Chapter 34 DIDN'T COME

5 0 0
                                    

"ARE YOU CRAZY, LYCA?" sigaw ni Jannice sa akin pagkatapos kong sinabi sa kanila na kami na ulit ni Benedict.

"I love him, okay?" Mahinahon kong pagkakasabi sa kaniya, ayaw kong sabayan ang galit niya dahil alam kong mag aaway lang kami.

"Yes! I know, we know. Alam ko rin kung gaano ka nasaktan noon, kung paano ka umiyak. Tapos sasabihin mo sa amin na kayo na, ulit?" Umupo naman siya sa harapan ko at kinakalma ang sarili niya. Hinaplos naman ni Jenica ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya, ngumiti siya pero alam kong hindi rin siya sang ayon na kami na ulit.

"Hindi namin maintindihan ang desisyon mo, Lyca. Pasensiya na dahil ganito ang reaction namin, dahil hindi ko o namin kaya na makita ka ulit na nasasaktan. Kaibigan mo kami, at nasasaktan kami kapag nakikita ka namin na nasasaktan. " Ani Jenica at yumuko siya

"I-I understand kung ganiyan ang reaction niyo. Inaasahan ko naman na hindi niyo agad matatanggap ito. But, please. Give Benedict a chance, like what I did. " Humarap naman sa akin ang mag pinsan kaya ngumiti ako sa kanila.

"Please"

"We support you, because I can see that after all this years. Ngayon ko lang nakita ulit ang saya sa mukha mo. But, don't expect na babalik din ang pagiging malapit namin sa kaniya, Lyca" niyakap ko naman sila at tumango.

I know na hindi nila ako matitiis dahil mahal nila ako at mahal ko din sila, kaya naiintindihan ko ang sinabi nila.

"Hello, babe? Where are you?" Tanong ni Benedict pagka sagot ko sa tawag niya.

"School. Pero palabas na rin, why? " Umuwi na ang mag pinsan dahil birthday ng tita nila, kaya nauna na sila sa akin.

"I'm here. Outside the school. Lets have a date, babe. I miss you" napa ngiti naman ako dahil nakikita kong bumabawi si Benedict sa nasayang na mga panahon namin noon.

"Okay, almost there babe" palabas na sana ako sa gate nang nakita ko si Zach na naka tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway pero tumalikod siya at nag lakad papalayo. Binaba ko ang kamay ko at nag pasyang habulin siya.

"Hey" sabay hawak ko sa braso niya.

"Yes?" Malamig na tanong niya. Nag tataka naman ako dahil sa mga kinikilos niya, dahil dati naman nginingitian niya ako kapag nakikita niya ako. Pero iba ngayon, may lungkot sa mga mata niya at mababakas din ito sa mukha niya.

"A-are you okay, Zach?" Ngumiti naman siya at alam kong pilit lang iyon.

"Yes, why?" Iksi naman. Matagal ko na siyang kilala at alam ko kung may problema  siya at ngayon alam ko meron nga siya.

"What's your problem? Tell me so I can help you, Zach" naka tingin lang siya sa akin at hindi nag salita.

"You know we're friends, Zach. So now tell me so-"

"IKAW! Ikaw ang problema ko, Lyca! Can't you see? Na mahal kita, na mahal na mahal kita. Friend? Fuck! I don't like us to be friend. I want you to see me us your boyfriend, Lyca! Why so heartless? Na kahit alam mong mahal na mahal kita at hindi lang kaibigan ang turing ko sayo, bakit ganiyan ka? " Yumuko naman siya at nakita ko kung paano niya mahigpit na hinawakan ang kamao niya.

"I-I'm sorry, Zach. Alam mo naman na hindi pa ako handa diba? Na hindi ko kayang isakripisyo ang pagkakaibigan natin para lang sa relasyon na hindi tayo sigurado kung magtatagal tayo. Kaya doon na lang ako sa sigurado, na walang magkakasakitan at walang masisirang relasyon" nag angat naman siya ng tingin at may luha na sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Pero nasasaktan na ako ngayon, Lyca. Please give me a chance to prove that I trully love you. Please. Sawang sawa na ako na hanggang magkaibigan lang tayo. Please, this time hayaan mo akong mahalin ka" pagmamakaawa niya. Umiwas naman akong tingin dahil hindi ko siya kayang nakikitang nasasaktan at pag bigyan ang hinihingi niya.

