Napag pasyahan kong makipagkita sa mommy ni Benedict, para na rin malaman kung tungkol saan at bakit gusto niya akong maka usap.
Pumunta na ako sa lugar kung saan kami mag kikita at pribado ang lugar na ito,kaya alam kong importante ang sasabihin niya.
Pag pasok ko sa restaurant walang customer at may isang waitress na papalapit sa akin habang naka ngiti.
"Madame waiting you inside, this way ma'am" sumunod naman ako sa kaniya at pumasok kami sa isa pang pintuan at doon nag hihintay na nga ang mommy niya, nag angat naman siya ng tingin pero hindi gaya kagabi na naka ngiti ito sa akin ngayon seryoso niya akong tinitignan.
"Sit" utos niya kaya umupo na ako.
"Hindi na ako magpapaligoy pa, Lyca. Do you love my son?" This is quick talk, I hope.
"Yes! I really really love your son, madame. He helped me to be better version of myself, he always there when I needed someone to talk. He's comforting me with his words and his presence and he's my everthing, madame" tumango naman siya
"Kapag sinabi kong iwan mo siya, gagawin mo ba?" Napatitig naman ako sa kaniya at umiling
"I-I can't I love him and I can't let him go. I'm sorry-"
"Pero ikaw kaya ka niyang iwan! Hndi mo ba napapansin na unti unti na siyang nanlalamig sa iyo? Don't you get it? Pangarap ng anak ko na mag aral sa ibang bansa at doon tuparin ang pangarap niya, Lyca. Alam mo ba iyon? Bata pa lang siya pangarap na niya iyon at ngayon naka pasok na siya sa school na pinapangarap niya gusto niyang tumuloy pero iniisip kaniya-" pinutol ko ang sasabihin niya
"Because he loves me" umiling naman siya habang malungkot na naka tingin sa akin.
"Dahil naawa siya sa iyo" para naman akong pinatay sa sinabi ng mommy niya. Awa salitang ayaw kong marinig sa mga taong nakapaligid sa akin at ngayon nanggaling ito sa magulang ng boyfriend ko parang mas masakit pa ito kaysa noon.
"No! Maniniwala ako kapag si Benedict na ang nag sabi sa akin na naaawa siya sa akin. I'm sorry but I will never leave your son because I love him so much" akmang tatayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko, tumingin naman ako sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Pangarap ng anak kong makapag aral doon kaya sana wag mong ipagkait sa anak ko ito, kung talagang mahal mo ang anak ko palayain mo siya para matupad ang pangarap niya" umiwas naman ako ng tingin dahil nag sisimula ng manlabo ang mga mata ko dahil sa nag babadyang luha
"Pero hindi ko po kaya" halos pabulong ko na pagkakasabi
"Sabi po niya sa akin hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari, gusto niyang sabay kaming mag tatapos at kukuha ng trabaho. Mag iipon kami para sa kasal naka plano na po ang kinabukasan namin, iyon ang pangarap namin dalawa at wala sa usapan na aalis siya para sa pangarap niya" tuluyan ng lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil naalala ko pa kung gaano kasaya si Benedict nang minsan binanggit niya ang pangarap niyang mag aral sa ibang bansa noong mag kaibigan pa lang kami.
Gusto ko nasa tabi niya ako habang unti unti niyang inaabot ang mga pangarap niya hangga sa maging ganap na Architect na siya. I will support him no matter what, but will I still support him even he's miles away? Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na hingin niya ang suporta ko kahit na magkalayo kami dahil sa totoo lang hindi ko kayang ibigay iyon, dahil takot akong mawalay sa kaniya.
Pag labas ko sa restaurant ay siyang pag tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag at si Tita Net ang kapitbahay namin.
"Hello Lyca. Na-nasaan ka?" Ramdam ko ang kaba sa boses niya kaya kinabahan na din ako sa hindi malamang dahilan
"Po? Pauwi pa lang po, a-anong pong nangyari?" Narinig ko na lang iyak niya at ang pag banggit niya kay lola kaya tumakbo ako kahit na alam kong malayo ito sa sakayan. Habang tumatakbo pinupunasan ko naman ang luha kong ayaw tumigil sa pag buhos, may bumisina sa likod ko kaya napatigil ako at hinarap iyon
"Lyca?" Si Zach habang naguguluhan na naka tingin sa akin, lumabas siya at sabay hawak sa baba ko para makita niya ang mukha ko.
"Anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Seryosong tanong niya
"Si lola" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humagulgol na ako sa harapan niya at kasabay non ay ang pag yakap niya sa akin.
"Lets go" hinila niya ako papunta sa kotse niya at pinag buksan habang patuloy pa rin akong umiiyak. Sinabi ko sa kaniya kung saan hospital dinala si lola kaya mabilis niyang pinaharurot ang kotse.
Pag dating namin ay dali dali akong pumunta sa nurse station at nag tanong kung saan dinala ang matandang na aksidente.
Pag dating ko sa operating room ay ang pag labas ng doctor kaya dali dali akong lumapit para malaman kung ayos lang ba si lola. Pero sa pag iling pa lang ng doctor ay napa upo na ako sa sahig dahil ayaw kong marinig ang susunod na sasabihin niya
"I'm sorry but we did our best but-" tumayo ako kahit ng hihina pa ako para lang malapitan siya
"DON'T SAY THAT YOU DID YOUR BEST! Dahil kung ginawa niyo na ang lahat bakit wala na ngayon si lola? Nasaan ang ginawa niyo na ang lahat, kung tuluyan na niya akong iniwan? " Hinawakan ni tita Net ang kamay ko at pilit na nilalayo sa doctor.
"Tahan na hija. Alam mo naman na hindi gusto ng lola mo na umiiyak at nasasaktan ka, hindi ba?" Umiling naman ako at yumakap kay tita
"Pero bakit niya ako iniwan? Bakit kung kailan kailangan ko siya doon niya ako iniwan? Kung ayaw niya ako nasasaktan at umiiyak, bakit pa niya ako iniwan mag isa?" Humagulgol na ako dahil sa labis akong nasasaktan dahil sa pangalawang pagkakataon iniwan ako ng taong mahal ko.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RastgeleNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...