Ala una na kaming na tapos, pero mas maagang umuwi si Shariah dahil nga buntis siya at nag promise siya na babalik ulit siya bukas para mag usap kami. Sa huli kami na lang dalawa ni Zach ang naiwan at binuksan ko ang glass door at nag tungo sa balcony kung saan tanaw ko ang daang-daan bituin.
Itinaas ko ang kamay ko na para bang maabot ko ang mga ito at ngumiti. Mama Papa at Lola. Miss ko na kayo at sana masaya kayo ngayon sa narating ko. Maraming salamat sa pagmamahal at pagaalaga niyo sa akin. Maraming salamat dahil noong halos magmakaawa ako sa inyo na isama niyo na ako, hindi kayo pumayag dahil sinabi niyong hindi pa tapos at mayroon pang nag hihintay sa akin.
To Benedict maraming salamat sa mga alaala, salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo kahit hindi natin inaasahan na mauuwi tayo sa ganito.
Isang araw gumising na lang ako na tanggap ko na ang lahat. Na naging malaking part ka na nang buhay ko at nakaraan. Isang araw gumising na lang ako na wala na ang sakit. Maayos na ulit ako. Ngumingiti na ako at hindi na pagpapanggap iyon, kung hindi totoong ngiti. Isang araw gumising na lang ako na hindi na kita mahal.
Matagal man akong nakalimot, pero worth it ang lahat. Gumigising ako na magaan na ang loob ko at hindi na ako nag iisip ng kung ano-ano pa bago matulog.
Isang tao ang tumulong sa akin.
Zach Louisse Gervacio.
Naramdaman ko naman ang presensiya ni Zach sa likod ko pero pinatili kong naka tingala sa mga bituin.
"I really love stars. Kung paano sila mag ningning sa kabila ng kadiliman. Kung paano nila napapagaan ang loob ko. Bakit kaya no? Bakit sa gabi sila magandang tignan? Bakit ang daming humahanga sa kanila?" Niyakap niya ang isa niyang braso sa baywang ko at ipinatong niya ang kanyang ulo sa kaliwa kong balikat habang ang isa niyang kamay ay inaayos ang buhok ko.
"You are my favorite star, My love. Para sa akin, para kang mga bituin. Even in your darkest life, you'd shine on your own way. Sa bawat pag sulyap ko sayo, napapagaan mo ang pakiramdam ko. Sa dami ng mga bituin sa kalangitan. Itong kayakap ko ngayon ang pinaka gusto ko." Hinarap niya ako sa kaniya at ngumiti siya habang nilalagay ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko.
"I'm so proud of you. My star and My love. Pangako na sa bawat hakbang mo nandito lang ako para sabayan ka. Sa bawat pag takbo mo, nandito lang ako para sabihing hindi ka nag iisa. Sa lahat ng laban mo hinding hindi kita iiwan. I will kiss your flaws. I will hug your past. I will love your insecurities. I will accept everything about you." Tumulo naman ang luha ko dahil sa katagang binitawan niya. Anong nagawa ko sa kaniya para mahalin niya ako ng ganito?
I don't deserve him, I know. Pero this time gagawin ko ang lahat para maging karapatdapat ako para sa kaniya. Yumakap ako sa kaniya at umiyak sa dibdib niya.
"I love you, Zach." Alam kong nagulat siya sa sinabi ko dahil tumigil siya sa pag haplos sa buhok ko at pinipilit niya akong humarap sa kaniya.
"Lyca Mae" banta niya kaya ngumiti ako bago umalis sa pagkakayakap ko sa kaniya.
"What did you say?" Seryosong tanong niya na nag palapad pa sa ngiti ko.
"You heard it, right? I don't want to say it again." Tumalikod na ako sa kaniya pero bigla niyang hinila ang braso ko at naramdaman ko na lang ang halik niya sa akin. Ang gaan ng halik niya na para bang anytime ay masisira ako kung hindi siya mag dahan-dahan. Pagkatapos ng halik niya ay idinikit niya ang noo niya sa noo ko habang naka ngiting naka pikit siya.
"I'm so happy, My love. I don't want to wake up if this is just a dream, sabihin mo kung panaginip lang ito." Tumawa naman ako at hinawakan ang mukha niya, nag mulat naman siya at ramdam ko ang kasiyahan niya sa pamamagitan ng mga mata niya.
"This is reality. Hindi ka nanaginip. I love you, Zach" tinitigan niya ako bago pinatakan ng halik sa labi.
"I love you too, My love"
Isa siya sa naging dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay ko. Mali siya, siya ang bituin ko. Siya ang nag bigay ng liwanag sa buhay ko nang halos hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Siya ang nagbalik ng liwanag sa madilim kong buhay. Siya at ang mga kaibigan ko ang naging lakas ko.
***
After 8 years
"Congratulations Mr and Mrs Gervacio."
Sa loob ng walong taon maraming nangyari. Isa na doon ang pag hihiwalay namin ni Zach. Limang taon ang pagsasama namin, pero marami kaming hindi napagkakasunduan. Isa sa rason ang pagtatrabaho ko bilang isang modelo. I understand him, dahil maraming umaaligid na lalaki sa akin kahit na sinasabi ko sa kaniya na wala iyon sa akin.
"Saan ka galing?!" Sigaw niya sa akin pag bukas ko ng condo ko. Nakita ko ang alak na nag kalat sa sahig kaya nilapitan ko ang mga ito at pinulot isa isa.
"Matulog ka na, Zach. Bukas na lang tayo mag usap, lasing ka na" pero hinila niya ako patayo at nakita ko ang galit at sakit sa mukha niya.
"Sino ang lalaking kausap mo kanina?!" Araw araw namin pinag aawayan ito, ang mga lalaking kumakausap sa akin. Kahit iniiwasan ko na ang mga ito, nagiging sanhi pa rin ito ng away namin.
"Kasamahan ko sa trabaho. May tinanong lang siya at kung nakita mo kanina sandali lang kami nag usap, Zach." Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko at wala siyang paki alam kung nasasaktan ako sa pag hawak niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na umalis ka na sa trabaho mo?!" Inalis ko naman ang hawak niya sa akin.
"Kung ayaw ko?" mahinang tanong ko sa kaniya. Ayaw kong magalit dahil alam ko kapag pareho kaming galit, walang mangyayari at lalaki lang ang away namin.
"Aalis ka o ako ang aalis?" Seryosong tanong niya habang naka tingin sa mata ko.
"Wow! Zach? Really? Dahil sa trabaho ko iiwan mo ako?" Pinipigilan kong pumatak ang luha sa mata ko kahit na ang sakit ng sinabi niya sa akin.
"Yes! Umalis ka na doon! May nagugustuhan ka na ba doon? Kaya ayaw mong umalis ha, niloloko mo lang-" lumapat ang kamay ko sa mukha niya dahil hindi ko na kaya ang mga iniisip niya.
"Ganon ba ang tingin mo sa akin? Manloloko? Huh? Zach?. Mabuti pa umalis ka na dito!" Turo ko sa kaniya lumapit naman siya sa akin at niyakap niya ako.
"I-I'm sorry, My love" hinalikan niya ako sa noo at muli niya akong niyakap.
Hangga sa lumabo ng lumabo ang awayan namin na kahit konting bagay lang pinag mumulan ng away namin. Hangga isang araw we decided to broke up. Walang samaan ng loob, nag hiwalay kami ng maayos. Alam namin dalawa na hindi na healthy ang relationship namin kung ipagpapatuloy pa namin ito.
And yes limang taon ang relasyon namin at makalipas ang tatlong taon. Tumawag siya na ikakasal na nga siya.
Tanda ko pa noon halos gabi gabi na naman akong umiiyak, bumalik 'yung dating ako. Nag lalasing para maka tulog. Halos hindi ako lumalabas sa condo ko. Then Shariah together with Jannice and Jenica, tinulungan nila ako. Hangga sa na isip ko na masyado na akong nakakaabala sa kanila, mayroon na silang pamilya. That was when I decided to fix myself again, without the help of others.
Heto ngayon, kaharap ko silang dalawa. Alam kong masaya na sila sa buhay nila and I should be happy too.
"Thank you, Lyca" nag beso kami ni Nathalie, Zach's wife at ganon din ang ginawa niya.
"Ikaw kailan ka ikakasal?" Umiling naman ako sa kanila at hindi na nag salita pa.
Kahit 34 years old na ako, wala pa rin akong balak na mag asawa. Masaya ako sa buhay ko ngayon, and I should enjoy myself. Sa ilang taon na nag daan, na sanay ako na may taong handang sumalo sa tuwing nahuhulog na ako. Pero ngayon kailangan ko munang i-enjoy ang sarili ko. Ang buhay single.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...