"I can't. I'm sorry. Si Benedict pa rin talaga. I'm sorry. I can't give the love that you want, Zach" tumango naman siya at lumapit sa akin, kasabay non ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"I understand. Alam ko naman na siya pa rin at hindi ko siya kayang palitan diyan sa puso mo. Pero gusto kong sumubok, but I guess talo talaga ako. Anong laban ko sa unang pag ibig mo? Habang ako ay nakikita mo lang bilang isang kaibigan. But, I understand." Siya ang bumitaw sa yakap at ngumiti sa akin.

Wala ng nag salita ni isa sa amin, hanggang tumalikod na siya. Umaasa ako na sana makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka pabalik at hindi ka sasaktan, Zach. At alam kong hindi ako ang babaeng iyon.

"Babe" napatalon naman ako dahil sa biglaang pag salita ni Benedict sa likuran ko. Humarap ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang yakap niyang mahigpit.

"Thank you. Thank you, dahil hindi ka tumigil mag mahal sa akin. Thank you kasi tinanggap mo ulit ako. Thank you for choosing me again, babe" yumakap naman ako pabalik at tumawa.

Habang nagmamaneho siya sinasabayan niya ang kanta na 'If we fall inlove'. Parang bumalik lahat ng alaala kung paano niya ako kinantahan sa loob ng klase habang nag gigitara siya, kung paano kabilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya habang nakatitig sa akin.

Naging pamilyar ang tinatahak namin kaya bumaling ko sa kaniya at nadatnan kong naka ngisi siya habang sumasabay pa rin sa kanta.

"Huwag mo akong tignan ng ganiyan, babe" hinawakan niya ang kamay ko at tinigil ang sasakyan niya bago humarap sa akin.

"Our first place. Our first date" lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Sabay kaming lumabas at nakita ko ulit ang isang mesa at dalawang upuan at may mga purple na kurtina at bulaklak na ganoon din kulay. Funny isn't it? Na dapat white roses or everything is white but he choose my favorite color. I smiled at him and I hug him tight.

"Thank you, babe"

"So how's your day,babe?" Tanong niya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Fine but stressful. Ganito pala kapag malapit ng matapos mas hassle, maraming kailangan habulin at kumpletuhin para maka graduate. You? How's your day?" Nag simula na kaming kumain habang nag uusap. May nag play na music kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Oo nga pala. Mag tatapos kana itong year na ito. Congrats babe. And I'm fine, babe. But yeah like you, stressful. But I can manage" tumitig siya sa akin at parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Magsasalita sana siya kaya lang ititikom niya ulit at hihinga ng malalim.

"What is it? You have a problem, I know. So can you tell me, babe? I'm ready to listen."

"I'm going back to France, babe" hindi na ako nagulat sa sinabi niya, dahil alam kong nag aaral siya doon. Pero hindi ko mapigilan makaramdam ng lungkot, aalis na naman siya.

"I-I can transfer here,babe. If you want, so we can be together anytime. I don't like this idea too, leaving you again." Hinawakan niya ang kamay ko at kita ko sa mata niya na nahihirapan siya sa desisyon niya. But like what I said. I'm not selfish for stoping him from reaching his own dream. All I can do is to support him, and I know he needs my support.

"It's okay,babe. Ilang taon na lang din naman matatapos kana rin. I'm willing to wait" even it takes times, basta para sa kaniya kaya kong mag hintay. Hindi ko alam paano ko siya naitulak noon kahit mahal na mahal ko siya. At ngayon handa ko siyang hintayin dahil sigurado na akong kami na nga hangga sa huli.

Pero ang pag hihintay kong iyon ay hindi na dumating.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon