Chapter 35 PROMISES

8 0 0
                                        

"What's wrong with you, Lyca?" Hinawakan ako ni Zach sa balikat at pilit na hinahanap ang tingin ko, ang dalawang mag pinsan naman ay nasa likuran niya.

"You asked me if what's wrong with me!? THIS" sigaw ko at sabay turo sa puso ko at pinunasan ang takas na luha.

"This pain, Zach! At walang makakatanggal o makakaalis sa sakit na nararamdaman ko, kahit kayo pa na kaibigan ko!"

"It's two fucking years, Lyca! Tanggapin mo na nawala na talaga siya!" But I can't. I still blaming myself from everything, dahil sa akin nawala siya.

"Mahaba habang panahon ang kailangan ko para matanggap ang lahat, Zach" bulong ko sa kaniya.

"If you will accept, you will forget. And stop blaming yourself, Lyca"

Forget? How?

"Kung pinigilan ko lang siyang umalis at nakinig na lang sa kaniya na mag transfer na lang dito para magkasama na lang kami. Hindi mangyayari ito! Hindi siya mawawala sa akin!"

"AND NO! I can't accept everything because until now. I know he's alive, na nandiyaan lang siya. Na babalikan niya ako. Kasi, iyon ang pangako niya sa akin. Alam kong babalikan niya ako, dahil nangako siya. Do you hear me!? Babalik siya! Babalikan niya ako-" isang malakas na sampal ang nagpatahimik sa akin.

"Hindi, Lyca! Kami ang pakinggan mo! Wala na siya! Dalawang taon na siyang wala! Nag crashed ang eroplanong sinasakyan niya! So paano siya mabubuhay?" Napaupo ako at humagulgol sa harapan nila. Alam kong imposible na mabuhay siya dahil sa aksidenteng iyon. Pero alam kong may pag asa pa, dahil hangga ngayon hindi pa nakikita ang katawan niya.

"Hindi, Jenica. Nangako siya. Babalikan niya ako, nangako siya. Hindi niya ako maaring iwanan dahil may pangako kami sa isa't isa. Magpapakasal pa kami at bubuo ng pamilya" niyakap niya ako ng mahigpit ni Jenica at umiyak ako balikat niya.

"Lyca, let go. Palayain mo na siya at ang sarili mo. Kung buhay man siya bakit hinahayaan ka niyang masaktan ng ganito? Kung may pangako kayo sa isa't isa, bakit hangga ngayon hindi ka pa rin niya binabalikan?" Panibagong luha na naman ang dumaloy dahil sa sinabi ni Zach. Pa-paano nga kung wala na talaga siya?

"Wa-wait, LYCA!" tumakbo ako papalayo sa kanila at sumakay sa kotse ko at mabilis na pinatakbo ito. Binuhos ko lahat ng mga luha ko doon at nag susumigaw na, bakit! Bakit kinuha na naman sa akin ang isang taong nagmamahal at nagpapasaya sa akin? Bakit pilit na kinukuha sa akin ang mga taong mahahalaga sa akin? BAKIT!?

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko at gusto ko na lang ibangga itong kotseng ito para makasama ko na ang mga mahal ko sa buhay. Mama, Papa, Lola at higit sa lahat Benedict. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan para iwan ako ng paulit ulit.

May paparating na truck at alam kong ito na ang tatapos sa buhay ko. Pumikit ako at ngumiti, handa na kung ano man ang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko ng wakasan lahat ng sakit na binibigay ng mundong ito.

Bago ko ipikit ang mata ko nakita ko ang mga taong nakapaligid sa akin at hindi na maintindihan kung ano man ang sinasabi nila.



"Mama, Papa? Lo-lola?" Naka ngiti silang tatlo sa akin at napakaliwanag ng kapaligiran dito. May mga iba't ibang kulay na paru-parong nagliliparan at mga ibon na humuhuni. Bumaling ako sa kanila at naka ngiti pa rin sila sa akin.

"Hindi pa tapos, anak. Hindi pa tapos ang laban. Huwag kang susuko nandito lang kami para gabayan ka" naalala ko na. May truck na paparating kaya ipinikit ko ang mga mata ko at  handa na akong mamatay para makasama sila.

Pe-pero bakit wala dito si Benedict? Binaling ko kung saan saan ang ulo ko para makita siya. Isang kamay ang humawak sa balikat ko kaya huminto ako sa paghahanap.

"Ikaw lang ang makakahanap kung na saan si Benedict. Mag tiwala ka sa pagmamahal niya sa iyo at mag tiwala ka sa mga pangako niya" ngumiti naman si lola at unti unting pumatak ang mga luha ko

"Mama, Papa, Lola. Miss na miss ko na po kayo, isama niyo na lang po ako. Ayaw ko ng maiwan, dahil sawang sawa na akong masaktan at umiyak. Please po... Isama niyo na ako" niyakap nila akong tatlo at isa isa nila akong hinalikan sa noo.

"I'm so proud of you, Lyca. Dahil nakayanan mo ang lahat kahit wala kami sa tabi mo. At alam kong makakaya mo din ito, go back to your life. May mas magandang mangyayari sa buhay mo, mag tiwala ka lang sa Kaniya" itinuro ni Mama ang taas kung saan ang mga ulap. At alam ko ang gusto niyang iparating, mag tiwala ako sa Diyos.

"Paano ako mag titiwala, ma? Kung lahat kayo ay kinuha na niya sa akin! Minsan tinatanong ko, kung may Diyos ba? Bakit hinayaan niyang mangyari ang lahat ng ito? Bakit hinayaan niya akong masaktan? Bakit gustong gusto niya akong nakikitang nahihirapan at lumuluha? Bakit?" Hinawakan ni papa ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Dahil alam Niya na malakas ka, na kaya mo ito. May tiwala siya sa iyo na malalampasan mo itong pag subok na nararanasan mo ngayon. At kung hindi mo kaya, gusto Niyang humingi ka ng tulong sa Kaniya gusto ka Niyang bumalik ulit sa piling Niya. Siya lang ang makakatulong sa iyo, anak. Habang kami ay nandito lang para alalayan ka sa bawat hakbang mo sa buhay. Trust His will, anak" niyakap niya ako ng mahipit kaya gumanti din ako. I miss his hug, I really miss my family so much.

"I love you, Lyca" iyon na ang huling salitang narinig ko sa kanila bago ko imulat ang mga mata ko.

"OMG" sigaw niya at sa boses pa lang alam kong si Jenica iyon.

"Ma-may masakit ba sayo, Lyca?" Tanong ni Jannice at halata sa boses niya ang pag aalala, umiwas ako ng tingin dahil hindi ko sila kayang tignan na may takot at sakit sa mukha nila.

"Nag-alala kami sa-sayo" pumiyok ang boses ni Jenica dahil sa pag pigil ng luha niya, pinunasan ko naman ng palihim ang luha ko dahil hindi ko kayang may nasasaktan ng dahil sa akin.

"Bakit Lyca? Bakit ang dali sayo para wakasan ang buhay mo? Hindi mo man lang ba kami naalala bago mo gawin iyon? Hindi mo ba naisip na may maiiwan kang kaibigan? Hindi ba kami ma-mahalaga sayo? Hindi ba mahalaga ang b-buhay mo sayo?" Humagulgol sa harapan ko ang dalawa at ang tanging magagawa ko na lang din ay umiyak.

Nabubuhay na lang ako dahil sa mga sakit na nararamdaman ko. Na kapag nakakaramdam ako ng sakit doon ko lang masasabi na buhay pa ako. This pain makes me alive.

Pero ngayon? Ang makitang nasasaktan at nahihirapan din ang mga taong hindi ako iniwan simula pa lang, parang dinudurog din ako.

"Nasaan na ang Lyca na palaban? Maawa ka naman, ibalik mo na sa amin ang kaibigan namin." Hearing them begging from their lost friend, is like torture for me.

"I-I'm so sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm so-" niyakap nila ako at nag iyakan kami. This is my friend, my family.

"Na-nandito na ako. Patawad kung naging makasarili ako, patawarin niyo ako sa nagawa ko sa inyo. I'm sorry na hindi ko naisip na nasasaktan ko rin kayo sa mga ginagawa ko. Sorry kung iniisip ko na ako lang ang nasasaktan. I'm sorry, Jenica and Jannice, Zach"

"Shh. Ang mahalaga okay ka na, Lyca. But promise or to us na hindi mo na uulitin iyon. Nandito lang kami sa tabi mo at hindi ka namin iiwan, sabay natin haharapin ang problema mo. Remember that we're always here" yumakap ulit sila sa akin at ngumiti naman ako kay Zach.

A LIFE OF REGRETMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon