorry,babe" habol niya dahil gusto ko ng makalayo doon dahil nahihirapan akong pakisamahan ngayon si Camille dahil sa nangyari kanina.

"For what?" Mahinang tanong ko, tumingin lang siya sa akin at nakikita ko na naman ang lungkot sa mata niya na hindi ko alam para saan. Umiling siya bago niya ako nilampasan at mas nauna pa siyang lumabas sa akin para puntahan ang mga kaibigan niya.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon